Mga ilang buwan na rin ang lumipas na ganong ang pang araw araw na pattern ni Zyphrus sa buhay, MWF syang pumupunta sa Manila upang ma check at makasama ang mag ina. At ang mga natitirang araw naman ay iginugugol nya sa palayan at kay Petrione. Lagi nya itong dinadala sa mga lugar na pinupuntahan nila dati. Sa ilog, sa may palayan at sa burol. Natawa sya sa isang alaala na ng ngyari sa ilog dati . . . .
Busing busy kapapapaypay si Zyphrus sa isdang dala-dala nila ng maligo silang tatlo nila Maymay. Ang dalawa naman ay nag tatampisaw sa mababaw na bahagi ng ilog na iyon.
"Ione may nahahalata ako . . . . ", halos pa bulong na sabi ni Maymay pero dahil sila lng naman ang nandoon at ang agos lng ng ilog paminsan minsan naman ay huni ng ibon ay rinig na rinig nya ito.
"Ano naman yon?",
"May di ba kayo sinasabi sa akin ni Sepsep?", agad namang napalingon ang dalaga sa gawi ng kaibigan. "Kung tingnan mo kasi siya eh parang hinuhubaran mo na", nanlaki naman ang mata ni Petrione sabay takip ng bibig ng kaibigan
Lihim naman syang napangiti at tumikhim ng konti. Natatawa naman sya sa pinag uusapan ng dalawa. Di pa kasi alam ng kaibigan nila na mag kasintahan na sila natatakot silang mabisto kaya kung maari ay todo iwas sila lalo na't strikto ang Don.
"Bibig mo best, kung ano-ano ang pinag sasabi", pinandilatan naman ni Petrione ang kaibigan.
"Tapatin nyo nga ako", nilakasan konti ni Maymay ang boses nito para marinig din nya buti nlng at patapos na sya sa iniihaw, agad nya iyon kinuha ang inilagay sa may banig na inilatag nila doon.
"Ikaw guni-guni mo lng yan Best ---",
"Talaga? may mga ebidensya ako", pag aamok nitong sabi
Doon nlng sya na upo sa malapit sa latag nila, don sya puwesto sa may malaking bato.
"Ikaw talaga napaka eskandalosa mo", sagot naman ni Petrione dito.
Naaaliw syang nkatingin sa dalawa. Panaka naka ay tumitingin si Petrione sa kanya, at bakas sa mukha na humihingi ng despensa sa kanya, kapag tumitingin na rin si Maymay sa gawi nya ay sya naman ang umiiwas.
"Hoooy! mas matanda pa rin ako sa inyo ng dalawang taon mag si ayos kayo", sabay duro nito sa kanilang dalawa
"Eh wla nga ---
"Sige Ione i explain mo ha . . . kasi ako talaga may ebidensya nako sinasabi ko sa inyo",
"Sige ba - ", pilit laban ng kasitanhan nya sa kaibigan nila
"Okay first", sabay humuhugot lng hininga " yang bracelet na binili natin sa bayan noong nkaraang fiesta paki explain", pag mamataray nito. "tsaka anong akala nyo di nako nkakahalata, di naman kayo criminal pero panay nakaw nyo ng tingin sa isa't isa, anu yon habulan pero mata ang gina gamit?", sabay halukipkip nito.
Nanigas naman sya dahil sa mga sinabi ng kaibigan. Nkakahalata na pala ito at ina antay lng na sila ang umamin. Napabuntong hininga say sabay lingon sa gawi ng kasintahan.
Ang bracelet kasi na yon ay binili nlang apat noong nakaraan. Mag kapareha silang lahat ng desinyo, nasali pa ang pinsan nyang si Robert na inaaligiran si Maymay, ang nka sulat ay ang mga pangalan nila pero ang kanilang dalawa ni Petrione ay may petsa, kung kailan naging sila officially - 7/15/14.
"Ah, eh, ih ---", kinakabahang sagot ng kasintahan nya.
"Oh, uh? sige bakit may petsa yan tapos magkapareha pa kayo?", sabay baling sa kanya nito.
Gusto man nyang umamin pero nag usap na sila tungkol don na kung okay na ang panahon ay tsaka pa nila sasabihin. Taimtim pa rin syang nka tingin sa kasintahan, tila ba naipit sa pag iintriga ng kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
Someone like you
RomantizmZyphrus Ortega, isang probinsyano at lingid sa kanyang kaalaman ay isa pala syang may kaya. Nasa kanya na ang lahat, bilang isang mahirap ay wala na syang mahihiling pa; mga magulang na ubod ng bait, kapatid at kapamilya pero isa pala iyong kasinung...