“Suntok sa Buwan”
Itim_na_plumaSimple ang babaeng mangarap.
Tinitingala man ang mga bituin, silay aming nalalanghap.
Mga binibining gaya ko'y tiyak sasang-ayon,
kung sasakay kami sa buwan para salubungin ang alon.
Mapait man ang ihip ng hangin,
hindi hadlang ang buhok sa aming paningin.
Malinaw ang lahat kung sino ang dapat hamakin.
Rinig ang lahat kung sino ang may hinanaing.
Kaya't isang gabi ng ako'y humiyaw,
dinig ng tala at buwan ang aking mga sigaw.
Mga kamay na nakaabang humagod sa aking likod.
Tila pinatatahan, katawan kong napapagod.
Kung sana ay nalaman kong, ako nalang pala ang nakakakapit.
Kung sana ay inamin mong, ika'y bumitiw na sa higpit.
Kung sana ay naging tapat ka,
Walang pangako ang maaantala.
Kung sana ay sinabi mo,
Makakayanan ko pa siguro.
Ngunit ganito talaga ang buwan,
may kinang ngunit tila karimlan.
Pangarap kong napabayaan?
Isusuntok ko parin sa buwan.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan
RandomBalang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Weekly Writing Activity. Date Activity Posted: March 10, 2024