Huling El Bimbo - Eraseheads

1.2K 41 12
                                    

Vice's pov

Nagising ako sa tunog ng alarm clock, isang umaga nanaman at isang araw nanaman ng pag aaral.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at inayos ko na ang pinaghigaan ko.

*tok* *tok*

Napalingon nalang ako sa may pinto ng biglang bumukas iyon.

" anak, nag impake ka na ba ng mga gamit mo? Sana kahit pa kaunti ay nag aayos ka na, nang hindi ka na mahihirapan kapag na approve na ang visa natin "

Hindi ko na sinagot si Mama, kung tutuusin ay ayaw ko naman talagang pumunta ng ibang bansa, ayaw ko din namang iwan ang mga taong mahal ko dito.

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

" sige na, mag ready ka na para sa pagpasok mo sa school "

Huminga ako ng malalim, alam kong araw-araw ko ng ipinipilit ito pero ayaw ko paring sumuko. Lalo na kung kaligayahan ko naman ang kapalit.

" Ma? "

Napaharap naman ito sa akin mula sa kanyang akmang paglabas ng kwarto ko.

" pwede bang hindi na ako sumama sa inyo? "

Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ni mama, bumuntong hininga pa ito bago magsalita.

" heto nanaman ba tayo? Para din naman sa future mo 'to anak "

Napayuko nalang ako sa sinabi nito.

" ayaw kong pagtalunan pa natin ito, sige na at mag ayos ka na "

Sabi nito sa akin sabay labas ng kwarto ko.

Hanggat hindi pa huli ang lahat, gagawa ako ng paraan.

Bigla nalang ulit bumukas ang pinto, kahit araw araw at minu minto kong pilitin si mama ay gagawin ko.

" Ma, baka pwede- "

Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumungad sa akin ang mukha ng taong lihim kong minamahal.

" sabi ni Tita ay hindi ka pa nag ang reready, mukhang tama nga siya "

Sabi pa nito sabay pa tango tango habang titig na titig sa suot kong pantulog.

Lumapit ito sa akin at umupo pa ito sa tabi ko.

Pinisil pa nito ang ilong ko.

" Maligo ka na, late nanaman niyan tayo "

Bahagya ko pang hinampas ang kamay nito upang tanggalin niya ang pagkakapisil sa ilong ko.

" opo, eto na "

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko na siya naman kasabay ng pagbagsak ng katwan nito pahiga ng kama ko.

" yung assignments mo ba ginawa mo? Yung daily journal mo? Nagsulat ka? "

Umiling pa ito sa tanong ko.

" anu yun? Ang corny kaya, isusulat mo yung maghapon mong ginawa? Tss "

Kinuha pa nito ang unan at itinakip pa sa kanya mukha.

" Terrence! Anong ipapasa mo? Baka gusto mong bumagsak at mawala ka sa Team "

Huminga ito ng malalim kasabay ng paggulo ng kanyang buhok.

" Hay! Eto na nga po oh "

Natawa nalang ako sa tuwing ginugulo niya ang buhok niya.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula na akong mag ayos.

Siguro, isa na ito sa mga bagay na ayaw kong iwan dito sa Pilipinas, natatakot akong mawala siya sa akin.

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon