CHAPTER 07

47 4 2
                                    

Nang maitutok nung babae ang maliit na kutsilyo ay agad namang nagulat ang babaeng kabit tsaka ito napaatras.

“H-hoy…” kinakabahan niyang sabi.

Agad namang ngumiti na parang demonyo yung babaeng founder tsaka ito tumakbo palapit sa kabit at sinaksak niya sa dibdib.

Sabay-sabay na nagulat ang mga membro ng babaeng kabit at napatigil ito sa kakalaban.

“Chelsea!!“ Sigaw nung commander nila at aakmang lalapitan sana si chelsea pero may isang barakong babae ang humawak sa leeg niya tsaka ito tinapon sa lupa na nauna ang ulo.

Dahil dun ay agad kaming naalerto at dali dali kaming lumabas, dahil agad na mamamatay ang babae pag hindi naagapan yun agad.

Kasabay nun ay nahiga si chelsea sa lupa at dali daling kinagat ni lucas ang commander na babae.

“S-sino… k-kayo…” nauutal na sabi ni Chelsea.

Sumagot naman si deamon.

“Mamamatay kana dahil sa dami ng dugong lumabas sa iyong katawan, gusto mo ba ng kapangyarihan? Bibigyan kita.“ Sabi niya.

Napatingin naman si chelsea sa commander ng gang niya na wala nang buhay.

“S-sge, k-kahit ano… p-papatayin ko ang b-babaeng… yan..“ ika pa niya sabay tingin sa babaeng sumaksak sa kanya.

Dahil dun napangiti si deamon at aakmang kakagatin niya si chelsea pero pinigilan ko.

“Teka, sigurado ka bang tutulungan mo ang kabit na yan? Diba sila ang masama? Dapat yung hindi masama ang tinutulangan natin.“ Sabi ko.

Ngumiti naman si deamon at sumagot.

“The more na masama, the more na may chansang mananalo tayo sa labanan pag kalabanin na natin ang mga lobo.“ Sagot niya.

Ewan ko lang, pero sana tama ang pinanigan niya.

Agad na kinagat ni deamon ang babaeng kabit at dito nga ay agad itong namatay.

Dahil dun ay biglang nabuhay yung babaeng commander at nilapitan niya ng babaeng barako, sa tingin ko ay siya ang commander ng gang sa babaeng pumatay sa kabit.

“A-anong… n-nangyayari!?“ Gulat na sabi nung tomboy.

Agad namang tumakbo ang bampira babae tsaka aakmang susuntukin niya ang barakong babae pero hinawakan lang siya nito sa leeg at tinapon ulit sa lupa.

“Yan ang nababagay sayo!“ Sigaw niya.

Agad namang bumangon ang babae at sumugod ulit.

Dahil dun ay parang nagsimula nang matakot yung tomboy at sinuntok sa mukha ang commander na babae.

Sa sobrang lakas ay napaikot ito at nahiga sa lupa, pero agad rin tumayo at sumugod.

Sa pagkakataong ito ay nagsimula nang manginginig ang tomboy.

“A-anong ginawa ninyo sa kanya!“ Sigaw niya.

Ngumiti lang si lucas at sumagot.

“Wala naman, ginawa ko lang patas ang lakas ninyong dalawa.“ Sabi niya.

Palaging sumusugod ang babae pero palagi rin itong na bubugbug, pero expected na yan dahil hindi pa niya alam kung paano gamitin ang ability niya hanggang sa biglang nagising ang babaeng kabit at tumakbo ito palapit sa barakong babae tsaka niya sinuntok sa mukha.

Agad namang napaatras at aakmang lalaban pero kinagat siya nung babaeng commander sa tyan.

“Ahh!“ Sigaw niya tsaka niya binalibag ang ulo nung commander.

Dahil dun ay kinuha ni chelsea ang pag kakataon na yun para atakehin ang tomboy at kinagat niya ito sa leeg at sinipsip ang dugo.

“Aaaaahhh!! Tulong!!“ Sigaw nung tomboy.

Agad na napaatras ang babaeng founder tsaka siya nanginginig.

“A-aswang…” mahina niyang sabi.

“Mga aswang!“ Dagdag pa niya sabay tingin samin.

“Mga aswang kayong lahat!!“ Ika pa niya.

Dahil sa narinig ay agad na nagsitakbuhan ang mga babaeng nasa bakanteng lote, pati na rin ang mga membro ng founder nung kabit ay tumakbo rin.

Ilang segundo lang ay namatay na yung tomboy, dahil dun ay tumakbo na rin yung babaeng may hawak na kutsilyo pero hinarangan ng ibang kasamahan ni chelsea.

“Padaanin nyo ako!“ Sigaw niya sabay tutok sa kutsilyo.

Agad namang tumakbo si chelsea at tinalunan niya ang babae tsaka kinagat sa leeg. Dahil dun ay sabay-sabay na tumakbo ang mga babaeng humarang sa kabit palayo.

“Ahhh!! Mga aswang!!“ Sigaw niya at pinagsasaksak si chelsea sa tyan, pero hindi ito nasaktan at nagpatuloy lang sa pag kagat ng leeg hanggang sa unti unti na siyang nanghihina at kalaunan ay namatay.

Nakalayo na ang lahat ng membro ng magkabilaang gang sa bakanteng lote dahil sa takot na makagat ng pinaniniwalaan nilang aswang, tanging commander at founder lang sa kabila ang namatay samantalang ang naging bampira ay ang kabit at ang kanyang commander.

“Natapos rin.“ Sabi ni jake na satisfied sa pinanood.

Nilapitan naman ni deamon yung babaeng founder at nagsalita.

“Simula ngayon, magiging membero ko na kayo.“ Sabi niya.

Tumingin naman yung babaeng founder at sumagot.

“Bakit nyo kami ginawang aswang?“ Tanong niya.

Bigla namang napatawa si jake at sumagot.

“Opps, hindi kami mga aswang. Mga bampira kami.“ Sabi niya.

Nang marinig siya ng mga babae ay agad naman silang nagulat tsaka sumagot si deamon.

“Kailangan lang namin ng mga kasamahan at kayong dalawa ng napili naming gawing membero ng aming gang.“ Sabi niya.

Sumagot naman yung babaeng founder.

“Sigurado ka? Paano kong magtataksil kami sa inyo? Paano ka nakakasigurado na pag lilingkuran ka namin?“ Dagdag pa niya.

Ngumiti lang si deamon at sumagot.

“Di ko alam.“ Sabi niya at tumalikod.

Dahil dun ay natawa ang babae at sumagot.

“Baliw ka na, pagsisihan mo ito.“ Sagot niya.

Natapos ang lahat ng dalawa lang ang namatay, di ko pa rin alam kung bakit yung kabit ang tinulungan ni deamon.

Agad na kaming bumalik sa apartment dahil ilang oras nalang ay sisikat na ang araw, nang makarating na kami sa apartment ay agad naman kaming nagpakilala at kweninto ni lucas ang tungkol sa mga lobo.

“Haha, yun pala ang dahilan kung bakit nyo kami ni-recruit? Para maipaghigante ninyo ang mga kasamahan ninyong pinatay ng mga lobo?“ Sabi nung founder na babae.

Tamango lang si deamon.

“Kung ganun, game ako jan.“ Sagot nung babae at nagpakilala naman silang dalawa samin.

“Ang pangalan ko ay beatrix.“ Sabi nung founder.

“Ako naman si alona.“ Ika pa nung commander.

Ngumiti lang si deamon at nagsalita.

“Simula ngayon, magiging membro na kayo ng Gangsta Vampire.“ Sabi niya.

Tumango nalang silang dalawa at hindi na sumagot.

Natuwa naman ako sa resulta, tsaka napansin kong puro founder at commander lang ang ginawa naming bampira. I think yun ang plano ni deamon para sa susunod na maghaharap ulit bampira at lycan ay may laban na kami.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon