CHAPTER 06

55 4 0
                                    

*LAZARUS's POV*

Nagising ako dahil sa gutom, kailangan kong makainom agad ng dugo para hindi manghina ang aking katawan. Kaya aakmang babangon na sana ako pero bigla kong napansin na may nahawakang kakaiba ang kamay ko, napakalambot nito kaya nilingon ko.

“Arrggh!“ Sabi nung babae sabay mulat ng mata.

Agad na namula ang aking pesnge tsaka ako nagulat nang makita kong nakahawak ang kanang kamay ko dibdib ni angel.

“H-hoy!“ Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Tumingin naman siya sakin na nagtataka.

“Bakit?“ Kunti niyang sabi at hinimas himas ang mata.

“W-wala!“ Sagot ko, oo nga pala, kami pala ang humiga sa kama ko kagabi.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si ethan at alex na nag uusap, si deamon at lucas naman ay nakaupo lang habang nakatingin sa taas.

“Goodmorning, nasan si lucinda?“ Sabi ko.

Tumingin naman sakin si ethan at sumagot.

“Nandoon sa labas, kinuha niya ang mga manok doon para inumin daw natin ang dugo.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ako at hindi sumagot, isang panibagong araw nanaman ang aming iiwasan para hindi maging abo.

Ilang minuto lang ay naririnig kong tumitilaok na ang mga manok, ibig sabihin papunta na si lucinda dito kaya agad na akong tumayo.

“Magandang umaga, ito na ang mga manok. Kumuha nalang kayo ng tig iisa.“ Sabi niya.

Agad naman kaming kumuha at uminom, habang umiinom kami ay biglang nagsalita si lucinda.

“Nga'pala, anong strategy natin pag susugod tayo sa mga lobo?“ Tanong niya.

Nang marinig ni ethan ang lobo ay agad siyang nabigla.

“L-lobo? Yung binalita sa tv araw araw?“ Tanong niya.

Tumango lang ako, pambihirang deamon kasi to. Ginawang daily life ang pang ha-hunting ng mga lobo kasi parte daw yun ng pagsasanay niya.

“Oo, yun ang mabigat nating kalaban hindi ang mga gangster sa daan.“ Sabi ko.

Nagsalita naman si alex.

“Kayo pala ang may kagagawan ng pagpatay ng mga lobo, bakit nyo yun ginawa?“ Tanong niya.

Ngumiti lang si deamon at sumagot.

“Kasi kung hindi namin yun gagawin ay sila naman ang papatay satin.“ Nakangiti niyang sabi at kinagat ang manok.

Naguguluhan silang dalawa pero parang hindi na nabigla si ka-tibang.

Dahil dun ay pinaliwanag namin ang lahat-lahat ng nangyari.

Nalaman din nila na bago pa ako naging bampira ay isa akong punching bag ng gang nila lucas. Dahil dun ay nagtawanan naman sila, pero hinayaan ko na. Past is past.

Wala kaming ginawa buong araw kundi ang pag usapan ang napakaboring nilang mga experience tungkol sa pakikipag laban sa ibang gang, hanggang sa lumipas ang ilang oras at palubog na ang sikat ng araw.

“Arrggg! (Sabay hikab) Sa wakas, Makakalabas na rin ako!“ Sigaw ni jake.

Natawa lang ako sa kanya. I wonder kung kamusta na si liam, hindi na kasi siya nagpaparamdam simula noong nawala siya kagabi sa birthday ng mama niya.

“Maiwan ko na muna kayo ha? Gagala lang ako.“ Pag paalam pa ni jake. Pero pinigilan siya ni deamon.

“Mamaya na yan, may 499 years kapang pagkakataon para gumala. Turuan mo nalang kaya muna sila ethan at jake kung paano gamitin ang mga abilities natin?“ Ipa niya.

Biglang nanlumo ang mukha ni jake.

“Hoy lazarus! Turuan mo nga si—”

Naputol ang pagsasalita niya dahil bigla siyang binatukan ni lucas.

“Ikaw nalang kasi! Tuturuan ko pa si lucinda at lazarus kung paano makipag laban, di pa kasi sila masyadong magaling.“ Ika pa ni lucas, si deamon naman ay nagtungo sa kagubatan para pumatay ng isang ordinaryong lobo.

Natawa lang ako dahil kitang kita sa mukha ni jake ang pagka dismaya.

Tinuruan naman ni jake ang baguhan, samantalang si ka-tibang o angel naman ay sumali sa pagsasanay namin kung paano lumaban.

Ganyan lang ang ginawa namin gabi-gabi at sa umaga naman ay para kaming mga priso sa bilanguan, hanggang sa lumipas ang isang linggo at medyo nahasa na kaming lahat.

Habang nag sasanay kami ay biglang umuwi si jake sa apartment ko na nakangiti.

“Good news! May dalawang gang nanaman ang nagpapatayan sa death place!“ Sigaw niya.

Dahil dun ay agad namang ngumiti si lucinda, oras na para madagdagan kami.

“So, ano pa ang hinihintay natin? Lets move!“ Sabi ni deamon.

Agad naman kaming pumunta sa bakanteng lote at dito nga ay nakita namin ang dalawang grupo ng gang na nag ra-rambulan, pero hand to hand combat naman ang labanan nila. Kaya malabong may mamamatay, maliban nalang kung bugbug sarado talaga ang binugbug.

Tsaka girls to girls naman ang labanan, hindi kagaya ng mga lalaki pag nag ra-rambulan ay patay agad ang kalaban dahil may mga patalim na tinatago.

I know na may mga patalim rin naman sila, pero makakaya kaya nila ang pumatay?

Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang nag sasabunutan lang ang mga yan eh, may mga sumusuntok naman pero hindi naman malakas.

“Ano ang plano natin?“ Sabi ni angel.

Sumagot naman si deamon.

“Kagaya pa rin ng dati, maghihintay lang tayo kung sino sa dalawang gang na yan ang matatalo tsaka tayo lulutaw para mag alok ng tulong.“ Ika pa ni deamon.

Napatango nalang ako tsaka napansin kong natatawa si jake, nag e-enjoy siyang pinanood ang mga babaeng naglaban-laban sa bakanteng lote.

“Sugod! Ipakita ninyong nagkakamali sila ng kinalaban!“ Sigaw nung babaeng founder.

Sumagot naman ang founder sa kabila.

“Hindi kami aatras! Hindi namin aatrasan ang mga bruhang babae na kipay ang puhunan!“ Sagot niya.

Dahil dun ay biglang napikon ang founder na babae sa kabila at sinugod niya ang isa pang founder na babae, sa puntong'to ay napatingin ako kay jake at halos mamamatay na siya sa kakatawa.

“I think wag na natin silang isali, mga kulang sa pansin lang ang mga yan eh.“ Pag rereklamo ko pa.

Nakita ko ring gustong matawa ni lucas pero pinigilan lang niya.

“Teka lang, di pa nagsisimula ng totoong labanan!“ Sabi ni jake.

Napahawak nalang ako sa noo tsaka namin pinanood ulit ang mga babae.

“Arrgg! (Sabay hawak sa pesnge dahil sinuntok siya nung founder) Ano ba ang ikinagaganda sa pagiging kabit ha!?“ Sigaw niya.

Natawa lang yung babae at sumagot.

“Nothing, I just want to play with your feelings hahaha!“ Natatawa siyang sabi.

Dahil dun ay biglang nag iba ang awra nung babaeng sinuntok sa mukha at may kinuha siyang isang maliit na kutsilyo sa bulsa.

Agad namang nagulat ang babaeng kabit at napaatras tsaka nagsalita si jake.

“This is it, the real battle has begun.“ Sabi niya.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon