“Malayo Pa, Pero Malayo Na”
gemoryaNaalala mo ba noong mga panahon na pinapangarap mo lang ang mga bagay na nararanasan mo ngayon? Sabi mo pa nga, hindi mo kakayanin kasi malabo, kasi imposible, kasi walang sumusuporta, kasi walang nagtitiwala. Pero ngayon, isa ka sa mga bata noon na nangarap na maging maayos ang buhay, nagtiwala at naniwala.
Malayo ang buwan pero kapag pinagmasdan mo ito, tila ba ang lapit lang sa'yo. Ibig sabihin lang no'n, makakamit mo lahat ng gusto mo sa buhay.
Sana hindi mawala ang paniniwala mo sa sarili mo na magliliwanag ka at ang buhay mo, dahil tulad ng buwan at mga bituin sa kalangitan, nagliliwanag sila kapag dumating iyong oras na para sa kanila. Sana, huwag kang tumigil maniwala na kaya mo, dahil tulad ng buwan at bituain sa kalangitan, isa sila sa naniniwala sa'yo.
Kung anong meron ka ngayon, malayo ka na mula sa inaakala mong malayo pa. Keep reaching the star and the moon. Keep reaching your dream.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan
RandomBalang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Weekly Writing Activity. Date Activity Posted: March 10, 2024