"Maga-aral ulit ako ..."
Isang impit na tawa ang iginawad ng mga kaibigan ko sa itinuran ko. "Paawat ka naman, Uno." ngising sambit ni Tyrone.
"Oo nga, gagraduate na tayo, pero pag-aaral ulit inaatupag mo. Maawa ka naman sa katawan mo." pangangatyaw nila sa akin na animo'y nakikipagbiruan at sinasakyan na lamang ang panloloko ko.
Ramdam ko ang pagpitik ng sentido ko, pinilit kong itago pailalim sa mesa ang nanginginig kong mga kamay.
𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘴𝘦𝘴 𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘣𝘢 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯?
Bilib din ako sa tiwala nila sa akin.
Ang tiwala ng pagkakaibigan ay isa talaga sa mga mahirap bitawan, pero kadalasan, madaling baklasin sa isang maling desisyon.
"Gutom na ako, saan niyo gusto kumain?" inalok sila ni Rovic, lahat ay nagsitayuan sa kanilang mga upuan at ako na lamang ang natitira.
"Kumain naman tayo sa masarap na fastfood nang mahimasmasan naman itong si Uno sa sinasabi niya." halakhak ang tangi nilang naging tugon kay Simon.
Sandali silang nanahimik. Pansin nila ang kawalan ko ng aksyon o ngiti sa kanilang biro.
Hindi ko magawang ngumiti.
Nahimigan ko ang boses ni Paulo na nagtataka.
Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang kanilang mga pigura.
The adjacent room feels like a distant dream; it feels like I am out of touch within the vicinity of reality. I watched how their distance from me grew larger and larger til it becomes big enough for my steadfast heart to waver.
Parang ang laki ng agwat naming magkakaibigan.
And that was enough to make my heart ache.
I thought we were on the same pace of the race?
Bakit tila ako naman ngayon ang nadedehado?
Hindi patas.
Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, bakit sa huli, ako pa rin ang talo?
"Uno?"
"Were you saying something?" ani ko. Bakas ang pagbagsak ng luha sa'king mga pisngi.
The tears left a dry trail on my cheek, my lips carved a devastated smile.
"Anong nangyari?"
Tila sa oras na iyon, parang inilatag ko nang buong-buo ang sarili ko sa kanila.
What else am I supposed to do anyway?
"Bagsak ako, at ..." nanginginig akong bumuntong hininga.
"... kailangan kong umulit."
I betrayed myself.
I was too comfortable with my own setting, I keep forgetting that life isn't all about school.
Ilang beses ko na tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang pinagkaiba naming magkakaibigan. Ilang beses ko nang sinubukan lutasin ang problema ko, ang sagot sa mga katanungan, kung ano ba ang mayro'n sa kanila na wala ako, at parang mas angat sila sa akin kahit ano man ang gawin ko.
It turns out, it was all a ruse on my part.
Ironic, isn't it?
I was fooled into believing that I can have anything if I worked hard for it.
Siguro iyon ang problema sa akin.
I take things literally even if it doesn't make sense to me.
𝘈𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰 𝘬𝘢, 𝘜𝘯𝘰?
In the end, I was the loser. And I got lost. I missed the fun. I dedicated everything in education, only for me to fail in the hardest way.
They had their fun on the way. They had fun while maintaining their balance with education.
"Sus!"
I almost jumped out of my skin. Arms were wrapped around my shoulders and neck. They were messing with my hair.
"Naga-alala ka bang hindi ka makakahabol sa amin?" pang-aasar sa akin ni Simon.
Bigla akong namula sa sinabi niya.
"We believe in you, Uno ..." he said, his eyes were earnest. There was a knowing glint in his eyes.
Tears were brimming in my eyes. I couldn't swallow the lump on my throat.
Para akong masusuka.
"Mahirap bumalik, pero hindi iyon 𝙨𝙪𝙣𝙩𝙤𝙠 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣."
"Alam naming kayang-kaya mo makahabol, Uno. Ikaw na yan! Nangunguna ka sa amin kung tutuusin." dagdag pa ni Tyrone.
Rovic slid off the glasses resting on the bridge of my nose. "Tama na ang iyak! Kailangan mo ng pampalakas bukas para harapin ang Dean natin."
"EXCUSE me?" I merely raised my head.
"Can I help you?" tutok ang buong mukha ko sa isang libro nang magtama ang tingin namin ng isang babae. Halata sa mukha niyang aligaga siya at mukhang naliligaw sa campus.
"Alam niyo 'ho ba kung saan ang College of Arts and Sciences?" my ears perked at the mention of our department.
"Actually, yes. Taga CAS Department ako." itinuro ko sakanya ang ID ko.
Her eyes automatically lit up in relief.
"I can ... I can lead you the way if you'd like."
"S ... Sure," pareho kaming nauutal, tila nagkakaalaman pa yata.
We were sizing up each other with one look. The walk towards our building was slow and casual.
"Pasensya ka na sa abala, nagbabasa ka ata kanina ng importanteng lesson. Hindi ko kaagad napansin." she tried to initiate the convo.
I was glad that she did.
Hindi ako gano'n ka-engaging magsimula ng conversation.
I would be happy to fill in her questions, but I can't do as much, like opening up a conversation starter topic.
"No problem at all, vacant naman namin." marahan ko siyang nginitian. Ramdam ko pa rin ang nagaalangan na ngiti niya.
"Sigurado ka ha? Maraming salamat talaga ha!"
"You're welcome—"
"Oh, by the way, come and stop by sa classroom namin if you have time. I'll treat you some time."
"What for?" I asked incredulously.
"Just a token of appreciation."
Huminto kami sa harapan ng classroom nila.
1-A
"I'm curious, what school did you previously come from?"
She faces me with a small, enthusiastic smile.
"Technically, I didn't go to school. Huminto ako ng isang taon."
Ipinihit nito ang hawakan ng pinto.
I instinctively yelled a small "Wait!"
"Yes?"
"I ... didn't catch your name."
"—Dos,"
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan
AcakBalang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Weekly Writing Activity. Date Activity Posted: March 10, 2024