"Ang aga mo atang nagising boss?"
Anang sundalo.
Kadalasang me kasamang militar ang mga overnight camping activity. Mandatory na may magbabantay sa mga turistang nagpapalipas ng magdamag sa bundok. Ito ay para maiwasan na rin ang anumang kapahamakan sa lugar.
"Ah! oo!"
medyo nagulat pang sagot ni Rob sa nagtanong na sundalo.
Halos mag-uumaga na pala. Hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. Labis syang nalibang sa pakikipagkwentuhan sa bago nyang kaibigan. Hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin sya makapaniwala na nakilala nya ang diwata ng bulkan. Wala naman kasing kahit anumang kwento patungkol kay Volcanica o kahit kathang isip tungkol sa diwata. Bukod tanging si Apo Malyari lamang ang karaniwan niyang naririnig na pinag-uusapan sa lugar na iyon. Si Apo Malyari ang kinikilalang bathala at tagapamahala ng bulkan. ito ay ayon sa mga katutubong AETA na naninirahan sa paligid nito.
"Kape boss? o nagkape ka na?"
Tanong ng kagigising lang na si Eric
"Maganda yang naisip mo Kulot! Sige pagtimpla mo ako"
agad na sagot ni Rob
Nagkakape sya kagabi ng huli silang nag-usap ni Eric. Ang sabi nya sa tauhan ay maglalakad lamang sya at magpapaantok. Sobrang puyat ang inabot nya at ito ay hindi dahil sa kape.
Mabilis na inabot ni Rob ang inihandang kape ni Eric
"Igawa ko pa kayo ng sandwich boss? o kanin?"
pahabol na tanong ni Eric
"Okay na ko sa kape. Yung mga turista na lang ang asikasuhin mo kulot"
Sabay turo ni Rob sa mga banyagang isa-isa ng lumalabas sa tent
"Hey guys! Good morning! How's your night?"
pasigaw na tanong ni Rob sa kanyang mga bisita
"Oh! great Rob! We had a great night. I got to go to capture the sunrise"
Nagmamadaling sabi ng kano habang isinusukbit ang tripod nito
"Hey Tim! You go that way! That's the best spot!"
Sabay turo ni Rob sa lugar na paboritong pinupuntahan ng mga dalubhasang photographer na nais kumuha ng larawan ng bukang liwayway.
Yun na lamang ang nalalabing oras sa mga turista. Alas nuwebe ang pack-up time kaya ilang oras na lamang ang gugugulin nila sa lugar na iyon. Kanya-kanyang bitbit na sila ng kamera habang naghahanap ng magandang pwesto. Abala na rin ang mga tauhan ni Rob sa paghahanda ng almusal. Kadalasan ng handa nila ay loaf bread na american style, longganisa, ham, keso, saging at kape. Tanging mga Asyano lamang ang madalas na nag rerequest ng kanin sa umaga.
Matapos makapag almusal ng lahat ay nagsimula na silang magligpit ng mga gamit samantalang ang mga turista naman ay abala pa rin sa pagkuha ng larawan.
“Hey guys! You have to check your things. It’s hard to go back if you forget something here”
paalala ni Rob sa mga bisita. Parte na ng mga patakaran ni Rob ang pagpapa check ng gamit bago nila gibain ang mga tent upang makasiguro na walng maiiwanang gamit ang mga turista.
Pinapaipon din nya lahat ng basura para bitbitin pauwi. Mahigpit si Rob sa pagpapanatili ng kalinisan at madiin nyang ipinapatupad ito sa kanyang mga tauhan at mga giya.
BINABASA MO ANG
VOLCANICA (ONGOING SERIES)
FantasyAng kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nagustuhan ng isang magandang diwata ng bulkang Pinatubo. Ito ay isang hindi karaniwang kwento na iniluwal ng malalim na imahinasyon ng may-akda dahil na rin sa kaugnayan nito sa kanyang kasalukuyang...