My Heart Will Go On - Celine Dio

1.1K 42 5
                                    

[ Vice's pov ]

Humiga ako habang nilalasap ko ang kama ko. Nakakapagod.

Kakauwi ko lang galing sa trabaho, pero kahit pagod, masaya naman kasi marami din akong napasaya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko,gusto ko munang ipahinga itong pagod na nararamdaman ko

*toot* *toot*

Narinig ko na tumunog ang cellphone ko.

Sigurado naman akong si Anne yan.

Kasi kanina pa niya ako kinukulit sa studio.

Imposible namang yung jowa ko yan kasi mamaya pa yun matatapos sa practice niya.

Ayaw ko na munang basahin yun.

*toot* *toot*

May nagtext ulit.

Hay ang kulit talaga ni Anne.

Kinuha ko na ang cellphone ko sa may side table at binasa ko iyon.

Sabi na nga ba si Anne 'to eh.

From: Anne

Vicey! Rampa tayo!

Sabi nito sa text niya, pagod na nga ako at ni hindi ko makuhang magpalit ng damit dahil sa pagod ko, ngayon ay gusto pa niyang rumampa. Bahala siya.

Bumalik na ako sa pagkakahiga ko at ilang sandali lang din ay nakaramdam na ako ng antok at nakatulog na din.

-

Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng bigat sa may tiyan ko.

Paglingon ko ay napatingin nalang ako sa napaka gwapo kong boyfriend.

Si Terrence, oo hindi lingid sa lahat na kami, marami man ang may ayaw, pero wala na kaming pakialam basta ang importante ay mahal namin ang isa't isa.

" masama ang tumitig, nakakatunaw yan "

Napangiti nalang ako sa sinabi nito sa akin.

Napayakap nalang ako sa kanya at hiniga ko ang dibdib ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang ang malambot nitong labi na humalik sa noo ko.

" Babe, kumain ka na "

Tanong nito sa akin.

" hindi pa "

Sabi ko naman sa kanya.

" diba po sabi ko wag po kayong magpapalipas ng gutom "

Magkahalong pag aalala at pangangaral ang pagkakasabi nito.

" sorry na po "

Sabi ko sa kanya.

Tumayo na kami mula sa pagkakahiga namin.

Bumaba na kami at nakasalubong namin si manang na paalis na ng kusina.

" manang, nakapagluto na po ba kayo? "

Tanong ko kay manang.

" hindi po Maam "

Nagulat nalang ako sa sagot nito.

Ni minsan ay hindi pa na late sa pagluto ng pagkain si manang mapa almusal, tanghalian o hapunan man yan.

" manang hindi po kayo nagluto? "

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon