Entry #12

7 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Palaisipan

astarseed


Kanina pa hindi mapakali si Rein kakatangin sa kapatid niyang tutok na tutok ang mga mata sa screen ng laptop nito habang seryosong nagtitipa.

"Gabi na, hindi ka ba titigil d'yan?" Bakas sa mukha ni Rein ang pag-aalala sa kapatid.

"Yes. Hindi ako titigil hangga't hindi ko 'to natatapos, 'Te," ani Joan, nakababata niyang kapatid.

Kiming ngumiti si Rein at naglakad palapit dito. Umupo siya sa tabi ni Joan at inalis ang laptop sa ilalim ng mga paa nito.

"Ate!"

Sinave ni Rein ang document na sinusulat ni Joan bago pinatay ang laptop at sinara. "You should rest na, Jo. Baka nangangawit na rin 'yang mga paa mo kakatipa."

"Pero, Ate, alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa . . ." Yumuko ito at nagpunas ng namutawing luha gamit ang kamay na putol na. Parang may nabiyak sa loob ni Rein habang pinapakinggan ang mahinang hikbi ng nakababatang kapatid.

Naiintindihan niya kung bakit ito ganito. Alam niya kung bakit gustong-gustong tapusin ni Joan ang ginagawa. Pero, hindi niya kasing maatim tingnan ang nakakaawang postura nito sa tuwing nasa harap ito ng laptop.

Nagpakawala ng bumuntonghininga si Rein bago lumapit muli sa kapatid at inilahad ang laptop nito. "Fine. Basta, huwag kang masiyadong magpupuyat, ah, kung hindi ay isusumbong talaga kita kina Mama."

Kumurba ang mga labi nito. "Thanks, 'Te! Don't worry, hindi ako gaanong magpupuyat! Last two chap na lang, matutulog na ako!" Bumalik ulit ito sa ginagawa, bumubuo ng kuwento gamit ang kanyang imahinasyon at paa sa pagtipa.

Napailing na lang si Rein bago iniwan ang kapatid sa silid nito. Ano bang meron sa pagsusulat at kahit nahihirapan na ito ay hindi pa rin tumitigil gawin? Tanong niya sa isip habang naglalakad patungo sa kanyang kuwarto.

Suntok sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon