"Hoy ano yan!" Sigaw ko sa likod ng mga boys na umuupo sa likod.Napatawa sila sa ginawa ko at mukhang kinakabahan.
"Ano yung pinapanood niyo?" Tanong ko sa kanila habang tinignan yung phone pero itinaob yun ng isa kong classmate na lalaki.
Halatado talaga na kababalaghan yung pinapanood nila.
"Zhia...anong ginagawa mo jan?" Lumapit
sakin si president at tinignan yung mga classmates namin na boys at tumingin ulit sakin."May ginagawa silang kababalaghan pres." Sabi ko sa kaniya ng direkta.
Tinignan ni pres, yung mga boys at napayuko nalang. "Hayaan mo na sila zhia. Bumalik nalang tayo sa pinapagawa ni ma'am." Naglakad papalayo si president habang ako iniwanan ko sila ng masamang tingin bago sumunod kay president.
"Alam mo namang may ginagawa silang kababalaghan diba?" Kaswal na tanong ko sa kaniya.
"Zhia.. that's a man matter..it's better to avoid meddling on it." Seryosong sabi niya bago umupo at ipagpatuloy yung ginagawa.
Aba..kailan pa naging seryoso si president. Well nevermind bala na nga sila jan.
Maraming pinapagawa si maam samin kaya all officers ng section namin nagtutulungan para sa upcoming event.
Agad namin binigay kay maam nung matapos namin yung mga gawain. Nagpahinga kami ng kaunti bago pumunta sa susunod na subject.
Pumunta muna ako sa locker at kinuha yung libro ko para next subject. Our school is preparing for a big event kaya lahat ng tao busy syempre pati ako.
"Hi sungit.."
Tumaas agad yung dugo ko nang marinig yung tawag. Di ko nalang yun pinansin kase alam ko na yung tokmol yun eh.
Habang naglalakad papalayo, may naramdaman ako na hawak sa bewang ko.
Ay..gagi! Agad akong lumingon at nakita ko si tokmol na nakatingin sakin habang nakahawak sa bewang ko.
Agad ko yun inalis at naglakad papalayo.
"Di mo talaga ako papansinin?" Hinabol niya ako at tumabi sakin habang naglalakad.
Ba't ko naman siya papansinin, boses niya palang tumataas na yung dugo ko.
Nakarating ako sa room namin at siya at doon lang sa pintuan nakatayo. Di niya to classroom, ano siya. He's one year ahead of me so it means he's a grade 12 student na.
Nang makaupo nako sa upuan ko tinignan ko siya at kumaway lang ito bago umalis.
Parang ewan, nako. Sarap sipain palabas ng earth.
Last subject na namin pagkatapos nito.
Lumabas ako para pumunta sa next class namin.Ayan nanaman siya, kukulitin ako.
Tinabihan niya ako sa paglalakad ng hindi kumikibo.Nakapasok ako sa room namin at ganun din siya.
Himala...di niya ako kinulit.
"Zhia..di mo ba nakuha yung pinapabigay ni pres?" Tinanong ako ni mhyzy habang nagsusulat ng notes.
Umiling ako bago umupo.
Ano nanaman trip ng president namin. Prank? Try niya pa talagang matatamaan na siya saken."Is everyone okay ba?" Tinanong kami ni Ai habang kumakain.
Tumango kami maliban kay mhyzy.
Tinaas ni mhyzy yung kamay niya at nagsalita. "May objection ako!"
YOU ARE READING
Sound Of The Wind
RastgeleThis would be the first story of the tag of love series which is also my first series. I hope you like this story. CONTENT WARNING This story contains aggressive and mature contents which may be inappropriate for the 18. This will also have a sexual...