I'll Never Go - Erik Santos

1.2K 32 3
                                    

[ Vice's pov ]

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang inaantay matapos ang isang araw na wala nanaman ang taong mahal ko sa tabi ko.

Ang sakit isipin na kailangan kong mamili sa pagitan niya at ako.

Ito na siguro ang desisyon habang buhay na mag iiwan ng isang napaka laking marka sa puso ko.

Ang iwan ang taong pinakamamahal mo, ang iwan ang taong pinaka unang tumanggap sayo ng walang kapalit, ang unang taong nagparamdam sayo na kahit may kakulangan ka sa pagkatao mo, hindi niya gagawing dahilan iyon para iwan ka, kasi mahal ka niya.

Napaka lungkot isipin. Sobrang sakit lang.

It's been a month simula ng maghiwalay kami, ang hirap lang sa sitwasyon namin.

Ang mga sugat ko na hanggang ngayon ay wala pang kakayahang maghilom dahil mismong puso ko na ang nagsasabing gusto ko pa.

Ayaw ko siyang sukuan pero kailangan.

Ang hirap lang na kailangan pa naming ipaliwanag sa buong mundo kung anong meron kami, halos lahat humuhusga, halos lahat nakikisali, halos lahat ayaw sa relasyon namin.

Parang ako at ang mahal ko, laban sa mundong ginagalawan namin.

Ang sakit lang.

*tok* *tok*

"pasok"

Walang gana kong sagot.

"Maam, nandyan nanaman po siya sa labas ng bahay"

Sabi ng katulong ko.

Sumisikip nanaman ang dibdib ko.

Bakit ba? Tama na. Wag mo na akong pahirapan pa.

Nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba ito o hindi.

Gusto ko itong puntahan dahil gusto ko siyang masilayan. Pero sa pag punta ko alam kong may kalakip na sakit ang dulot nito sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto, oo masakit sa akin ang gagawin ko. Pero kung kapalit ng sakit na iyon ay kasiyahan dulot ng ilang minuto na masilayan ko man lang ang mukha nito, masaya na ako doon.

Pagkalabas ko ng main door ay napakagat nalang ako sa labi ko.

Gusto ng bumagsak ang mga luha ko.

Nakikita ko ngayon ang taong pinakamamahal ko.

Bakit ang sakit?

Binuksan ko ang pinto ng gate.

Napatayo ito mula sa pagkakaupo niya.

" Babe!"

"Umalis ka na Terrence"

"per-"

"umalis ka na please"

Nakita ko naman isa isang nagsibagsakan ang mga luha nito.

Nasasaktan ako dahil ako ang nagbibigay ng sakit sa kanya, ang mga luha dulot ng pagmamahalang ito, ako, ako ang dahilan ng mga iyon, mas lalo akong nasasaktan makita siyang nagkaka ganyan.

"Babe, mag usap muna tayo"

Nakikita ko ang hirap at pighati sa mga mata nito. Mas lalo akong nasasaktan.

Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata nito.

"umalis ka na! Wala na tayong dapat pag usapan"

Napahilamos nalang ito ng mukha.

Naririnig ko ang mabibigat niyang buntong hininga.

Hindi ko na kaya ang makita siyang nagkaka ganyan.

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon