Nakahiga na si Rob at relax na relax ang katawan dahil sa katatapos lang na pagmasahe sa kanya ni Dong. Ngayon ay tiyak na makakatulog na sya ng mahimbing.
Muling natuon ang pansin ni Rob sa kanyang singsing. Buong pagmamahal niya itong hinimas at dinampian ng halik.
Kringgggg….. Kringggg
Tumunog ang mobile phone ni Rob. Agad itong bumangon at tiningnan kung kanino galing ang tawag.
International number ang nakarehistro sa kanyang screen.
“Yes, hello, this is Rob. How may I help you?”
Kaagad niyang sagot sa kabilang linya.
“Oh, hi Rob, this is Kirk from Australian embassy. Still remember me? You organized an overnight camping for us last year”
Sagot nito sa kabilang linya
“Oh, hi Kirk! Yeah, of course I remember you. The guy with the most wonderful wine”
Kaagad nitong sagot sa australyano.
“Am gonna book a trip again and this time it’s the daughter of my boss. She wanna go there alone but of course she has 3 bodyguards with her. I personally recommended your service. Will email you the details tomorrow. Can you arrange this trip and can you personally accompany her? I’ll send you her hotel details ok”
Paliwanag nito sa kanya
Agad namang tinanggap ito ni Rob
“Ok Kirk! Will wait for your email. Thank you for the recommendation!”
Sagot nito sa banyagang kliyente
“Don’t mention it Rob! Thanks and have a nice day!”
Sagot nito sa kabilang linya at narinig ni Rob ang dial tone na ibinababa na nito ang telepono.
Masayang bumalik sa kama si Rob. May booking na uli...
Tinawagan nya si Jane para sabihin ang tungkol sa bagong booking at nagbilin din itong imonitor ang kanyang email.
Kahit may sekretarya si Rob, binibigay pa rin niya ang kanyang personal na number sa ilang mga importanteng kliyente tulad ni Kirk. Para sa kanya, iba pa rin ang dating kapag personal na ibo-book sa kanya ang mga tour. Mas nararamdaman nila ang personal touch ng kanilang kumpanya.
Ilang araw na lang at magkikita na uli kami ng mahal ko…
Oh, Volcanica, labis ang ang pananabik kong muli kang makita mahal ko….
Naalala nya ang mga binilin ni Lavaya kaya muli siyang napabangon at kumuha ng listahan para isulat ang mga iyon. Kailangang bilhin na niya iyon bukas. Tiyak na lagot sya sa maliit na diwata kapag nakalimutan nya ang mga iyon.
Samantala, hindi na mapakali si Lavaya. Maghapon kasing hindi kumain si Volcanica
“Ano ba Volcanica. Kahapon pa ang huling kain mo. Mula kaninang umaga ay hindi ka pa tumikim ng kahit ano… Sige na. Kahit sabaw lang o kaya kahit prutas lang o kahit ano basta kumain ka. Nakikiusap ako…”
Paikot ikot ang maliit na diwata sa tapat ng kama ni Volcanica. Hindi siya nito pinapansin. Nakapikit lang ito habang nakasalpak sa tenga nya ang headseat.
Alam ni Lavaya na kahit ano pa ang sabihin nya ay hindi sya nito naririnig dahil sa sobrang lakas ng tugtog. Hindi na ito nakatiis. Tinanggal ni Lavaya ang headset sa pagkakakabit nito sa Ipod saka ito lumipad ng mataas.
BINABASA MO ANG
VOLCANICA (ONGOING SERIES)
FantasyAng kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nagustuhan ng isang magandang diwata ng bulkang Pinatubo. Ito ay isang hindi karaniwang kwento na iniluwal ng malalim na imahinasyon ng may-akda dahil na rin sa kaugnayan nito sa kanyang kasalukuyang...