Nagising si Rob nang tumunog ang kanyang relo. Sinadya ni Rob na mag alarm upang magising sya pagkatapos ng dalawang oras na tulog. May plano siyang bumili ng pasalubong para kay Volcanica. Nagmamadaling bumangon at nagbihis si Rob. Pasado alas syete na ng gabi. May dalawang oras na lamang na nalalabi sa kanya upang mag-ikot at humanap ng maaari nyang ibigay kay Volcanica.
Agad na napatayo si Jane ng makita ang binata. Dali dali itong naghanda ng mesa at pinainit ang sinigang na paborito ni Rob.
“Mamaya ka na maghanda ng pagkain Jane. May pupuntahan lang ako sandali. Tapos na ba ang preparasyon?” Tanong ni Rob sa kanyang sekretarya
“Opo. Nakahanda na po ang lahat.” Maagap na sagot ng dalaga.
“Okey! Aalis muna ako sandali. Mamaya na ako kakain pagbalik ko. Sabihin mo kina Kulot na magpapatawag ako ng pulong mamaya pagdating ko.”
Nagmamadali ng umalis si Rob sakay ng kanyang kotse. Pinaharurot na nya ito papuntang bayan.
Ano kaya ang maaari kong ipasalubong?
Ahh! Kay hirap mag-isip ng maaari niyang ialay sa diwata.
Ano nga ba ang maaaring makapagpasaya dito?
Wala pang trenta minutos na tinakbo ng sasakyan ni Rob ang pinakamalaking shopping mall sa bayan.
Nagpasya si Rob na bumili ng tsokolate kahit hindi niya alam kung kumakain nga nito ang diwata. Magandang Makita syang kumain ng mga bagay na gusto ng mga kadalagahan sa kanyang mundo. Bumili din sya ng ipod na puno ng mga paborito niyang kanta. Kumuha rin sya ng naka preserve na bulaklak na nakalagay sa magandang lalagyan at makulay na balabal na hinabi ng mga katututbo. Umaasa siyang magugustuhan ni Volcanica ang mga ito. Nais niyang makapagbigay ng mga bagay sa diwata na makapagpapaalala sa kanya kapag siya ay wala.
Mag aalas nuwebe na nang makabalik sa opisina si Rob. Naghihintay na sa kanya ang kanyang mga tauhan sa kubo.
“Kagigising mo lang ata Eric. Naghapunan na ba kayo?” Maaliwalas na bati nya sa mga ito.
“Di pa po boss. Hinintay ka na namin para sabay sabay na tayong kumain. May trek pala tayo bukas balak ko pa naman sanang umuwi paggising ko” ani Eric
“Pwede ka namang umuwi mamaya pagkatapos natin kumain at mag meeting o kaya ay doon ka na matulog sa inyo. Bumalik ka na lang ng maaga bukas total alas syete naman ang dating ng mga guest” sagot ni Rob
“Kung guso mo naman, wag ka nang umakyat bukas. Pwede ka namang palitan ni Nardo. Maaga pa naman. Madali lang pupunta yun dito” pahabol pa ni Rob
“Ikaw naman boss, syempre gusto kong umakyat. Hayaan mo na si kuya Nardo sa susunod na lang sya” maagap na sagot ni Eric.
“Tulungan na kita dyan sa mga pinamili mo boss para makakain na tayo”
akmang kukunin ni Sherwin ang mga dala niyang pasalubong kay Volcanica.
“Huwag na Wing. Ako na bahala dito. Maghain na kayo dyan sa kubo at dyan na rin tayo kakain at mag meeting. Ipapasok ko lang ang mga ito. Babalik agad ako”
Tuloy tuloy ng pumasok si Rob sa kwarto niya at ipinatong ng maingat sa kama ang mga dala at nagbihis ng boxer short at agad ding bumalik sa kubo.
Pinagsaluhan nila ang masarap na sinigang ni Jane. Nag assess ng mga pangyayari sa katatapos pa lang na trek at pinag-usapan din nila ang mga gagawin sa panibagong grupong hahawakan nila kinabukasan.
BINABASA MO ANG
VOLCANICA (ONGOING SERIES)
FantasiAng kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nagustuhan ng isang magandang diwata ng bulkang Pinatubo. Ito ay isang hindi karaniwang kwento na iniluwal ng malalim na imahinasyon ng may-akda dahil na rin sa kaugnayan nito sa kanyang kasalukuyang...