One Call Away - (Charlie Puth)

1.2K 43 23
                                    

"Go Terrence Romeo number 7!!!! Whoooo!!! Go! Go! Go! Kaya mo yaaaaan!!!!" pagchicheer ni Vice kay Terrence na kasalukuyang nasa isang intense na game.

"Ano ba yan teh, ang ingay ingay naman."

Dahan dahang lumingon si Vice at tiningnan ang babaeng nagsalita, gamit ang kanyang pagkataas taas na kilay.

"Ate, sana sa sementeryo ka nanuod ng basketball para tahimik." mataray nyang sabi.

Natahimik naman ang babae saka inirapan sya.

Bumalik na ulit si Vice sa panunuod at pagchicheer.

"GO TERRENCE!!!! SHOOT MO NA DALI!!! AYY, SAYANG."

"Okay lang yan!!!"

"AYAN HABULIN MO YUNG BOLA!!!"

"AYAN NA GO!! GO!! GO!!!"

"HALA HOY PUT@!!! ANG DUGA FOUL YUN AH!!!"

Mga sigaw na puro sa kanya halos nanggagaling.

*Buzzzzzzzzz!!!!*

Natapos na ang laro kaya naglapitan na ang mga players sa kani-kanila nilang bench.

Nang makalapit si Terrence kay Vice ay binigyan lamang nya ito ng isang mapait na ngiti.

"Ano ka ba, okay lang yan. Ang galing galing mo nga eh. Ang luto lang talaga ng laban. Di bale, bawi nalang kayo sa next game." pagcocomfort ni Vice sa kanya.

"Ay, oh ito nga pala inom ka muna."

Binigyan nya ito ng isang bote ng tubig saka towel.

"Buti nga natalo, ang yabang yabang kasi hindi naman kagalingan." parinig ng tatlong kababaihan nang dumaan ito sa harap nila.

Bigla namang nagpantig ang tenga ni Vice sa narinig kaya nilingon nya ang mga ito. Ito rin yung mga nakaaway nya kanina.

"Hoy, psst!! Ikaw babaeng mukang bulok na mangga. Humarap ka nga dito." tawag nya sa isang babae na may kahabaan ay hindi pala, mahaba talaga ang baba.

Hinarap sya ng mga ito.

"Bakit? Totoo naman ah?" mataray na sagot nito.

"Na alin? Na mahaba baba mo? Oo. Para ngang nesfruita eh, real na real."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love Playlist (VIRENCE One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon