ALEX
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang unang araw kong pumasok sa Mariano University, dalawang buwan mula nang makilala ko si Kean, at dalawang buwan na rin mula nang unti-unti siyang maging parte ng ordinaryong routine ng buhay ko na dati naman ay sanay akong tahimik at mag-isa. At nakakainis man aminin, nasanay na ako sa presence niya, sa mga random niyang messages tuwing umaga, sa biglaang paglitaw niya sa hallway, sa pang-aasar niyang minsan ay gusto ko nang patulan pero nauuwi lang din sa pagpipigil kong ngumiti, at sa paraan niyang parang automatic nang responsibility niya na siguraduhing okay ako kahit ilang beses ko nang sabihin sa kanya na kaya ko naman ang sarili ko.
Nasanay na akong may nagme-message sa akin pagkagising ko.
Kean: Good morning, princess. Don't forget to eat breakfast.
At gaya ng nakasanayan ko na ring gawin, ilang minuto kong tititigan ang message niya bago ko sagutin dahil ayokong isipin niyang hinihintay ko talaga ang message niya.
Me: Stop calling me that. And I know how to eat.
Hindi man lang lumilipas ang ilang segundo bago siya sumagot.
Kean: Good morning, Alex.
Minsan, naghihintay siya sa gate nang hindi man lang nagpapaalam, nakasandal sa motor niya habang abala sa phone at kunwari ay nagkataon lang na naroon siya kapag dumadaan ako. Minsan naman ay nasa parking area siya at may hawak na dalawang bottled drinks, at kapag tinanong ko kung bakit dalawa ang binili niya, palagi niyang sasabihing, "Baka gusto mo," na para bang hindi niya kailangang ipaliwanag kung bakit palagi niyang alam kung ano ang gusto ko. At may mga araw ding bigla na lang siyang susulpot sa hallway na parang wala siyang ibang ginagawa sa buhay kundi hanapin ako, tapos kapag tinanong ko kung bakit siya naroon ay sasagot lang siya nang casual na parang napakanormal ng ginagawa niya.
"Dadaan lang ako dito."
"Kean, classroom mo nasa kabilang building."
"I know."
"Then bakit ka nandito?"
"Baka gusto kong makita ka."
At kapag ganoon ang sagot niya, wala na akong maisip na sasabihin kaya napapailing na lang ako at nagpapatuloy sa paglalakad, kahit sa totoo lang ay may maliit na bahagi sa akin na hindi maiwasang matuwa.
Kapag mabigat ang dala kong books, kukunin niya kahit ilang beses kong sabihin na kaya ko naman, at kapag pinipilit kong bawiin ay tatawa lang siya at sasabihing, "Alex, dalawang kamay mo lang ang meron ka, so let me carry some of them."
Kapag hindi ako kumakain dahil busy ako sa lectures o dahil wala talaga akong gana, kukulitin niya ako hanggang sa mapilitan akong bumili ng kahit sandwich lang. Kapag umuulan at wala akong dalang payong, hindi niya ako tatanungin kung gusto ko bang ihatid niya ako dahil alam na niyang sasabihin kong hindi kailangan, sa halip, ibibigay niya na lang ang extra helmet at sasabihing, "Come on, bago ka pa tuluyang mabasa."
Kapag may nakita siyang cute na bagay na alam niyang magugustuhan ko, picture muna bago niya tanungin kung gusto ko, dahil alam niyang hindi niya kailangang hulaan kung ano ang gusto ko kapag alam niyang strawberry, pastel, plushies, tiny dogs, at anything remotely cute ang involved.
At ilang beses na rin niya akong niyaya sa mall, café, bookstore, at kung saan-saan pa, at halos pare-pareho lang din ang naging sagot ko sa bawat pagkakataon.
"Hindi kailangan."
At pareho rin ang sagot niya.
"Alam ko. Gusto ko lang."
