CHAPTER 10

50 5 2
                                    

“Sorry natagalan ako, may niligpit lang akong isang mala-taong tambulahang aso.“ Sabi niya.

Nang makita ko siya ay agad akong nagulat, sino ba ang kalaban niya? Isang lobo kaya o lycan?

“So, ano ang status nyo ngayon?“ Dagdag pa ni beatrix.

Sumagot naman si deamon.

“As you can see, ang daming bampira ang namatay. Tsaka nagsimula nang gumalaw ang mga lycan, kaya mag focus muna tayo sa defense.“ Sabi niya.

Agad naman siyang lumapit samin at lahat ng mga bampira ay nagsilapitan rin samin, kumbaga nag regroup kami.

“Ano na ang gagawin natin!?“ Natatarantang sabi ni alex.

Tiningnan ko ang mga bampirang pinagpapatay ng mga lycan.

“Malabong mananalo tayo nito.“ Sabi ko.

Napahawak nalang sa noo si deamon habang yung mga kasamahan namin ay sigaw ng sigaw, si ethan naman ay nakipag laban sa mga ordinaryong lobo dahil yun lang ang kaya niya hanggang sa nagbigay na ng utos si deamon.

“Humanda kayo, aatakehin natin ang mga lycan na susugod satin. One for all, all for one ang strategy natin. Kumbaga mag focus tayo sa isa.“ Sabi niya.

Tumango naman kami at dito nga ay may lumapit na isang lycan.

“Mga mahihinang nilalang! Hindi nyo kami kaya!“ Sabi niya at umatake.

Sinugod niya kami kaya hinintay namin siyang makalapit.

“Sasalubungin ko.“ Sabi ni deamon.

Sinalubong naman niya at nakipag tagisan siya ng lakas, kaso magkapantay lang sila. Kaya aakmang tutulong na sana ako pero biglang lumitaw si ethan sa likod at kinagat niya sa leeg ang lycan.

Dahil dun ay napunta sa kanya ang atensyon nung lycan at aakmang pupugutan na sana siya ng ulo pero gumamit ng above normal speed si deamon at nang nakalapit na siya ay tsaka lang niya ginamitan ang above normal strength yung lycan at sinaksak niya sa tyan.

Agad namang tumakbo si ethan palayo.

“Okay ka lang?“ Tanong ni deamon.

Tumango lang si ethan at bumalik sa mga kasamahan naming bampira para tumulong sa pag patay ng mga lobo.

Mapahinga ako ng maluwag, napaka careless ng mga to. Paano kung hindi nakaabot si deamon? Edi patay na siya ngayon.

Nang makita iyon ng mga lycan ay mas lalo pa silang nagalit, at sa pagkakataong ito ay talagang masasabi mong napupuno na ang pasensya nila dahil gumamit sila ng mga skills. Pinagpapaslang nila ang mga kasamahan namin ng ilang segundo lang.

“Humanda kayong mamatay!“ Sigaw nung isang lycan at gumamit ng above normal speed tsaka sumugod samin.

Agad naman iyong sinangga ni deamon pero may isa pang lycan ang gumamit ng above normal speed at papunta siya samin.

“L-lagot!“ Kinakabahan kong sabi.

Paano namin ito haharapin? E'kasing lakas nila ang mga killer blood, mga baguhan palang kami.

Napansin kong natatakot ang mga kasamahan namin kaya ako na ang humarap, aakmang sasalubungin ko sana yung lycan pero biglang pumagitna si beatrix at gumamit siya ng above normal strength tsaka niya inatake ang lycan.

Pero nakailag lang ito at dumiretso sa'kin.

Agad na lumaki ang mga mata ko tsaka ako tumingin kay beatrix na nagulat rin dahil iniwasan siya nung lycan.

Nang makalapit na ang lycan sakin ay agad akong gumamit ng above normal strength at speed, pinagsabay ko ang dalawa pero pag suntok ko ay nakailag lang yung lycan tsaka ko lang nakita ang mga kuku niyang nakahanda na para pugutan ako ng ulo.

“Any last message?“ Sabi niya.

Hindi ko magawang makagalaw, wala na. Mamamatay na ako.

Agad niya akong kinalmot sa leeg kaya napapikit nalang ako.

Pero…

Wala akong naramdaman…

Kaya…

Minulat ko ang mga mata ko…

Pagmulat ko ay dito ko nakita ang isang kamay na nakahawak sa mga kuku nung lycan.

Dahil dun ay agad akong tumingin sa bampirang humawak nun at nang makita ko na siya ay agad na bumalik ang aking sigla nang makita ko si jake na nakangiti at sinipa niya ng malakas ang lycan at napaatras naman ito.

“Pasensya na kung nahuli ako ha?“ Sabi niya.

Bigla akong nabuhayan, tamang tama ang pagpasok niya.

Ngumiti naman ako at sumagot.

“Gising kana pala killer blood.“ Nakangiti akong sabi.

Sumagot naman siya.

“Magpahinga ka muna jan, (sabay tingin sa lycan na umatake sakin) ako na muna ang bahala sa lobong to.“ Ika pa niya at gumamit siya ng above normal speed papunta sa lycan at nagtagisan sila ng lakas.

Agad akong nilapitan ni beatrix tsaka siya nag salita.

“Alona! Okay ka lang!? Nasugatan ka ba!?“ Pag aalala pa niya sakin.

Ngumiti lang ako at umiling, dahil dun ay ngumiti rin si bea tsaka niya ako niyakap.

“Hays salamat, akala ko mawawala kana sa tabi ko.“ Ika pa niya at hinimas-himas niya ang ulo ko.

Agad ko namang hinimas ang likuran niya.

“Okay lang ako bea, mabuti nga at nagising na si jake. Dalawa na silang killer blood ni deamon.“ Sabi ko.

Humiwalay naman sa pagkakayakap sakin si bea tsaka siya nagsalita.

“Oo, mas malaki na ang chansa natin ngayong manalo.“ Ika pa niya.

Agad naman kaming napangiti tsaka napansin naming maraming mga ordinaryong lobo ang nagsidatingan, kaya hinarap iyon ng ibang mga bampirang kasamahan namin.

Pero agad rin naming binalik ang atensyon namin sa mga lycan na nag eenjoy na pinapatay nila ang mga kasamahan namin.

Dahil dun ay magkasabay kaming sumugod ni bea at nilapitan namin yung isang lycan na nahiwalay sa kasamahan niya. Yun ang pinagtutulungan naming dalawa dahil pagkakataon na namin iyon para ipaghiganti ang mga namatay naming kasamahan.

Gumamit kami ng above normal speed ni bea at nang makalapit na kami ay agad rin naming inatake gamit ang strength, pero nakailag lang siya tsaka tinuon niya ang atensyon samin.

Agad namang tumakbo si bea papunta sa likuran ng lycan, pinalibutan naming dalawa.

Dahil dun ay umatake si bea dahil pabor sa kanya pero nakailag nanaman ang lycan at napunta kay bea ang atensyon niya.

Bigla akong naalarma, oras na para ako nanaman ang aatake dahil nakuha ni bea ang atensyon nung Lycan. Kaya gumamit ako ng above normal speed at nang makalapit na ako ay tsaka ko ginamit ang above normal strength sa kanya pero nang masuntok ko na siya ay nakailag nanaman siya.

Dahil dun ay sabay sabay kaming gumamit ni bea ng above normal speed, strength, at night vision. Umatake kami ng umatake samantalang yung lycan naman ay iwas lang ng iwas.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon