Chapter 3

76 7 0
                                    

Malungkot na pinagmamasdan ni Volcanica ang papalayong si Rob. Magkahalo ang tuwa at lungkot sa kanyang dibdib. Sa wakas ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap nyang makilala si Rob. Ito ang matagal nyang inasam sa halos mahigit tatlong taon. Lagi nyang iniisip kung kailan at paano ang itsura ng kanilang unang pagkikita. Isa lang ang mahalaga sa kanya ngayun. Hindi natakot sa kanya si Rob. Naglaho na ang agam agam niya. Kung alam nga lang niya na ganun lang kadali ang lahat, sana ay noon pa siya nagkalakas ng loob na magpakita sa binata.

Hindi gusto ni Volcanica ang pakiramdam na bumabalot sa kanyang puso habang unti unting nawawala sa kanyang paningin si Rob subalit alam ng diwata na ito ay pansamantala lamang. Hihintayin nya ang sunod nilang pagkikita. Alam niya hindi magtatagal ay muling babalik si Rob.

"Kahit hindi mo sabihin, mababakas ang labis na kaligayahan sa iyong mukha Volcanica"

boses ito ni Lavaya, isang animoy alitaptap na nagbabaga ang mga pakpak.

Si Lavaya ay matalik na kaibigan ni Volcanica. Ito ang kanyang tagapagbantay mula pa nang sya ay isinilang. Inatasan ito ng kanyang ama na samahan sya sa lahat ng pagkakataon. Nagbabaga ang mumunti nitong pakpak sa umaga at nagaapoy naman ang mga iyon kapag lumilipad ito sa gabi.

"Dahil na naman ba ito kay Rob?"

panunukso nito sa kaibigan.

"Oo Lavaya! Sadyang napakasaya ko ngayon. Sa wakas ay nagkakilala na kami ni Rob!"

Masayang bulalas ni Volcanica

"Ano?! Tama ba ang narinig ko?"

Gulat na gulat ang mukha ni Lavaya. 

"Grabe naman ang reaksyon mo!"

may halong tampo sa boses ni Volcanica

"Di ba pweding maging masaya ka na lang para sa akin?"

Medyo umismid ito

"Alam mo naman kung gaano katagal kong hinintay ang pagkakataong ito Lavaya. Hindi natakot sa akin Rob! Napawi lahat ng agam agam ko"

Masayang lumusong si Volcanica sa kumukulong lava at nag floating ito doon. 

Naninirahan si Volcanica sa pinakapusod ng bulkan. Napapaligiran ito ng mga mga makikintab na hiyas at nagbabagang mga bato. Sa gitna ay makikita ang malaking lawa. Kumukulo at nagbabaga ang lawang iyon at isa ito sa paboritong pahingahan ni Volcanica.

"Dati palagi kang nag-aalala nung hindi pa kayo nagkakakilala"

ani Lavaya habang lumilipad itong paikot ikot sa nakalutang na kaibigan

"Hindi na ngayun Lavaya"

sagot ni Volcanica

"Pinawi ni Rob ang lahat ng takot ko. Napakabait nya at higit na gwapo sa malapitan"

may kilig na usal ni Volcanica.

Kita sa mukha ng kaibigan ni Lavaya kung gaano ito kasaya. Naganap na ang pinakakaasam nito. Masaya si Lavaya para sa kaibigan subalit unti-unti ring tumutubo ang takot sa kanyang dibdib. Nag-aalala sya para sa diwata at di nya ito maaaring sabihin kay Volcanica. Alam nyang labis ang magiging galit nito kapag nalaman iyon.

"Ano sa tingin mo Lavaya? maaari ko kayang dalhin dito si Rob?"

tanong ni Volcanica sa kaibigan.

"Ha? palagay ko ay huwag na muna Volcanica"

may pag-aalinlangang sagot ni Lavaya

"Isang beses pa lang kayo nagkita. Di pa iyon sapat upang makilala mo sya"

anang kaibigan

"Hanggat maaari ay maghintay ka muna ng tamang panahon upang magkakilala kayo ng lubos" pagpapatuloy nito 

"Isa pa ay maaaring maging mapanganib sa iyo kung dadalhin mo agad sya sa iyong tahanan"

paliwanag ni Lavaya sa kaibigan

Natigilan si Volcanica sa tinuran ng kaibigan. Dumilat ito at tumayo. Para bang nabawasan ang tuwang nararamdaman niya. Pinapalitan uli ito ng takot. 

"Iwanan mo muna ako Lavaya"

utos nito sa kaibigan

"Nais ko munang mapag-isa" 

Naglakad si Volcanica patungo sa kanyang trono. Sumandal ito doon at muling pumikit.

"Patawad Volcanica. Di ko nais na sirain ang iyong tuwa"

may pagsusumamo sa boses ni Lavaya

"Wag kang humingi ng kapatawaran mahal kong kaibigan. Hindi naman masama ang mag-alala. Pinapakita mo lamang sa akin kung gaano mo ako kamahal"

magkahalong galit at lungkot ang himig ng boses ni Volcanica

"Maraming salamat Lavaya. Maaari mo na akong iwan"

Hindi na dumilat si Volcanica pagkasabi niyon. Nanatili itong nakapikit.

Tahimik na lumipad papalayo sa lugar na iyon si Lavaya. Wala syang balak na saktan o sirain ang nadaramang tuwa ng kaibigan. Sana ay sa ibang araw na lang niya sinabi iyon.

VOLCANICA (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon