Vice's POV
"Mahal mo?"
"Oo naman po, sobra."
"Mahal ka ba?"
"S-sabi nya. Ramdam ko din naman po yun."
"Eh Ilan naman kaya kayong mahal nya?"
"......."
Napabuntong hininga nalang ako.
"Alam mong hindi lang ikaw pero pumayag ka?"
"Opo. Wala naman po akong magagawa, mahal ko po sya."
Habang patagal ng patagal tong paguusap namin lalong bumibigat naman yung pakiramdam ko.
"Ano po bang dapat kong gawin?"
"Kapag sinabi ko bang hiwalayan mo sya, hihiwalayan mo? Hindi diba?"
"Ito isa pang tanong. Ano bang mas pipiliin mo? Yung maging masaya ka pero nasasaktan ka, o yung malungkot ka pero malaya ka naman sa sakit?"
"......."
Bakit nga ba napakahirap sagutin ng tanong na yan?
Ano nga bang mas matimbang?
Yung makasama mo sya pero masasaktan ka rin naman, o yung magisa ka nalang pero malayo ka sa sakit at alam mong wala ka ring nasasaktan?
"Alam mo, ang pagibig malalaman mong totoo kapag parehas kayong masaya at malaya. Hindi yung masaya nga kayong dalawa pero yung isa naman nasasaktan..."
"At kung talagang mahal ka nya, hindi sya maghahanap pa ng iba. Makukuntento na sya sayo. Tatanggapin ka nya pati narin yang kakulangan mo."
"Sa tingin mo dapat ko na po ba syang i-let go?"
Dapat na nga bang mag-let go?
"Hindi kita kayang diktahan dyan, dahil ikaw mismo puso mo mismo ang makakasagot nyan. Ang maipapayo ko lang, kapag nasasaktan ka na.... itigil mo na."
"Halika dito, let me give you a hug. Wag ka nang umiyak, wag ka nang malungkot. Isa lang sya kumpara sa dami nang nagmamahal sayo. Nandito kami, nandito yung mga kaibigan mo, nandito yung pamilya mo para sayo... hinding hindi ka nila sasaktan."
"Maraming salamat po Madam Bertud."
"Walang anuman, wag nang malungkot ha. May mahahanap ka pang lalaking mas deserving sa pagmamahal mo. Yung lalaking magmamahal sayo ng buong-buo at walang kahati. Smile na ha."
"Ayan, maraming salamat sayo ate at natapos nanaman po ang isang edisyon ng AdViceGanda. Ito po si madam bertud na nagsasabing, walang genius genius walang logic logic pagdating sa pagibig. Tulak ng bibig kabig ng dibdib lahat tayo ay may pinagdadaanan, ang mahalaga ay may puhunan."
Dumerecho na agad ako sa DR ko nung matapos yung segment. Naabutan ko naman yung ilang mga bakla dito na busy sa kani-kaniyang ginagawa.
Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga pagkaupo ko.
Kinuha ko muna yung phone ko at nagcheck ng messages.
From: Baby
Mahal kumain ka na ba? Kung hindi pa, kumain ka na po muna please. Text you later, balik na ko sa practice. Iloveyou. Miss na kita!
BINABASA MO ANG
The Love Playlist (VIRENCE One Shots)
FanfictionLove is like music, it gives us the undefined yet the best feeling whenever we listen to it. It's like a bunch of songs, every song has a different story, and every story has a different feeling. Would you like to hear their songs? or more likely...