Chapter 6 - Ang Kasaysayan ni Haring Pinatu at Reyna Bolina

23 1 0
                                    

Nasa mahigit dalawampung dekada na na ang nakakaraan ng ipasa kay Haring Pinatu ang pamamahala sa bulkang kinalakihan ni Volcanica. Ang pasyang ito ay iniluwal ng mahabang dileberasyon sa pagitan ng konseho ng mga Vulco.

Sa hanay ng mga kabinataan ng panahong iyon ay isa si Pinatu sa pinamakisig at maaasahan. Nakilala sya at hinangaan ng marami dahil sa mga taglay nyang katangiang nararapat upang maging isang Tagapamahala ng bulkan. Kasama na sa mga katangiang ito ay ang pagiging mapag aruga sa mga tao, hayop at kalikasan sa syang pangunahing tungkulin ng mga Vulco. 

Ang pagsabog ng mga bulkan sa ibat-ibang panig ng mundo ay nangangahulugan ng matinding tunggalian sa hanay ng mga Tagapamahala nito. Bunga ito ng mga bagay na hindi pinagkakaisahan o kaya ay mga tuwirang paglabag ng mga Tagapamahala sa mga batas na itinakda ng konseho.

Sa loob ng pamamahala ni Haring Pinatu ay nakilala nya si Bolina habang nangangaso ito sa gubat kasama ng kanyang ama at mga kapatid. Lubos na humanga si Pinatu kay Bolina dahil na rin sa taglay nitong kagandahan. Mula ng Makita nya ito ay hindi na tumigil pa si Pinatu upang makilala ang dalaga.

Isang araw na naglalaba sa batis si Bolina ay naglakas loob si Pinatu at nagpakita sa dalaga. Magkahalong takot at gulat ang gumuhit sa mukha ni Bolina. 

“Huwag kang matakot magandang binibini” 

malumanay na pakiusap ni Pinatu

“Kapayapaan ang aking dala. Wala akong balak na saktan ka. Nais ko lamang makilala ang dalagang gumugulo sa aking isipan at nagpapalakas ng tibok ng aking puso” 

Sambit ng binatang tagapamahala ng bulkan.

“Sino ka?”

sambit ng nahihintakutang dalaga

“Ako si Pinatu. nais ko lamang ibigay ang mga bulaklak na ito sa iyo” 

Sabay abot ng magagandang orkidyas sa dalaga. Napatda ang dalaga habang nakatitig ito sa magagandang orkidyas.

“Pakiusap, tanggapin mo sana ang mga bulaklak na ito. Tanda ito ng malaking paghanga ko sa iyo. Ayaw sana kitang gambalain subalit hindi ko na kayang maghintay pa ng matagal. Hangad ko lamang na makilala ka.” 

Anang binata

Matamang tinitigan ng dalaga ang binatang may hawak ng mga bulaklak. Napakagandang lalaki nito at napakakisig. Hindi pa sya nakakakita ng ganito kagwapong lalaki sa hanay ng kabinataan sa kanyang baryo. Dahan dahan niyang inabot ang mga orkidyas.

“Maraming salamat! Ang ganda ng mga orkidyas. Ito ay isa sa mga paborito kong halaman. Ang totoo ay matagal na akong naghahanap ng ganito upang makapagtanim ako sa aming bakuran”

Sambit ng dalaga habang hinihimas ang bulaklak ng may paghanga.

“Ganun ba? Lubos na ikasisiya kong bigyan ka ng mga binhi na maaari mong gamitin upang magpatubo ng mga ito”

agad na sagot ng binata

“Talaga? Syanga pala, Bolina ang aking pangalan Pinatu, ikinagagalak kong makilala ka. Pasensya ka na sa naging reaksyon ko.” 

Sagot ng nakangiti ng dalaga.

Magmula ng araw na iyon ay hindi na tumigil pa si Pinatu hanggat hindi nya napaibig ang magandang dalaga at hindi naman sya nabigo. Pagkalipas lamang ng ilang buwan ay tuluyan ng nahulog ang puso ng dalaga sa kanya. Hindi na rin inilihim pa ni Pinatu ang tunay nyang pagkatao kay Bolina. Agad naman itong tinanggap ng dalaga bagamat may halong takot ay hindi maikakailang napamahal na ng husto si Pinatu sa dalaga. Para kay Bolina, handa syang harapin ang lahat huwag lamang silang magkahiwalay.

VOLCANICA (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon