Chapter 2

123 8 5
                                    

 ANG PAGKIKITA NI ROB AT VOLCANICA

Agad na tinungo ni Rob ang madawag na lugar upang hanapin ang pinagmumulan ng liwanag. May kalayuan din ito kaya ginamit nya ang kanyang head lamp. Di sya maaaring magkamali, apoy ang nakikita nya sa dako pa roon.

Nagmamadali na syang napatakbo upang usisain kung ano ang nagliliyab na iyon. Laking gulat nya ng kanyang mapagtanto na hindi bonfire ang nakikita nyang pinagmumulan ng apoy kundi nanggagaling sa naglalagablab na kamay ng isang babaeng nakaupo at nakatalikod. Parang itinulos si Rob sa kinatatayuan. Hindi nya alam kung ano ang iisipin Nasa modernong panahon na si Rob at alam nyang sa pelikula, TV at mga libro lamang nagaganap ang mga ganitong eksena.

Kilalang matapang si Rob subalit sa pagkakataong iyon ay hindi nya malaman kung saan sya huhugot ng lakas ng loob upang harapin ang ganoong sitwasyon.

"Wag kang matakot"

malamig ang boses na namutawi sa babaeng nakatalikod.

"Wala naman akong balak na saktan ka Rob"

Dahan dahang tumayo ang babae at humarap kay Rob. 

Namangha si Rob ng makita ang kabuuhan ng dalaga. Napakaganda nito bagamat mukhang nagliliyab ang kaanyuan ng dalaga. Perpektong hugis ng katawan, maamong mukha, mahabang buhok, mahahabang pilikmata, kagandahang taas at napakagandang mga ngipin. 

Isang napakagandang diwata ng bulkan. Ito ang agad na sumagi sa isip ni Rob.

"Ako si VOLCANICA, ang diwata ng bulkan. Ako ang nangangalaga sa lugar na ito"

Malumanay na nagpakilala ang diwata kay Rob sabay abot ng kanyang kamay. Sandaling natigilan ang binata sabay titig sa mga kamay ng dalaga. Nag-aapoy ang mga kamay na yun nang makita nya ito kanina subalit wala na ang apoy na yun

"Wag kang mag-alala, hindi ka naman mapapaso"

Nakangiting usal ng dalaga

Dahan dahang inabot ni Rob ang kamay ng diwata. Napakalambot ng mga kamay na iyon at normal lamang ang init kagaya ng normal na tao.

"Ikinagagalak kong makilala ka Volcanica"

halata sa boses ni Rob na hindi pa rin sya mapakali

"Siya nga pala bakit alam mo ang aking pangalan?"

tanong ni Rob

"Diwata ako ng bulkan Rob at sa pagdaan ng panahon palagi kitang nakikita sa lugar na 

ito"

usal ng dalaga.

"Alam mo bang wala na akong ginagawa kung hindi hintayin ka at pagmasdan ka mula sa malayo"

pagpapatuloy nito

"Ilang beses ko na ring binalak na magpakita sa iyo subalit nag-aalala ako na baka katakutan mo lamang ako"

malungkot nitong sambit.

"Subalit noong huli mong akyat narinig ko sa kwentuhan nyo na hinding hindi mo katatakutan ang anumang kababalaghan na maaaring makita mo sa lugar na ito"

pagpapatuloy ng diwata

"Iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpakita na sa iyo ngayon bagamat nararamdaman ko pa rin na nilalabanan mo lamang ang iyong takot Rob"

sabay lapat ng kamay ng diwata sa dibdib ni Rob. Muntik ng napaurong si Rob. Nabigla sya sa ikinilos ng diwata.

"Unawain mo sana ako magandang diwata. Nabigla lamang ako. Napakaganda mo upang ikaw ay katakutan" 

sambit ni Rob na ngayon ay nakabawi na sa pagkabigla. Parang ngayon pa lang nag sink-in sa kanya ang mga nangyayari.

"Matagal na rin akong nag-iisip na may kakaiba nga sa lugar na ito. Yung mga kahoy? Sayo ba galing ang mga yun?"

Agad na tanong ni Rob sa dalaga

"Oo Rob, sadyang ipinaglalaan kita ng mga panggatong na iyong kakailanganin sa bawat pag-akyat mo. Masaya ako na kahit sa ganoong paraan ay natutulungan kita"

paliwanag ng diwata.

"Maraming salamat kung ganun. Ngayun ay malinaw na sa akin ang lahat. Ipagpaumanhin mo sana ang naging reaksyon ko kanina"

pakiusap ni Rob sa dalaga.

"Wag mong isipin yun Rob. Mas higit pa nga dun ang inaasahan kong magiging reaksyon mo kapag nagpakita ako sayo"

anang dalaga.

"Talaga?! Ano nga ba ang inaasahan mo? Siguro iniisip mo na kakaripas ako ng takbo ano?! haha!"

Pahalakhak na banggit ni Rob.

"Tumpak!! haha!! at maiiwan mo ang iyong tsinelas, madadapa ka pa at aalalayan kitang tumayo! haha!"

Masayang sambit ng dalaga

"Grabe naman ang imahinasyon mo! Tapos mag aalasdose na nun at itatago mo ang tsinelas ko? Ano yung Cinderello? haha"

Masayang nagtawanan ang dalawa. 

Hindi na napansin ni Rob ang paglalim ng gabi dahil naging abala na ito sa pakikipagkwentuhan sa diwata. Napakasaya ng bawat oras at alam ni Volcanica na malapit na ang umaga. Malapit na silang maghiwalay ni Rob...

VOLCANICA (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon