“Hayaan na muna natin syang matulog Lavaya’'
Anang diwata sa kaibigan.
“Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito na makasama ko sya ng malapitan”
Dagdag pa nito na may halong kilig sa boses.
“Hmp! Wala naman kaya akong magagawa kahit tumanggi ako”
Sabay ismid nito sa kaibigan.
“Hindi ba parang pagsasamantala yan?”
Magkahalong gigil at impit na tawa habang binubulungan nya ang kaibigan.
“Tsk! Ang killjoy mo talaga! Di mo ba nakikita na nag mo moment ako? Tapos panira ng moment yang mga sinasabi mo!”
Marahang sabi nito sa kaibiagn sabay senyas na lumayo muna ito.
“Sige na nga! oo na lang ako kamahalan”
Marahang hagikgik nito
“Dahil lagi ka namang malakas sa akin, pagbibigyan kita. Doon muna ako sa may bukana at magbabantay ako ng paparating at baka biglang may mga katutubong maligaw dito”
Pagkasambit niyon ay lumipad na papalayo si Lavaya
“Lavaya! Sandali!”
Sutsot nito sa papalayong kaibigan
“Isara mo ang dakong ito. Ayokong may magpunta dito. Gusto ko munang samantalahin ang pagkakataong makapiling ang mahal ko”
Utos nito kay Lavaya
“Okey! Isasara ko na at matutulog na din lang ako dun sa may lagusan”
Tuluyan ng umalis si Lavaya
Umaapaw ang kaligayan ni Volcanica ng mapag-isa na. Wala na si Lavaya. Magkakaroon na sya ng pagkakataong masarili si Rob…
Ang kanyang pinakamamahal…
Dahan-dahan siyang humilig sa may balikat nito habang titig na titig sa natutulog na binata. Matagal siyang nakatitig sa mukha nito na para bang sinasaulo ang bawat hibla ng buhok, pilikmata, mga guhit sa gilid ng mata at ilong. Hindi nya napigil ang sarili na dahan dahang dampian ng halik ang noo nito pababa sa may labi.
Biglang uminat ang binata at napatda siya at pigil ang hininga habang hinihintay ang binata na magdilat ng mata. Nagbago lang ng pwesto si Rob, uminat pa ng kunti at kumuha ng magandang pwesto at tuloy pa rin ang tulog nito.
Dahil naibuka ng kaunti ni Rob ang braso, nagkaroon ng pagkakataon ang diwata na humilig dito. Napakapinong kilos lamang sa pag aalala niya na magising ito. Kay sarap ng pakiramdam ni Volcanica at hindi na rin nya namalayang nakatulog na din sya.
Nasa ganoong posisyon si Volcanica ng biglang magdilat ng mata si Rob. Kitang kita nya na nakadikit ang pisngi na dalaga sa kanyang dibdib habang nasa mga braso nya ito nakaunan. Gulat na gulat si Rob at para syang itinulos sa kinauupuan. Hindi sya gumawa ng kahit anong ingay at nanatili lamang nakatitig sa diwata.
Dahan dahan nyang hinalikan ang buhok nito. Kay bango ng kanyang buhok! Magkahalong amoy ng mabangong bulaklak at langis ang nalanghap nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ng binata.
Naramdaman ni Volcanica ang mabilis na tibok ng puso ni Rob at nagdilat sya ng mata. Nakita nya ang nakapikit pang si Rob. Umayos ng upo si Volcanica at hinipo ang ilong ng binata.
BINABASA MO ANG
VOLCANICA (ONGOING SERIES)
FantasyAng kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nagustuhan ng isang magandang diwata ng bulkang Pinatubo. Ito ay isang hindi karaniwang kwento na iniluwal ng malalim na imahinasyon ng may-akda dahil na rin sa kaugnayan nito sa kanyang kasalukuyang...