Gitara : Parokya ni Edgar

1.3K 38 3
                                    

[ Vice's pov ]

Tulala lang ako habang pinapanood ko ang mga estudyanteng naglalaro, tapos na ang klase ko kaya naman tabay muna kami ng Bestfriend ko.


"hoy! Tulaley teh? Hindi ka naman nakikinig sa chika ko eh"

Sabi ng bestfriend ko, si Anne.

"ah..eh..ano nga ulit yun?"

Sagot ko sa kanya.

"hay, sabi ko Yung bagong lipat na student, ang gwapo!!"

Pagbibida ni Anne sa akin.

Wala naman akong interest dyan eh. Hinayaan ko lang si Anne sa pagkwento niya.

Busy ako sa panunuod.

Naramdaman ko nalang yung mga kamay niya na yinuyugyog ang balikat ko.

"huy! Kaya naman pala! Si Terrence nanaman yang pinapanuod mo!"


Hay. Oo si Terrence Romeo, yung star player ng basketball dito sa school, matagal ko na siyang gusto, pero alam ko namang malabong mangyare ang mga iniisip ko.

"Alam mo Vice, nangangarap ka nanaman ng gising, tapos pinangarap mo pa yung pinaka bad boy dito sa campus, gising girl! ilang taon mo na nga bang crush yan? Hmmmm.. Tatlo? Hay, kung ako sayo mag aral ka na muna!"


Pangangaral sa akin ni Anne.

Kahit man lang sa malayo, makita ko siya, kahit man lang sa panaginip , pangarapin ko siya, kahit man lang ilusyon, ako ang prinsesa niya. Yun lang naman ang kaya kong gawin. Ang manahimik nalang at humanga mula sa malayo.


"alam ko naman yun Anne eh, bakla ako at malabong mangyari ang pinapangarap ko"

Binigyan ko rin ito ng isang pekeng ngiti.

Malamang nakaramdam din itong si Anne at nanahimik na rin.

"ay! halika na nga! Kain na muna tayo! Libre ko!"

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Anne, kahit papano ay nabawasan ang stress ko.

Tumayo na kami mula sa pagkakaupo sa bench.

Napalingon nalang kami ng biglang may sumigaw.

"waaaaaahhh... Terrence! Ang galing mo! Ang gwapo mo!!!"

Sigaw ng babaeng studyante ng makapag three points si Terrence.

Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi lang ako ang humahanga, hindi lang ako ang umaasa, hindi lang ako.

Sa dinamirami ng pumapangarap sa kanya, isa na ako dun, at alam ko namang hindi hindi niya rin ako mapapansin.


"Yung bolaaaaa!!!!!"

Nakaramdam nalang ako ng kung anong bagay na tumama sa ulo ko.

"aww"

Tanging nasabi ko habang hinihimas ko pa ang ulo ko. Ang sakit.

Nakita ko naman ang paglapit ng isa sa mga varsity player, si Mike.

" Vice, sorry..ah..eh.. Nasaktan ka ba? Sorry talaga! "

Paghingi ng tawad ni Mike habang payuko yuko pa.

"wala yun, okay lang"

Sagot ko naman sa kanya.

Nabaling ang tingin ko sa taong papalapit sa amin.

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon