CHAPTER 08

44 5 2
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula noong nadagdagan ang member namin ng dalawang babae, tinuruan namin sila kung paano gamitin ang mga abilities namin at kinwento rin ni beatrix ang totoong dahilan kung bakit siya naging kabet.

Pero hindi na mahalaga yun, ang importante ay marunong na silang makipag hand to hand combat. Tsaka habang tumatakbo ang oras at araw ay syempre palagi rin kaming nag hahanap ng mga membero, kaya sa loob lang ng isang buwan ay medyo marami na kaming mga gangster na bampira.

Nandito pala kami ngayon sa kagubatan, kakatapos lang namin mang hunting ng mga ordinaryong lobo.

*LAZARUS'S POV*

“Nga'pala lucinda, kailan mo kami tuturuan kung paano magiging immune sa sikat ng araw?“ Tanong ko.

Tumingin sakin si lucinda at sumagot.

“Siguro pag natuto na ang mga baguhan nating membro kung paano gamitin ang mga ability nila, kung tuturuan ko kasi kayo ngayon ay masasayang lang ang oras. Mas mabuting ituon nyo muna ang pag sasanay ninyo sa kung paano gamitin ang mga abilities natin.“ Sagot niya.

Napakamot nalang ako ng ulo, ini-expect ko na yan ang isasagot niya sa tanong ko.

Nang makaalis na kami sa kagubatan ay dito na ako nabigla, full moon pala ngayon. At sa pag kakaalam ko ay napakatalas ng vision, pang amoy, at pandinig ng mga lobo basta may sikat ng buwan sa langitan.

“Mas mabuting umuwi na muna tayo, delikado pag nagpagala-gala tayo sa labas lalo na't may hugis bilog ng buwan.“ Sabi ni lucinda.

Tiningnan ko ulit ang buwan at parang eclipse ito dahil sa laki, kulay dugo at walang ni'isang ulap na nakaharang.

Hindi na namin ininda ang buwan at agad na kaming gumamit ng above normal speed pabalik sa apartment namin.

*BEATRIX'S POV*

Agad naman silang nagsitakbukan pabalik kaya aakamang tatakbo na sana ako pero biglang may napansin akong ingay sa isang puno, kaya napalingon ako likod. Tinitigan ko ang puno pero wala nang tao o lobo.

“Nakapagtataka.“ Pag muni-muni ko pa.

“Tara na bea, naiiwan na tayo.“ Sabi ni alona.

Agad na kaming gumamit ng speed at sumunod.

Nang makarating na kami sa apartment ay nakita namin ang ibang baguhang bampira na parang mga tambay lang sa kalye, dahil nag iinuman sila sa gilid ng kalsada na parang mga ordinaryong tao lang na walang trabaho at malalaki ang tyan.

“Napaaga yata kayo ng uwi ah.“ Sabi nung isang lalaki na nagkunwaring lasing kahit hindi na iipekto sa katawan nila ang alak.

“Hahaha! Oo nga! Baka nasundan na kayo ng mga lobo ah!“ pagbibiro pa nung isa.

Agad naman silang nagtawanan maliban sakin, paano kung totoo? I mean kahina-hinala kasi yung napansin ko kanina sa labas ng kagubatan.

“Malabong mangyari yun!“ Sabi naman nung isa pa.

Agad namang natawa si alona, ang laki na ng pagbabago naming lahat simula nang marecruit kami bilang isang bampira. Tsaka ang nakaka-astig lang dito ay lahat kami mga founder at commander ng mga gang.

Nginitian ko lang sila tsaka tumayo yung isang bampira.

“Kukuha lang ako ng limang manok tsaka ko ilalagay sa plato ang mga dugo nila, titigas naman yun pag tumagal sa labas ng katawan nila kaya pwede natin yung gawing pulutan pag tumigas na.“ Sabi niya.

Bigla akong natawa, grabe talaga tong mga to. Basta inuman talaga lahat ng utak gagana.

Hindi ko na siya pinansin pa tsaka ako pumasok sa loob ng apartment.

Nang makapasok na ako ay dito ko nakita ang mga bampirang nag si-siksikan sa loob.

“Kamusta bea? Wala ka bang napansing pagbabago sa katawan mo?“ Tanong ni lucinda.

Umiling lang ako, alam ko kasi kung para saan yun. Parang hindi na makapaghintay si lucinda na mag eevolve kami From mandurugo vampire to killer blood vampire.

Tsaka si deamon nga inabot pa ng limang buwan bago nag evolve, ako pa kaya e'isang buwan palang ang nakalipas.

Tumingin ako sa kama at dito ko nakita si lucas at si jake na nakahiga.

“Anong nangyari sa kanila?“ Tanong ko.

Ngumiti naman si lucinda at sumagot.

“Well, nag evolve lang naman sila hehe.“ Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti rin ako pabalik at nagsalita.

“Kung ganon congratulations sa kanilang dalawa.“ Ika ko pa.

Natuwa lang si lucinda at nagpunta sa kama, pinanood niya o hinintay ang pagkagising ng dalawang magiging killer blood vampire sa grupo namin.

Nagpahinga muna ako sa loob ng apartment hanggang sa lumipas ang isang oras at na bobored ako kaya ako lumabas, nakikisali ako sa inuman nung mga baguhang bampira.

“Oh, mukhang may chikababes tayong makakasama ah.“ Pagbibiro ng isang bampira.

Sinapak ko lang siya sa batok ng malakas since hindi naman sila nasasaktan.

“Hoy! Nagbibiro lang naman ako.“ Ika pa niya at nagtawanan yung mga ibang nag iinuman.

Umupo ako sa gilid at napansin kong wala yung isang bampirang kumuha ng dugo ng manok para gawing pulutan.

“Naubos na ba ang pulutan ninyo?“ Tanong ko.

Sumagot naman yung isang bampira.

“Ha? Hindi pa nga dumating si borha, ewan ko lang kung saan yun kumuha ng manok haha.“ Natatawa niyang sabi.

Nang marinig ko yun ay agad akong naghinala, kaya pinuntahan ko ang mga lagayan ng mga manok sa likod at wala naman siya roon. I wonder kung saan nagpunta ang bampirang yun.

Bago pa ako umalis sa likod ay tumingin-tingin muna ako sa paligid, at dito ko napansin na parang may bakas ng dugo.

Dahil dun ay tiningnan ko ulit ang mga manok, pero parang wala namang kulang o nawawala.

Nakakapanghinala, kaya agad akong naglibot-libot sa likod ng apartment at nang makarating na ako sa bandang gilid ng kalsada sa likuran ay dito ko nakita ang isang ordinaryong lobo na wala nang buhay.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan, dali dali akong tumakbo pabalik sa harapan ng apartment pero hindi pa ako naka tatlong hakbang ay biglang may isang lycan ang humarang sakin at agad-agad niya akong inatake, pinaslang niya ako gamit ang mga mahahaba niyang mga kuku.

*LAZARUS'S POV*

“AAAAAHHH!!…” Sigaw ng isang babae sa likuran.

Bigla akong natigilan sa ginagawa at agad kaming naalarma, dahil boses iyon ni beatrix. Hindi naman sisigaw yun ng walang dahilan.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon