CHAPTER 10 - ANG BAHAY NI ROB

15 1 0
                                    

“Pangako mahal ko, babalik agad ako”

Buong pagmamahal ni Rob na niyakap at hinalikan ang malungkot na si Volcanica

“Hihintayin kita mahal ko…

Halos ayaw na ng diwatang mawalay sa kanya si Rob.

Napakahirap ng kanyang nararamdaman. Higit na mas mahirap pa kaysa noong tinatanaw lamang niya ito sa malayo. Ngayon, ang paghihiwalay nila ay animoy punyal na tumatarak sa kanyang dibdib. Alam nya ang ganitong pakiramdam. Ganito rin noong yumao ang kanyang ama. Isang napakabigat na damdamin na dumudurog sa kanyang kabuuhan.

Parang gusto niyang habulin ang binata at magmakaawa ritong manatili na lang sa kanya subalit alam nya na hindi pa iyon ang tamang panahon. Kay bata pa lang ng kanilang pagmamahalan. Kailangan nyang magtiwala sa hiwaga at kapangyarihan ng pag-ibig.

Ito ang mga aral na iniwan sa kanya ng kanyang ama.

“Sa panahong ikaw ay magmamahal aking prinsesa, isipin mong higit na mas marami ang pagpapakasakit kaysa sa ligaya. Ganoon ang tunay na pagmamahal. Sakripisyo at pagpapakasakit para sa iyong minamahal. Tulad ng iyong ina, sa labis na pagmamahal nya sa akin at sa kagustuhan niyang mabigyan ako ng anak, mas pinili nya ang magsakripisyo at harapin ang kamatayan upang magkaroon lamang iyon ng katuparan. Hindi ko iyon gusto subalit iyon ay kanyang pasya. Ang pagdating mo sa aking buhay ay labis na kaligayahan para sa akin bagamat ito ay kamatayan para iyong ina subalit iyon ay kanya ring haharapin dahil siya ay mortal kaya mas pinili nyang iluwal ka”

Sariwa pa ang mga aral na iyon sa kanyang puso. Patuloy na nagiging tuntungan upang makayanan nya ang kalungkutan. Alam nya darating ang araw, magsasama rin sila ni Rob. Hihintayin nya ang araw na iyon.

“Tayo na Volcanica”

Ani Lavala habang nakatitig pa rin sya sa kawalan. Nawala na sa kanyang paningin ang bulto ni Rob.

Nilamon na ito ng kadawagan.

Oh Rob. Ilang sandali pa lang subalit labis na ang aking pangungulila…

Unti unti ng nabubuo ang likidong apoy sa gilid ng mga mata ni Volcanica…

“Eto, makakatulong to saiyo”’

Inabot ni Lavaya ang ipod sa diwata

“Di ba lahat ng awitin dyan ay paborito ni Rob. Patugtugin na natin”

Inilagay ni Lavaya ang headset sa diwata at pinatugtog ito. Sumaliw ang madamdaming awitin na pumuno sa katauhan ng nalulungkot na diwata.

“Tayo na Lavaya. Mas gusto kong mahiga habang pinakikinggan ang musikang ito”

Samantala, narating na ni Rob ang camping area at Masaya siyang sinalubong ni Eric.

“Boss, ginabi ka na. Mukhang napasarap ang tulog mo ah! Bawi!”

Masayang bati sa kanya ni Eric

“O, diba ikaw din naman ang nag suggest nun. Kumusta na ang mga guest?”

Maagap niyang sagot kay Eric

“Yung iba po ay andun kasama ni Sherwin. Nasa may bon fire. Yung iba naman ay may kanya kanyang pwesto, alam mo na nag lalabing labing”

Sabay tawa ni Eric pagkaturan niyon

“Ikaw talaga kulot. Miss mo na siguro si ken ano?”

VOLCANICA (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon