CUTEST ENCOUNTER

2K 24 2
                                        

𝘿𝙄𝙎𝘾𝙇𝘼𝙄𝙈𝙀𝙍

This is work of fiction, name, Characters, events, incidents and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner, any resemblance to actual person's, living or dead, and events are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it for me.

*****

CUTEST ENCOUNTER

Para kay Alex, sapat na ang tahimik niyang mundo kasama ang kanyang ina, best friend, at pinakamamahal na aso. Wala siyang balak magmahal, lalo na't alam niyang hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin siya kung sino siya.

Hanggang sa makilala niya si Kean isang lalaki na bigla na lang naging interesado sa kanya. At kahit paulit-ulit siyang deadmahin ni Alex, hindi sumusuko si Kean sa pagpapapansin, pang-aasar, at pagturing sa kanya na parang princess.

Pero paano kung ang lalaking hindi dapat mahulog sa kanya ang siya ring magiging dahilan para muli siyang maniwala sa pag-ibig?

Because sometimes, the cutest encounter becomes the love you never expected.

******

Alejandro "Alex" Rafael Villareal — 18
Isang feminine gay na mahinhin, soft-spoken, cute, at parang laging may sariling maliit na mundo. Mahilig siya sa pastel colors, cute stationery, plushies, stickers, little accessories, at higit sa lahat—dogs. May alaga siyang maliit na dog na si Mochi, na halos hindi niya maihiwalay sa sarili niya kapag nasa bahay siya.

Sa kabila ng pagiging cheerful at cute niya, marami siyang pinagdaanang masasakit dahil sa pagiging bakla. Hindi siya tanggap ng kanyang ama at ilang beses niyang narinig ang mga salitang sana raw ay "magbago" siya. Ang kanyang ina lamang ang patuloy na kumakampi sa kanya. Dahil dito, natutunan ni Alex na huwag umasa sa ibang tao at lalong huwag basta-basta magpapasok ng isang lalaki sa buhay niya.

Mayroon siyang isang best friend lamang, si Mia, isang babae na naging sandalan niya mula high school. Hindi interesado si Alex sa relationship. Para sa kanya, sapat nang may Mama siya, si Mia, at si Mochi.

Until he meets Kean.

Kean Sebastian Monteverde — 19
Straight. Confident. Friendly. Athletic without trying too hard, good-looking, academically capable, at may natural na charm na madaling mapansin ng mga babae. Hindi siya homophobic at wala siyang problema sa pagiging gay ni Alex, pero hindi rin niya inaasahang magiging interesado siya sa isang lalaki.

Sa unang pagkikita nila, na-curious lang siya kay Alex.

Then he starts looking for him.

Then he starts teasing him.

Then he starts treating him like a princess.

Bago niya pa maintindihan kung ano ang nangyayari nahulog na pala siya.

Cutest Encounter (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon