CHAPTER 12

80 3 3
                                    

“Bea! Sa likod mo! “ Biglaang sabi ni jake.

Dahil dun ay bigla akong nagulat at dali daling lumingon, pero pag lingon ko ay nakita ko ang isang lobo na nakatayo at kinalmot niya ako sa leeg.

Agad kong sinagga yun at imbes na makalmot ako sa leeg ay ang braso ko yung natamaan.

“Aaahh!!“ Sigaw ko at tumilapon.

Tiningnan ko ang braso ko at dito ko nakitang okay lang ito, kaya napahinga ako ng maluwag. Dahil dun umatake ako pabalik at sinuntok ko yung lobo pero pag suntok ko ay biglang nabasag ang buto ko.

Nang mangyari yun ay agad na lumaki ang aking mga mata tsaka umatake yung lobo at aakmang kakalmutin niya ako sa leeg pero biglang dumating si jake at sinaksak niya sa dibdib dahilan para mamatay.

“Okay ka lang?“ Sabi niya.

Tumango lang ako ng tumango, dahil dun ay aakmang lalayo na sana sakin si jake para makipaglaban pero biglang umalulong nanaman yung lycan.

Dahil dun ay tumingin-tingin ako sa paligid at dito ko nakita ang mga kakaibang klase ng mga lobo, napakali nila at mas malaki pa ito sa mga lycan.

Nakatayo ito kagaya ng mga lycan, pero lobo pa rin sila kung titingnan. Di kagaya ng mga lycan na may halong tao.

“T-teka!? Ano ang mga yan!!“ Sigaw ko.

Nang makita iyon ni lucinda ay agad siyang napaatras.

“Takbbooo!!!“ Sigaw niya.

Bigla akong nagulat sa sinabi niya.

“Teka, bakit!?“ Tanong ni deamon.

“Wala na akong oras para magpaliwanag!! Tumakbo na kayo!!“ Sigaw niya at gumamit ng above normal speed papunta sa loob ng apartment tsaka siya lumabas at nasa balikat na niya si lazarus at alona.

“Deamon! Kunin mo si lucas!! Tumakbo na tayo!!“ Sigaw niya na parang natataranta.

Agad namang kumilos si deamon at dali dali kaming tumakbo palayo gamit ang above normal speed.

“Lucinda! Paano na yung ibang kasamahan natin!?“ Sigaw kong sabi.

Sumagot naman siya.

“Hayaan mo na! Keysa maubos tayo!!“ Ika pa niya.

Tumingin ako sa likuran at nakita ko ang mga bampirang kasamahan namin na tumatakbo rin palayo pero yung iba ay naabutan at pinag kakagat ang mga ulo nila nung lobong nakatayo hanggang sa maputol.

Di ko maintindihan si lucinda, tsaka ano ba ang mga lobong yan?

Nakatingin lang ako sa likod habang tumatakbo at napansin kong napakalaki ng mga ngipin nila, mas malaki pa ng kunti kung ikukumpara sa mga ngipin ng ordinaryong lobo.

Dahil dun ay nakalayo na nga kami habang yung mga kasamahan namin ay tumakbo sa iba't-ibang direksyon.

Nagsuot-suot kami sa city at nagpanggap na tao, sa ganung paraan ay hindi makakasunod ang mga lobo samin dahil makuha nila ang atensyon ng mga tao.

Ilang minutong pag suot-suot ay nakahanap kami ng isang abandonadong bahay na sira-sira, at doon kami nagtatago.

“T-teka lucinda, sino ba ang mga yun?“ Tanong ko.

Bigla namang nagising si lucas at isa na siyang killer blood vampire ngayon.

“Isa iyong mga hybrid Werewolf, wala tayong pag asang manalo dun.“ Sabi niya.

Nang marining ko yun ay agad akong naguluhan.

“Hindi pa ba hybrid ang mga lycan?“ Tanong ko.

Agad namang nagtaka si lucas, wala siyang kaalam-alam sa nangyayari tsaka nagsalita si lucinda.

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon