CHAPTER 09

42 4 2
                                    

“AAAAAHHH!!…” Sigaw ng isang babae sa likuran.

Bigla akong natigilan sa ginagawa at agad kaming naalarma, dahil boses iyon ni beatrix. Hindi naman sisigaw yun ng walang dahilan.

“Alona! Tingnan mo kung anong nangyari sa labas.“ Utos ni deamon.

Agad namang tumango si alona at aakmang lalabas nang biglang nagsigawan yung mga kapit bahay namin, dahil dun ay agad kaming nagsilalabasan at dito namin nakita ang mga baguhang bampira lumalaban sa mga ordinaryong lobo.

“Depensa!“ Pag uutos pa ni deamon tsaka siya gumamit ng above normal speed at pinagpapaslang niya ang mga lobo.

Ganun rin kami at pinagpapaslang namin ang mga ordinaryong lobo hanggang sa biglang nagsilitawan ang mga lycan sa bubong ng mga kabahayan.

“AWWWOOOOOHH!!!“ Pag alulong pa niya.

“H-hindi maaari! Inaambush nila tayo!“ Sigaw ni lucinda.

Dahil dun ay agad na nagsalita yung isang lalaki.

“Akala ko ba tayo ang naghihiganti!? Akala ko ba tayo ang mag aambush sa kanila!“ sigaw niyang sabi.

Hindi ko alam na may isang babaeng lycan rin pala sa bubong ng apartment ni lazarus tsaka ito sumagot.

“Maghihiganti kayo? (Sabay tawa) Tamang tama, dahil nag hihiganti rin kami sa mga lobong pinag- papaslang ninyo sa loob ng anim na buwan.“ Sagot niya.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan, paanong humantong ito sa gantihan? Tsaka bakit nila nalamang dito kami nagtatago?

Agad namang sinugod ni deamon ang lycan na nagsasalita at nagtagisan sila ng lakas. Si deamon lang kasi ang may kayang makipag sabayan sa lycan ng one on one.

Napansin naming marami pang mga ordinaryong lobo ang paparating, kaya hindi kami nag aksayang ng oras at hinarap namin sila isa-isa maliban nalang sa baguhang bampira. Dahil dalawa sila laban sa isang lobo.

Nagtagal ng limang minuto ang labanan habang ang mga lycan ay umalulong lang sa itaas ng mga kabahayan.

“Kailangan may pipigil sa pag alulong ng mga lycan! Dahil sila ang nagbibigay ng mga signal para pupunta dito ang mga lobo!“ Sigaw ni lucinda.

Sa sinabi niya ay walang ni'isang naglakas loob na lumaban sa mga lycan, dahil bukod sa napakalakas nila ay wala rin kaming binatbat at alam naman naming talo agad kami pag sa oras na hinarap namin ang mga lycan.

Tsaka ang nakakainis pa nito ay full moon ngayon, pabor na pabor sa mga lobo ang sinag ng buwan.

“Paano na yan! May mga lobo pang paparating!“ Sigaw nung isang bampira.

Tumingin ako kay lucinda at nakita ko nanaman sa mukha niya ang takot.

“N-naulit n-naman…” nauutal niyang sabi.

Agad ko siyang nilapitan tsaka ako nagsalita.

“Manalig ka lang luc, dahil hindi ito kagaya noong dati. Kung noon ay inubos kayo ng mga lobo, ngayon naman ay hindi na. Dahil mga gangster yang mga bago mong kalahi, tsaka mga founder at commander pa ang mga yan, magaling yan sa bakbakan.“ Sabi ko.

Sasagot sana si lucinda pero hindi natuloy dahil humingi ng tulong ang ibang mga bampira at agad kaming nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Maraming mga lobo ang namatay at kaunti lang sa mga bampira, pero hindi ibig sabihin nun ay magiging komportable na kami. Dahil may mga lobo pang paparating at habang nakaalulong ang mga lycan na yan ay hindi rin titigil ang pagsulpot ang mga lobo dito.

Nakipaglaban kami ng patayan, buti nalang at hindi sumali sa labanan ang mga lycan. Dahil kung sumali pa sila ay malamang nauubos na kami ngayon.

Patay rito, patay doon. Kalmot dito, kalmot doon. Walang tigil na patayan ang nagaganap hanggang sa lumipas ang kalahating oras at biglang dumilim ang paningin ko ng hindi ko alam, tsaka wala naman akong tama o kalmot.

Unti unting nanghihina ang katawan ko tsaka ako nawalan ng lakas at nahiga sa lupa, kalaunan ay nawalan na ako ng malay.

*ALONA'S POV*

“Lucinda! Si lazarus!“ Sigaw ko.

Agad namang napatingin si lucinda kay lazarus na nakahilata sa lupa.

“Kunin mo sya alona! Magigising rin yan!“ Sigaw niya at bumalik sa pakikipaglaban habang may mga baguhang bampira namang lumalapit kay lazarus.

“Nag eevolve ba si lazarus?“ Sabi ko sa isip.

Dahil wrong timing ang pag eevolve niya, bakit ngayon pa at sa gitna pa talaga ng labanan.

Agad naming depensahan si lazarus, tsaka napansin kong walang ni'isang lycan ang pumasok sa loob ng apartment. Sa tingin ko ay hindi nila alam na may bampirang nag eevolve sa loob.

Hindi ko na ininda pa, ang importante ay wala silang alam.

Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng lobo at bampira ng ilang minuto, hanggang sa biglang may isang ulo ng lycan ang tumilapon.

Sa pag kakaalam ko ay ulo iyon ng isang babaeng lycan na nagsasabing naghihiganti rin daw sila, kaya napatingin ako kay deamon at nakita ko siyang nakatayo sa katawan nung lycan na wala nang buhay.

Dahil dun ay agad kaming nabuhayan at sumigla, dahil sa pagkapanalo ni deamon laban sa one on one ng lycan ay mas lalo kaming nakaramdam ng lakas.

Nang makita iyon ng mga lycan ay agad silang nabigla at nagsimula nang kumilos, pinag kakalmot nila ang mga ulo ng mga bampira hanggang sa maputol.

“Mga mahihinang nilalang! Wala kayong karapatang patayin kaming mga mas nakakataas sa inyo!“ Sigaw nung lalaking lycan habang pinag puputol nila ang mga ulo ng mga kasamahan namin.

“D-deamon! Anong gagawin natin!“ Sigaw ng isang bampira at aakmang tatakbo pero gumamit ng above normal speed ang lycan at kinalmot ito sa ulo.

Sa nakita namin ay agad na nagsi-atrasan ang mga bampira.

“Paano na'to!“ Sigaw ko habang kinabahan.

Nagtagal pa ng ilang segundo bago makapagbigay ng utos si deamon.

“Lumaban kayo! Subukan nyo silang paslangin! Kung pamumunuan kayo ng takot ay malamang malayang makakilos ang mga lycan at mas lalong pinapadali lang ninyong patayin nila kayo! Lumaban kayo!“ Sigaw niya.

Agad namang lumaban ang mga bampirang kasamahan namin pero pinagpupugot lang ang mga ulo nila.

“Ano na deamon! Ano na ang gagawin natin!“ Sabi lucinda.

Kitang-kita sa mukha ni deamon ang takot pero hindi pa rin siya nagpapadala at sumugod siya.

Dahil dun ay biglang nagsalita si lucinda.

“Deamon! Mag isip ka!“ Sabi niya sabay takbo papunta kay deamon, pinigilan niyang sumugod at lumaban.

“Ikaw lang ang killer blood dito, ikaw lang ang pinakamalas. Kung mamamatay ka, paano na kami?“ Sabi ni lucinda.

Agad naman akung lumapit at nagsalita.

“Mag focus muna tayo sa depensa.“ Sabi ko at biglang lumitaw si beatrix sa harap namin.

“Sorry natagalan ako, may niligpit lang akong isang mala-taong tambulahang aso.“ Sabi niya.

Nang makita ko siya ay agad akong nagulat, sino ba ang kalaban niya? Isang lobo kaya o lycan?

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL...

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon