CHAPTER 05

54 5 2
                                    

“Mga bwesit!! Sinunod namin kayo!!“ Sigaw niya at parang sasabog na ang ulo sa galit.

“Sugoood!!“ Dagdag pa nung galit na founder at nag rambulan ang dalawang grupo sa bakanteng lote.

“Ito na, humanda na kayo.“ Sabi ni lazarus.

Ilang segundo palang ang lumipas pero halatang halata na kung sino ang panalo sa dalawang grupong nagrarambulan.

Yung mga gangster na inaapi ay nakahandusay sa lupa habang pinagbubugbog, pero hindi sila pinatay ng mga kalaban. Bagkus ay pinahirapan sila nito at hinayaang tiisin ang sakit ng katawan.

Walang magawa ang mga nabugbug na gangster kaya dito na kami nagsilabasan at nilapitan ni deamon ang bugbug saradong founder tsaka niya sinuntok yung tatlong bumugbog sa kanya at nagsalita.

“Gusto nyo ng tulong?“ Sabi niya.

Agad akong lumapit sa commander ng gang nila na halos mamatay na dahil sa mga pasa sa katawan.

“P-paki… u-usap… i-iligtas, ninyo… a-ang kasamahan… k-ko.“ Naghihirap na sabi nung founder.

Sumagot naman si deamon.

“Pero sa isang kondisyon, kailangan mong iwan ang gang mo at sumama ka samin. Sumali ka sa grupo namin at bibigyan kita ng kapangyarihan.“ Sabi niya.

Tiningnan nung founder na bugbug ang kanyang mga membro at halos hindi na ito gumagalaw dahil sa mga bugbug sa katawan.

“K-kahit… ano, g-gawin ko… i-iligtas nyo lang s-sila, d-dahil may mga p-pamilya pa… s-silang uu-wi-an…” ika nung founder at dito nga ay nagsimula na siyang mawalan ng lakas at unti unti na niyang pinikit ang kanyang mga mata.

Dahil dun ay napangiti si deamon at sumagot.

“Kung ganon, tutulungan kita.“ Sagot ni deamon at sakto lang na kakatapos ko lang kumbinsihin ang commander nila na tutulungan ko siya.

Binigyan ako ng sign ni deamon na kagatin ko ang commander at dito nga ay magkasabay naming kinagat ang dalawa.

Dahil dun ay agad na nagsalita ang mapang-api na founder.

“Hoy taga labas! Umalis kayo dito kung ayaw nyong madamay!“ Sigaw niya.

Natawa lang si jake tsaka niya sinuntok sa mukha at tumilapon ito sa lakas ng pagkakasuntok.

“Baliw! Wag mong patayin, hayaan mong sila ang gagawa.“ Sabi ni deamon at tiningnan niya ang bugbug saradong founder na muling nabuhay tsaka ito tumayo, sinugod niya ang mga mapang aping gangster kasama ang commander sa grupo niya at pinag papaslang nila ang mga bumubugbog sa grupo niya.

Dahil dun ay agad na nagulat ang mga membro sa kanan at binitawan nila ang mga bugbug saradong membro sa kaliwa, napaatras sila habang may takot na nakaukit sa mukha.

“T-takbooo!!“ Sigaw nung commander na mapang api pero nandoon sa gilid nila si lucinda at lazarus, sa kabilang gilid naman si tibang kasama si jake.

Wala silang matatakbuhan, kaya pumunta ako sa likod habang si deamon naman sa harap. Kinorner namin sila para walang makakatakas.

Walang awa silang pinagpapatay ng dalawang baguhang bampira.

Nakatingin lang kami sa ginawa ng dalawa, napansin naming hindi ginalaw nung dalawang bampira ang commander at founder ng mapang aping grupo. Inuna nilang pinag papatay ang mga membro hanggang sa naubos nga silang lahat at ang natira nalang ay ang commander at founder.

“P-paki usap, tulungan nyo ako!“ Sigaw nung founder sa kanan na takot na takot.

Dahan dahang lumapit ang founder sa kaliwa bilang isang bampira at sumagot.

“Nag mamakaawa ka? Sa tingin mo ma-aawa sila sayo?“ Sagot niya.

Nilapitan rin ng bampirang commander ang isang commander tsaka niya pinutulan ng isang daliri.

“AAAHHH!!“ Sigaw nung commander na mapang api.

Natawa lang yung baguhang bampira tsaka niya pinutol isa isa ang daliri ng dahan dahan.

Sigaw ng sigaw ang mapang aping commander tsaka niya kinuha ang baril niya sa gilid at pinutukan ng pitong beses ang bampira sa dibdib, pero hindi iyon hadlang para makaramdam ng sakit ang bampira. Dahil pag ang tao ay nagiging bampira ay ibig sabihin patay na ang kanyang katawan.

Pinahirapan ng dalawang bampira ang natitirang buhay sa mapang aping grupo tsaka lang kami kumilos at nagsimula na kaming itipon-tipon ang mga bugbug saradong membro.

Tumawag na rin ng ambulansya si lazarus at dito nga ay pinatay na ng dalawang baguhang bampira ang lahat ng mga mapang aping gangster.

Natapos ang lahat ng walang namatay sa grupo ng kaliwang gangster, pero lahat naman ng membro niya ay naghihingalo at nag aagaw buhay.

Agad namang lumapit si deamon sa founder ng kabilang gang at nagsalita.

“Bilang isang tagapagtatag ng gang, tama lang ang ginawa mo. Kaya saludo ako sayo dahil sinakripisyo mo ang sarili mo para lang sa mga kaibigan.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ang bampirang founder at hindi sumagot.

“Oras na para umalis, maya maya lang ay dadating na yung mga ambulansya at maliligtas na ang mga kasamahan mo.“ Dagdag pa ni deamon.

Parang ayaw iwan nung founder ang mga kaibigan niya, pero wala siyang magagawa pa. Dahil isa na siyang bampira ngayon, pag nakita siyang ganun ng mga nurse ay malamang matatakot sila sa kanya.

Kaya agad na kaming umalis at sumama naman silang dalawa samin, bumalik kami sa apartment ni lazarus at doon ay nagpakilala ang dalawang baguhang bampira.

“Nga'pala, ako si Alex.“ Sabi nung commander.

“Ako naman si Ethan, founder ako ng Brothers Gangster pero ngayon ay membro nalang ako sa grupo ninyo.“ Sabi niya.

Ngumiti lang kami at nagpakilala isa-isa, ilang minuto lang ang lumipas ay pasikat na ng araw kaya kailangan na naming matulog para makapagpahinga naman ang dalawang baguhan sa grupo namin.

Pero maliban nalang kay lucinda, siya lang kasi ang immune sa sikat ng araw kaya siya lang ang malayang makakalakad tuwing umaga.

Nakakatuwa lang, dahil lima lang kami noon pero ngayon ay nadagdagan pa ng tatlo. So bali walo na kami ngayon kasama si angel, alex, at ethan.

Agad na humiga sila angel at lazarus sa kama, samantalang si deamon at ako naman ay nakaupo sa upuan, si jake ay nagtago sa ilalim ng kama at si alex at ethan naman ay humiga sa sahig.

Unti-unti na kaming rumarami at kailangan na naming makalipat sa ibang bahay sa lalong madaling panahon.

Naghanda na ako para matulog at pinikit ko na ang mga mata ko. Pero bigla kong naalala ang sinabi nila kanina tungkol sa paghihigante.

Kung ngayon namin yun gagawin ay malamang mauubos nanaman ang kasamahan namin, parang masasayang nanaman ang mga baguhan.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon