(A/N: Part 2 po ito nung "Someday" ah. sorrynapows)××
Terrence's POV
May mga pagkakataon sa buhay natin na akala natin tapos na tayo, pero ang totoo hindi pa pala talaga.
Yung akala natin tapos na tayo sa sakit at pangungulila, pero ang totoo nasanay nalang pala tayo. Naging manhid nalang yung pakiramdam natin.
Yung akala natin, nawalan na tayo ng pagasa, pero yung puso natin lumalaban parin.
Yung akala ko nagising na ako sa bangungot na dala nang kalungkutan, yun pala matagal na akong gising, kaya lang yung totoong bangungot pala ay nasa realidad ko mismo.
Pabagsak akong humiga ng kama nang matapos ako sa pagtitipa sa laptop ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang nakapako lang ang mga mata ko sa itaas ng kisame.
Isang araw nanaman ang lumipas.
Isang araw na punong puno ng pangungulila sa kanya.
Isang araw na punong puno ng pagasang babalik sya, na babalikan nya ako.
Isang araw na napuno nanaman ng kabiguan. Dahil hanggang ngayon, wala parin sya sa piling ko.
Nakakatawang isipin na nagagawa ko pa palang huminga, nagagawa ko pang mamuhay sa mga alaala.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit na matulog. Kagaya ng pagpipilit kong paniwalain ang sarili kong nabubuhay pa ako.
Kinabukasan. Panibagong araw nanaman ng pangungulila.
Maaga akong nagising para magpractice. Nagayos na ako ng sarili at naghanda pagkatapos ay dumerecho na sa gym.
"Romeo. Nalalapit na yung game." panimula ni Coach pagkatapos tumawag ng practice break.
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya saka kinuha ang towel sa bag na dala ko.
"Goodluck. Galingan mo, isa ka sa mga inaasahan ko." sabi nito sabay tapik sa balikat ko.
"Yes coach. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko para manalo tayo."
"Aasahan ko yan bata." Nakatanggap naman ako ng isang ngiti dito. Naglakad na rin sya papunta sa iba pang mga players.
Pero bago pa man sya makalayo sa akin ay may binitawan syang mga salita.
"Magaling ka. Pero kahit kailan hindi naging sapat ang galing lang. Mas maganda na sa bawat laro mo, may pinagaalayan ka nito." dagdag niya saka nagpatuloy na sa paglakad.
Napaisip naman ako sa sinabi ni coach. Iisa lang naman ang taong inaalayan ko ng bawat laro ko. Sya lang, hanggang ngayon sya parin naman.
Kaya lang, hanggang ngayon wala parin sya. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung kailan sya babalik. Hindi ko pa alam kung mapapanuod nya pa ba ang mga laro ko. Hindi ko alam kung mapapalakpakan pa ba nya ako. Hindi ko alam kung masasabihan pa nya ako ng salitang goodluck. At higit sa lahat hindi ko alam kung mayayakap nya pa ako at masasabing "Manalo o matalo, mahal na mahal parin kita."
BINABASA MO ANG
The Love Playlist (VIRENCE One Shots)
FanfictionLove is like music, it gives us the undefined yet the best feeling whenever we listen to it. It's like a bunch of songs, every song has a different story, and every story has a different feeling. Would you like to hear their songs? or more likely...