(A/N: Uy wait taympers. Gusto ko lang magthankyou kay Gars. bayrens07 :') Sya po yung nagupdate nung last two chapters (Gitara, Kung akin ang mundo) dito sa love playlist. Yieee! Galing nya noh? :) Loveyoubebegars. ❤)
Ito na. Pinakamaraming nagrequest nitong kantang to. Magi-emo nanaman tuloy tayo.
××××
"If letting you go was the only way to keep you. Then, I am more than willing to set you free."
V:
Yan yung huling mga salitang binitawan ko sa kanya. Mga salitang nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko bang pagsisihan.
Nagsisisi ako, kasi hanggang ngayon hindi parin ako masaya. Hanggang ngayon hinahanap hanap ko parin sya.
Hindi ako nagsisisi, kasi alam kong dito lang naman sya sasaya. Mas magiging masaya sya kung magiging malaya na sya.
Masasabi mo pala talaga kung gaano mo kamahal yung isang tao kapag mas pinili mo yung kaligayahan nya kesa sa kaligayahan mo.
"It is over. We're over. If we will keep on trying to fix something broken, in the end we will be the one to get hurt."
T:
Yan yung mga huling katagang sinabi ko sa kanya. Mga salitang sobrang kong pinagsisihan.
Nagsisisi ako. nagsisisi ako kasi nagkamali ako.
Nagkamali ako kasi naduwag ako. Natakot akong sumugal. Natatakot akong masugatan. Natakot akong masaktan.
Nagsisisi ako kasi sumuko kaagad ako.
Hindi pala lahat ng bagay na nasira na ay hindi mo na pwede pang buoin. Nakadepende pala ito sa kung gaano kahalaga sayo ang bagay na iyon.
-
"Mahal kita Vice. Pero mahal ko din yung career ko. Ayokong masira yung pangalan ko. Ayokong masira yung pangarap ko na matagal ko nang pinaghirapan."
BINABASA MO ANG
The Love Playlist (VIRENCE One Shots)
FanfictionLove is like music, it gives us the undefined yet the best feeling whenever we listen to it. It's like a bunch of songs, every song has a different story, and every story has a different feeling. Would you like to hear their songs? or more likely...