3

539 26 7
                                        

ALEX

"Good morning, class."

"Good morning, Ma'am."

Sabay-sabay kaming sumagot, kahit halatang kalahati ng klase ay hindi pa mentally present at iyong ibang estudyante ay mukhang nakikipag-negosasyon pa sa sarili nila kung babalik ba sila sa pagtulog pagkatapos ng attendance o pipilitin nilang intindihin ang lecture. May ilan na nakahawak pa sa kanilang kape, may iba namang nakatitig lang sa board na parang umaasang kusang papasok sa utak nila ang lesson, habang ang iba ay tahimik na nagbabasa ng notes na mukhang hindi naman nila na-review kagabi.

Monday morning.

First subject.

Kung may isang bagay akong natutunan sa unang linggo ko sa Mariano University, iyon ay hindi talaga sapat ang kape para mabuhay sa ganitong schedule.

Lalo na kapag maaga ang klase.

Lalo na kapag Monday at lalong-lalo na kapag ang professor mo ay mukhang walang balak intindihin kung gaano kahirap bumangon nang alas-singko ng umaga para lang makarating sa university nang hindi mukhang bagong galing sa funeral ng sarili mong energy.

Tahimik akong nakaupo habang nagsusulat sa notebook ko, maingat na kinokopya ang mga importanteng points na ipinapaliwanag ng professor namin sa harap. Sinisikap kong huwag maiwan sa discussion dahil alam kong kapag pinabayaan kong maipon ang lessons, mas mahirap na habulin ang mga iyon pagkatapos.

Beside me, si Mia ay nakayuko rin sa notebook niya. At least, mukhang nagsusulat. For a few seconds, naniwala talaga akong nakikinig siya.

Hanggang sa maramdaman kong bahagya niyang itinulak ang siko niya sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa notebook niya habang kunwari ay nagsusulat, pero nang mapatingin ako, dahan-dahan siyang sumulyap sa akin at gumalaw ang labi niya.

I'm sleepy.

Pinigilan ko ang tawa ko. Mabilis kong isinulat sa maliit na bahagi ng notebook ko.

Focus.

Binasa niya iyon. Then she slowly rolled her eyes before straightening her back and pretending to listen again.

Ilang segundo lang ang lumipas bago siya muling sumandal sa upuan.

Napailing ako. Hindi ko na lang siya pinansin.

Kilala ko na siya. Kapag inaantok si Mia, kahit anong gawin niya, hindi niya mapipigilan ang sarili niyang magreklamo. At kahit ganoon siya, somehow, nakakarating pa rin siya sa klase nang maaga.

Minsan kapag sinipag. Which was rare.

Nurse ang course namin. At kung tutuusin, hindi naman talaga Nursing ang unang choice ni Mia.

Ako, oo.

Noong high school pa lang ako, gusto ko na talagang maging nurse.

Hindi dahil sa uniform. Hindi dahil mukhang cute ang stethoscope. At lalong hindi dahil gusto kong mag-picture habang may medical books sa background na parang aesthetic student sa social media.

Gusto ko ang Nursing dahil gusto kong makatulong sa mga taong nasa pinakamahirap nilang oras. Siguro dahil habang lumalaki ako, mas lalo kong naiintindihan kung gaano kahalaga ang isang taong marunong makinig kapag hindi mo na kayang sabihin kung ano ang tunay mong nararamdaman.

May mga pagkakataong hindi naman gamot ang kailangan ng isang tao. Minsan, kailangan lang nila ng taong hindi sila huhusgahan.

Someone who will stay. Someone who will listen even when the patient doesn't know how to explain what hurts. Someone who will calmly say, "Okay lang. Nandito lang ako." Maybe that's why I chose this course. Because I knew what it felt like to need someone. At gusto kong maging ganoong tao para sa iba.

Cutest Encounter (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon