Tumagos si Volcanica sa gitna ng talon. Sumunod na din sa kanya si Rob. Lumingon muna ang binata bago ito pumasok sa rumaragasang tubig. Parang tintatandaan nya ang lugar na kanyang pinaggalingan.
May kung anong kaba ang naramdaman ni Rob.
Tama ba na sumama ako dito? sabi nya sa saril
Naramdaman ng diwata na wala sa likod nya si Rob. Kaagad siyang bumalik at nakita nya ang binata na nakahinto lamang sa gitna ng malakas na bagsak ng talon. Para bang na engkanto ito.
Agad na tumakbo si Volcanica at hinawakan nya ang kamay ng binata.
"Okey ka lang ba Rob?"
Bahagya nyang niyugyog ang binata. Nagulat pa si Rob. Parang nakatulog sya sa isang iglap.
"Nag aalinlangan ka bang sumama sa akin ha Rob?"
Bakas sa mukha ng diwata ang pag-aalala at lungkot
"Hindi Volcanica. Napagod lang marahil ako at nabigla ang aking katawan sa malamig na buhos ng talon. Huwag mo akong alalahanin. Hinantay ko ang sandaling ito"
Sabi nya sa diwata upang pawiin ang pag-aalala sa mukha nito.
Pagkarinig niyon ay hinawakan ni Volcanica ang kamay ni Rob at inakay ito. May kung anong init ang gumapang sa katawan ni Rob. Nagulat pa sya ng makita ang sarili na bigla na lamang natuyo ang kanyang kasuotan maging ang kanyang sapatos ay tuyo na rin. Wala man lang bakas na dumaan sya sa batis at talon.
Lumingon syang muli at wala na rin ang talon at tanawing kanilang pinanggalingan. Ibang iba ang mundong ito. Napapaligiran ito ng malalaking tipak ng batong marmol na may kumikislap na ibat ibang hiyas.
Diyamante ba ang mga iyon?
Tanong ni Rob sa sarili. Hindi ako maaaring magkamali. Diyamante ang mga iyon.
Lulang lula si Rob sa bumabalot na kayamanan sa tahanan ng diwata. Hindi sya halos makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Tara na Rob, Bababa tayo sa hagdanang iyan"
Sumunod na lamang si Rob habang inaakay siya ng diwata. Mahigpit ang hawak sa kanya ni Volcanica.
Para bang wala na syang pag- asang makatakas...
Tuloy tuloy silang bumaba sa mataas na hagdanan patungo sa kailaliman. Hindi matanya ni Rob kung gaano kataas ito. Halos nasa sampung ulit ng hagdan sa viewing deck papuntang crater lake.
Hindi akalain ni Rob na sa kailaliman ng lugar na matagal na nyang pinupuntahan ay may nananahang napakagandang diwata. Kung malalaman lang ito ng mga tao ay tiyak na pagkakaguluhan at pag-aagawan ang napakaraming kayamanang nakapaligid dito.
"Maligayang pagdating sa aming tahanan Rob"
Pagbati ni Lavaya sa halos tulala pa ring si Rob.
Nang marinig ng binata ang sinabi ni Lavaya ay biglang nagising ang kanyang diwa.
"Maraming salamat Lavaya. Ikinararangal ko na binigyan nyo ako ng pagkakataong makapasok sa inyong tahanan. Pasensya na kung ganito ang reaksyon ko. Mahirap nguyain ang mga pangyayaring ito. Pakiramdam ko ay nabaknal ako ng labis
Umaliwalas ang mukha ng binata pagkabanggit niyon.
"Tara na Rob, samahan mo ako sa aking pahingahan habang pinaghahanda tayo ni Lavaya ng makakain."
Hindi pa rin binibitiwan ni Volcanica ang kamay ni Rob. Sunod sunuran na lamang sa kanya ang binata.
“Siya nga pala Rob, nais kong isuot sa iyo ang singsing na ito…”
BINABASA MO ANG
VOLCANICA (ONGOING SERIES)
FantasyAng kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nagustuhan ng isang magandang diwata ng bulkang Pinatubo. Ito ay isang hindi karaniwang kwento na iniluwal ng malalim na imahinasyon ng may-akda dahil na rin sa kaugnayan nito sa kanyang kasalukuyang...