Manhid ka - by: Vice Ganda

1.5K 47 21
                                    

This song is requested by: Ciara beybe. ilovevirence eto na pki ka. labyu!

××××

Naranasan nyo na bang magmahal ng taong manhid?

Yun bang paos na paos ka na sa kasisigaw nang mahal mo siya, hindi nya parin naiintindihan.

Yung tipong isinasampal mo na sa pagmumukha nya yung salitang "Mahal Kita." hindi nya parin maramdaman.

At ang matindi pa, nung tinanong ka nila kung sino ang mahal mo, halos ibroadcast mo na nga sa buong mundo yung pangalan nya. Sya, nagtanong pa.

Kaloka diba? Hindi mo alam kung sobrang manhid o tanga lang talaga?

O baka naman ayaw nya lang talagang maramdaman, kasi ayaw n'yang may panagutan.

Vice's POV

"I TRied but im TiRed. Time to Rest."

I sighed as I tweeted that line. 'Yan namin kasi talaga yung nararamdaman ko. At gano'n talaga ko, kung ano yung nararamdaman ko... yun din yung ibinubuka ng bibig ko.

Yun nga lang, may mga tao pala talaga na pinanganak na ang role ay bato, hindi nila maramdaman yung mga ibig kong ipahiwatig.

*pop up 1 notification*

@tbvromeo: @vicegandako huuuy Ano yan? Sino nanaman yan? Ikaw ah, naglilihim ka na sakin.

Psh. Speaking of.

Hindi ko na nireplyan. Nakakainis sya! Taong bato, kaloka.

Nagready na 'ko para sa morning show. (AN: Yung timeline po nito ay nung morning show palang ang IST, di pa sobrang sikat si memer. And yung nasa FEU pa si ter. Whehehe :) Haaay. Parang wala tuloy ako sa mood ngayon. Anyway, ayun nga nung makapagready na ko gumora agad ako sa ABS, mahirap nang malate.

Hala? Nakalimutan ko yatang magpakilala. Ako nga pala si Jose Marie Viceral mas kilala bilang Vice Ganda. Baklang artista, baklang maganda, nagmamahal....... ng manhid na basketbolista.

×××

Natapos naman namin yung show nang maayos. Alas dose na ng tanghali ngayon at nagddrive narin ako pauwi ng bahay.

*kringggg*

May tumatawag. Sino naman kaya to?

"Hello Vice?" si Terrence. sht, biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Ito nanaman sya! Kaloka. Pag ako nabangga dito.

"A-ahh... Oh? B-bakit napatawag ka?" nauutal na tanong ko. Ganyan naman ako lagi pag kausap ko sya eh. psh

"Yayayain lang sana k-kitang maglunch ngayon." sagot nya. Lunch? Ako? yayayain nya?

"I mean, yayayain ka sana namin maglunch. Nanglibre kasi si coach ngayon eh. Hahaha!"

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon