PROLOGUE

8 0 0
                                    


"Ms. Leveste.. your car is already waiting outside ma'am." Tumango ako at ngumiti sa receptionist. Pagkalabas ko ay maraming tao na nakapaligid sa sasakyan as always. Agad akong pumasok sa sasakyan.


"Kuya.. deretso po tayo sa next meeting."
Agad akong sumandal sa upuan at nag i-scroll ng phone ko.

'New liberation of the week'

Picture*

Hmm..another contract. Showbiz hits a lot in the nerve. Anyway, work is work.

Pagkarating ko sa destination ay agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa building.

"Ms. Leveste.." She smile at me while doing some paperworks. "This way po maam.."
Agad akong sinamahan nito sa meeting room. Sinundan ko ito at pumasok na rin sa meeting room nang makarating.

Umupo ako sa tabi ng manager ko at tumingin sa paligid. Nakita ko ba naman ang lalaking may pinakamataas na pride.

Buhay pa pala tong tokmol na'to.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng makita niya ako na naka tingin sa kanya. Ngumiti pa talaga, hyss napaka assuming pa din.

Our managers and the film committee ay nag discuss ng mga bagay na kailangan para sa movie also yung tungkol sa contract.

"Ma una na muna akong aalis zhia..
Tinapik ako ni Ms. Villa, manager ko. Tumango ako at tinignan siyang lumabas ng room.

Kinuha ko yung hand bag ko at tumayo bago umalis ng room. Nagpaalam na din pala ako sa committee para malaman naman nila na aalis na ako. Lalabas na sana ako ng tinawag ng head committee yung tokmol. Lumingon naman ito sa amin at lumapit nang tawagin siya.

"I know kakakilala nyu palang na dalawa so let me introduce yourself to each other."
Tumingin ako sa head committee at bumalik sa kanya. Ano..anong iniisip ni head?

"Liam Jhune Cruz this is Zhelizia Mica Leveste." Pagpapakilala ng head committee sa aming dalawa.

Inalok pa ako ng tokmol ng shake hands kaya nakipag shake hand nalang din ako para naman walang gulo or anomaliya ang masasabi. Naka ngiti pa ito ng sarkastiko sa akin. Ang saya ng tokmol nato ahh.

"From now on..you two will work together, try to know each other..bagay pa naman kayo, magkatabi palang may chemistry na." Masayang pagkasabi ng head committee

Tumango pa siya at nakangiting nakatingin sa akin. "Ganun po ba..?" Tanong niya.

"Liam..nalang pala tawag mo saken." Sabi nito habang naka ngiti. Huh? Saltik ata sa ulo.

"Alam ko.. Liam..." Tinarayan ko siya. Natawa pa talaga ha.. talagang may saltik nato.

Pagkatapos kong mag paalam sa head committee lumabas narin ako ng room.
What a great..argh!!! This will be a hell..
Naglakad ako papuntang elevator nang may naramdaman ako sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa likod habang nakatingin sa akin.

"You never change .." He say while leaning on me. Agad naman akong umatras at pumasok nalang sa elevator. Kumaway lang ito at ngumiti sa akin bago sumara yung pinto ng elevator.

Pagkalabas ko ng building ay agad akong pumasok sa sasakyan ulit.

"Kuya..drop me in the nearest restaurant."
Sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Sige po maam." Tumango si kuya Dan at pinaandar ang sasakyan bago umalis.


That man...he really never failed to annoyed me..gosh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I'll publish the first chapter soon, thank you for reading it. (⁠^⁠^⁠)

Sound Of The Wind Where stories live. Discover now