Last Part

75 2 1
                                    

"Abegail Edrenal, laya ka na," imporma ng pulis habang binubuksan ang kandado ng kulungan.

Napakunot-noo si Abbey. Akala niya kasi ay magtatagal siya sa bilibid dahil alam naman niyang walang tutulong sa kanya. Lalong wala siyang alam na puwedeng magpapyansa sa kanya.

"Ako po, Sir?" paniniguro niya na tanong.

"Oo, Abbey," sagot ng pamilyar na boses sa kanya, si Arvin.

Mas napamaang si Abbey nang masilayan niya ang nagsalita. Napakakisig ng binata sa pormal nitong suot. Hindi naka-uniform ng pulis.

"Ayos ka lang?" tipid siya nitong nginitian.

"O-oo," alanganing sagot niya. Lumabas na siya sa mga rehas nang bigyan siya ng daan ng pulis na nagpapalaya sa kanya.

"Bakit ka 'andito? Paano ako nakalabas?"

"Binayaran ko ang pyansa mo."

"Pero bakit?"

"Dahil gusto kitang tulungan."

"Kahit masama akong tao?"

"Pulis ako, Abbey. Kabisado ko na ang mga totoong masama at napipilitan lang maging masama."

"Pero, Arvin—"

"Puwede ka pa namang magbago, 'di ba? Tutulungan kita, Abbey. Hayaan mo lang sana akong tulungan ka."

Namula ang mga gilid ng mga mata niya. Oo, puwedeng-pwede siyang magbago dahil sa totoo lang ay matagal na niya iyong gusto gawin. Hindi niya lang alam kung paano magsisimula dahil sa sitwasyon ng kanyang lola.

"Ate Abbey," mayamaya ay narinig niya namang sigaw ni Pototoy.

Namilog ang mga mata ni Abbey. "Pototoy, bakit ka nandito?"

"Huwag ka nang maraming tanong kay Kuya Arvin kasi naiinip na si Lola sa malaking bahay. Kanina ka pa niya doon hinihintay."

Napatingin si Abbey kay Arvin dahil sa sinabing iyon ng bata.

"Kinuha ko na sila sa bahay niyo dahil simula ngayon doon na kayo titira sa bahay ko. Hinding-hindi ka na makakawala sa akin dahil tinanggap na rin ako ni Lola Ising bilang apo," ngiting-ngiti na sagot ng binata kahit na hindi pa siya nagtatanong.

"Kung ayaw mo'y pinapasabi niya na maghanap ka na lang daw ng ibang lola," mayabang na sabi pa ni Arvin.

Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aray," kunwari ay angal naman nito.

Napangiti na rin siya pero napawi rin agad iyon nang may maalala siya. "Paano ang Mama mo? Magagalit siya sa 'kin"

Umiling si Arvin saka inakbayan siya "Si Mama nga ang nagsabi sa 'kin ng lahat, eh. Sabi niya ay tulungan kitang makalaya at tanggapin ka kahit sino ka pa."

"Weh? Hindi nga?" Hindi siya naniniwala. Bakit naman iyon gagawin ng isang Beckah?

"Oo nga. Promise. Actually, she's also waiting for you at home."

"Talaga? So, alam mo na rin na nakikita at nakakausap ko siya?"

"Oo naman, noon pa. At inamin na rin niya lahat ng kasamaan na ginawa niya sa 'yo or should I say iyong mga pangungulit niya sa 'yo para layuan mo ako."

"Hindi naman kasi kusa talaga sa loob ko ang paglayo sa 'yo kaya wala siyang kasalanan."

Kinintalan siya ng masuyong halik sa noo ng binata. "So, uwi na tayo sa bahay natin?"

Tumango siya na pinamulahan ng mukha. May magagawa pa ba siya? Bihag na nito ang lola niya, eh. Syempre magpapabihag na rin siya.

"Hay, salamat uuwi na rin. Ang daming drama pa, eh," pabirong ani Pototoy na nagpatawa sa kanilang dalawa.

MY BADASS GIRL (at Ang Nanay Kong Multo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon