2

802 29 5
                                        

ALEX

Pagdating namin sa mall, unang bumungad sa akin ang malamig na hangin mula sa air-conditioning na halos agad na pumawi sa init na naipon sa katawan ko habang nasa biyahe. Napahinga ako nang malalim at bahagyang napapikit habang tinatanggap ang lamig, saka ko napansing parang masyadong tahimik ang paligid ko kumpara sa ingay ng kalsadang dinaanan namin kanina.

Finally.

Ilang minuto rin akong nakasakay sa motor ni Kean, at kahit hindi naman ganoon kahaba ang biyahe, pakiramdam ko ay parang mas matagal pa dahil halos buong oras ay iniisip ko kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko, kung masyado ba akong malapit sa kanya, kung dapat ba akong magsalita, o kung mas okay bang manahimik na lang hanggang makarating kami. Hindi naman ako sanay sumakay sa motor, lalo na kasama ang isang taong halos kakakilala ko pa lang, kaya bawat pagliko at pagpreno kanina ay sapat para mapahigpit ang hawak ko sa tagiliran niya.

"Careful."

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang iabot ang kamay niya sa akin.

"Ha?"

"Bababa ka," paliwanag niya habang nananatiling nakaabot ang kamay niya. "The ground isn't completely even here, so just hold my hand para hindi ka matisod."

"Ako na," mabilis kong sagot habang sinusubukan kong bumaba nang mag-isa.

Pero bago ko pa maibaba nang maayos ang paa ko sa semento, naramdaman kong inalalayan na niya ako sa braso.

"Okay ka?"

Tumango ako.

"I'm fine."

"Sure?"

"Yes. Kaya ko naman."

"Okay."

Pero hindi pa rin siya bumibitaw.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, saka ako tumingin sa kanya. Para bang hindi niya napansin na ilang segundo na niyang hawak iyon.

"Pwede na," sabi ko nang bahagya.

Parang saka lang niya napansin ang ginagawa niya.

"Oh."

Agad niya akong binitawan at bahagyang umayos ng tayo.

"Sorry. I wasn't thinking."

Tumango ako.

"Okay."

Akala ko tapos na.

Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa motor, muling umabot ang kamay niya sa ulo ko.

"Wait."

"Bakit?"

Hindi na siya sumagot.

Hinawakan niya ang strap ng helmet at maingat na tinanggal iyon sa ulo ko, dahan-dahan para hindi masabit sa buhok ko. Nang tuluyan na niya itong maalis, saka niya iyon hinawakan sa isang kamay.

"Done."

Agad kong naramdaman ang buhok kong tila nagkagulo sa loob ng helmet.

Napasinghap ako at mabilis na hinawakan ang bangs ko.

"Great."

"What?"

"My hair."

Napatingin siya sa akin, saka sa buhok ko.

"What's wrong with it?"

"Magulo."

Tiningnan niya ako nang ilang segundo na para bang sinusubukan niyang hanapin kung ano mismo ang problema.

Cutest Encounter (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon