CHAPTER 02

61 6 0
                                    

“Baliw ka! Akala ko kung ano na!“ Sabi ko, dahil tinapun ni deamon ang patay na lobo samin ni lucinda.

Natawa lang si deamon at sumagot.

“Edi sorry haha, nag sasana—”

Biglang naputol ang pagsasalita ni deamon nang bigla siyang bumagsak sa lupa at hindi na gumalaw.

Dahil dun ay dali-dali ko siyang nilapitan at niyugyog.

“Teka? Sino ang may gawa nito!“ Sabi ko.

Tumingin ako sa likuran ni deamon at dito ko nakita ang isang lobo na nakatayo.

“Y-yang lobong yan? P-paanong natalo si deamon eh ordinaryong lobo lang naman yan.“ Sabi ko at kinabahan.

Agad na gumamit ng above normal speed si lucinda at kinalmot niya ang leeg, dito nga ay natumba yung lobo at namatay.

“Kalma, magigising rin yan si deamon.“ Sabi ni lucinda.

Dahil dun ay agad akong nagtaka.

“Ano ba ang nangyari sa kanya?“ Tanong ko.

“Sabihin nalang nating nag evolve sya.“ Sabi niya.

Nabigla ako sa narinig ko.

“Ano na siya ngayon?“ Tanong ko.

Sumagot naman si lucinda.

“Killer blood vampire, nagbabago kasi tayo depende sa sitwasyon at karanasan.“ Sabi niya.

Dahil dun ay parang naintindihan ko na, wala kasing ibang ginawa si deamon kundi ang manghunting ng mga ordinaryong lobo bilang pagsasanay sa loob ng limang buwan.

“I see, mabuti naman kung ganon. Dahil siya ang founder ng gang, dapat lang na siya ang pinakamalakas.“ Sabi ko.

Naghintay kami ng ilang minuto bago nagising si deamon.

“Oh kamusta?“ Tanong ko.

Kitang kita sa mukha ni deamon ang pagtataka.

“Anong nangyare?“ Tanong nya.

Nabigla ako sa sinabi ni deamon.

“H-ha? Di mo alam kung ano ang nangyari sayo?“ Sagot ko.

Tumango naman siya at nagsalita.

“Oo, nagising nalang ako na—”

Naputol ang pagsasalita ni deamon dahil may napansin siyang pagbabago sa kanyang katawan.

“Parang gumaan ako.“ Bigla niyang sabi at tumayo, gumalaw galaw siya.

“Tsaka, parang nagiging mas mabilis.“ Dagdag pa niya at nag sha-shadow punch.

Natuwa naman ako sa pagbabago ni deamon tsaka siya tumingin sakin.

“Bakit kulay pula ang paningin ko?“ Ika pa niya.

Oo nga pala, nang magising si deamon ay pula na ang kulay ng mata niya.

“Anong nangyari sakin!?“ Kinabahan niyang sabi.

Agad naman akong sumagot.

“Nag evolve ka deamon, mandurugas kalang noon pero killer blood vampire kana ngayon.“ Sabi ko.

Bigla naman akong sinapak ni lucinda sa ulo.

“Baliw! Mandurugo yun!“ Sabi niya.

Dahil sa narinig ni deamon ay agad siyang napangiti.

“Ganun ba, maraming salamat ha. Mas malinaw na ang paningin ko, parang naka night vision ako kahit hindi ko pinapagana ang night vision ko.“ Dagdag pa niya.

Dahil dun ay agad akong sumagot.

“Walang anuman.“ Kunti kong sabi, pero sa totoo lang ay wala naman talaga kaming ginawa ni lucinda, kagagawan niya yun kung bakit siya nagbago.

Nakakahiyang aminin pero naiinggit ako sa kanya.

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay agad na kaming bumalik sa apartment ko at doon nga ay napansin kong wala pa sila lucas at jake, i wonder kung ano ang ginawa nila ngayon.

Tiningnan ko si deamon at napakasaya niya sa bagong version na siya, kaya kumuha ng tatlong buhay na manok si lucinda tsaka namin yun pinatay at ininom ang dugo.

Habang naghapunan kami ng preskong dugo ay biglang nagsalita si deamon.

“Since limang buwan na ang nakakalipas, siguro oras na para magpadami na tayo ulit.“ sabi ni deamon.

Natigilan si lucinda sa tanong ni founder.

“Sigurado ka ba na kaya mo nang protektahan ang mga mandurugong bampira? Kasi sa pagkakaalam ko, hindi kayang patayin nung alphang bampira ang mga lycan noon bago ko pa kayo nakilala.“ Sabi niya.

Sumagot naman si deamon.

“So, bago mo pa nakilala si lazarus. May dati pang kasamahan?“ Tanong niya.

Tumango lang si lucinda at nagsalita.

“Mahabang istorya, tsaka inubos ng mga lobo ang lahat ng kauri ko kaya nga hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ako, pero noong nakilala ko si lazarus ay doon ko na rin kayo nakilala nila lucas.“ Sabi niya.

Agad naman akong nakikisali sa pag uusap nila.

“Ano na ang balak mo ngayon lucinda, diba 500 years lang kayo ka tagal? Tsaka sabi mo 450 years kana dito sa mundo, ibig sabihin may 50 years kanalang.“ Sabi ko.

“Wow! Sobrang tanda mo na pala, di halata sa hitsura mo.“ Biglang sabi ni deamon.

Ngumiti lang si lucinda at sumagot.

“Actually, di ko pa alam kung may limitasyon ba ang buhay natin. Kasi hindi naman tayo tumatanda. Pero ang nalalaman ko lang ay may namatay nang bampira sa edad na 500.“ Sagot niya.

Bigla ko siyang sinimangutan.

“So ano na? Mag papadami naba tayo ulit?“ Tanong ni deamon.

“Siguro oras na para ipaghiganti natin yung mga kasamahan nating nasawi. (Sabi ni lucinda at sumeryoso ang mukha) Lalo na ang lahat ng kasamahan ko noon.“ Ika pa niya.

Natigilan ako sa plano nila, paano namin maipaghiganti eh'kakasabi lang ni lucinda na hindi kayang patayin ng alphang bampira ang mga lycan. Tsaka killer blood palang si lucas, mas lalong walang chansa.

Sigurado ka ba dito lucinda? Kasi ang sabi ni deamon ay magpaparami lang tayo.“ Sabi ko.

Sumagot naman si lucinda.

“Sa tingin mo ba dadami tayo kung may mga lobong nag ha-hunting satin gabi-gabi?“ Sabi niya.

Well, make sense naman.

“Pero malabong maipaghiganti natin sila sa kalagayan natin ngayon.“ Sabi ko.

Sumagot naman si lucinda.

“Magkaiba ang noon at ngayon, mas advance na mag isip ang mga tao ngayon kung ikukumpara sa dati. Tsaka may karanasan na naman kayo sa pakikipaglaban. Ang mga killer blood nga noon ay inaabot pa ng 20 to 50 years bago makamit ang version na yan, pero tingnan mo si deamon, limang buwan pa lang pero naging killer na.“ Sagot ni lucinda.

May punto nanaman ang sinabi niya, tsaka nagawa ngang magtagal ni lucas at deamon sa kamay ng mga lycan noon doon sa lumang mansyon. Mandurugo palang sila non.

“I see, kayo ang bahala. Tsaka sanay naman sa bakbakan yang mga yan. Basta walang sisihan.“ Sabi ko.

Hindi nakasagot si lucinda sa sinabi ko at dito nga ay biglang dumating si lucas sa apartment na may dalang babae na ubod ng sexy, maputi at makarne ang katawan, maganda, may pagkahaba ang buhok, naka sout ito ng sleeveless na kulay bue at malaki yung hinaharap.

“Hello guys, hulaan nyo kung sino ang magandang chika babes na'to.“ Sabi ni lucas habang yung babae naman ay nakangiti.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon