Katatapos lng kumain ni Petrione at napag pasyahan nyang bumalik sa kanyang tinutuluyan, ewan ba nya kung bakit feeling nya ay pagod na pagod sya eh wla naman syang ginawa buong mag araw kundi nag lakad-lakad dahil sinusulit nya ang kanyang ginagawang bakasyon para di din nya maalala ang sakit.
Pero sino bang niloloko nya, eh suot suot nga nya ngayon ang hawaiian polo ng kanyang dating kasintahan. Naalala pa nya ng ibigay ito noong anniversary nila . . .
"Happy 9th monthsary Mahal", bati nya sa kasintahan sabay yakap dito mula sa likuran.
Agad naman syang hinarap nito, at dinampian ng halik sa labi.
"Happy monthsary mahal", nakangiting wika nito sabay bigay ng regalo.
"Akala ko ba wlang bigayan ng gifts", nag aalalang nyang sabi dito. Sabay naman silang napaupo.
Nasa kubo sila ngayon upang i celebrate ang monthsary nila gaya ng mga dumaan pang monthsary nila.
Napatawa naman ito sa kanyang reaksyon.
"Mahal alam ko pero gusto ko kasing ibigay yan sayo kasi galing yan sa akin", sabay haplos ng kanyang kamay
Agad naman nya itong binuksan, isa itong hawaiian polo na mga dahon ang design may dahon ng niyog at dahon ng malalaking halaman. Tamang tama naman ang kulay na tropical green yellow at skyblue. Ang sukat noon ay pareha sa katawan ni Zyphrus.
Bumaling naman sya dito na may ngiti sa labi.
"Sana nagustohan mo, sinadya kong ganyan ang ibigay sayo para maalala mo ako pag suot suot mo yan", agad naman nyang inamoy ang damit, may faint smell doon ng isang pabango ang green na bench, iyon ang pabango nito.
"I love it mahal", sabay yakap ng damit at tuluyang sinali na sa yakap ang binata "Surely i'll treasure this", nginitian nya ang lalaki. At agad naman syang hinalikan nito, pag ka tapos non ay masaya silang kumain sa handa nila, isang litro pitsil na buko juice fresh from the tree, isang platong may pritong saging, at syempre di mawawala ang paboritong nilang crinkles . . .
At ngayon may bitbit syang maliit na selophane na crinkles binili nya ito kanina ng may nadaanan syang bakery. Ng marating nya ang kanyang cottage ay nag taka sya ng makita ang kanyang pinto na nakaawang at may nauulaningang nag sasalita sa loob.
Baka mag nanakaw? Kaba nyang tanong sa sarili
Marahas syang pumasok, napabuga sya ng hangin ng narealize kung bakit ganon nlng ang pagka bukas ng kanyang pintuan.
"Pasenya na maam, malapit na po itong matapos", mabilis ang bawat galaw nito sa pag lilinis halatang sanay na sanay na.
"Okay lng akala ko lng kasi mag nanakaw", natatawa nyang amin at isinirado ang pintuan.
Agad naman syang umupo sa single sofa doon at taimtim na pinanunuod ang ginagawa ng lalaki.
"Matagal kana ba dito?", out of the blue nyang tanong dito
"Ah opo, matagal tagal na din po, bakit po?", sabay baling nito sa kanya habang pinupunasan ang isa table doon sa gilid.
"Okay naman ba ang trato nila sayo? ayos ba ang pa sweldo", Sunod sunod nyang tanong dito.
"Oo naman po bakit nyo po natanong?", Naka kunot naman ang noo nito tila naguguluhan.
"I dont mean to sound offensive pero ang payat payat mo, although di naman klaro ang buto mo pero mapayat ka talaga", prangka nya dito.
BINABASA MO ANG
Someone like you
RomantizmZyphrus Ortega, isang probinsyano at lingid sa kanyang kaalaman ay isa pala syang may kaya. Nasa kanya na ang lahat, bilang isang mahirap ay wala na syang mahihiling pa; mga magulang na ubod ng bait, kapatid at kapamilya pero isa pala iyong kasinung...