CHAPTER 04

51 5 0
                                    

“Huhuhu, paano na'to.“ Sabi ko.

Natawa lang si angel at kalaunan ay sumeryoso ang mukha.

“Nga'pala, paano ka naging bampira?“ Tanong niya.

Dahil dun ay sumeryoso rin ako.

“May nakilala akong isang babae at kinagat niya ako sa leeg.“ Sabi ko.

Bigla naman siyang nagtaka.

“H-ha? Paano? Sa pagkakaalam ko ay naubos ang lahi namin dahil sa pagsalakay ng mga lobo sa teritoryo namin.“ Sagot niya.

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“What do you mean?“ tanong ko.

Dito nga ay pinaliwanag ni angel kung ilang taon na siya dito sa mundo at sinabi rin niya sakin na si ka-tibang ang totoo niyang pangalan.

“Tangine, tanda mo na palang hayop ka.“ Sabi ko.

Natawa lang siya at sumagot.

“Yup, sino ang kumagat sayo? Pwede mo ba akong dalhin sa kanya?“ ika pa niya.

Tumango lang ako tsaka ko siya dinala sa apartment ni lazarus.

Nang makarating na kami ay agad akong nagsalita.

“Hello guys, hulaan nyo kung sino ang magandang chika babes na'to.“ Sabi ko habang si angel naman ay ngumiti.

Nang makita ni lucinda si angel ay agad siyang nagulat.

“K-ka-tibang!?“ Gulat niyang sabi.

Dahil dun ay agad na nagulat si lazarus at deamon.

“T-tibang? Tangineng pangalan yan, sobrang tanda.“ Sabi ni deamon.

Sinimangutan ko siya tsaka nagsalita si lucinda.

“P-paano ka nakaligtas?“ Gulat na tanong niya.

Ngumiti lang si tibang at sumagot.

“Mahabang storya, tsaka… (sabay tingin sa paligid) one of the boys ah?“ natatawang sabi ni tibang.

Sumagot naman si lucinda.

“Mahaba ring storya haha, masaya akong makita kang muli tibang.“ Sabi niya.

“Ako rin, tsaka… (sabay tingin kay deamon) may killerblood?“ Gulat niyang sabi.

Dahil dun ay agad rin akong nagulat.

“Yup, kaka-evolved lang nyan.“ Sabi ni lucinda.

Pinaliwanag naman ni lucinda ang tungkol kay deamon at sa mga pagbabago naming mga bampira.

Napatango nalang ako, dahil dun ay nagkwentuhan muna silang dalawa, masaya ako dahil nadagdagan nanaman kami ng isa. Kaya hinayaan ko na muna na mag reunion ang dalawang lumang bampira sa apartment ni Lazarus.

Sa totoo lang ay natuwa ako sa muling pagkikita nila, pero yung pangalan lang talaga ang panira. Napakaganda nila parehas pero yun pangalan ay pang gurang.

Lumipas ang ilang oras na pag chi-chika ay biglang dumating si jake, may dala siyang mga manok na buhay na ipinagtataka ni tibang.

“Nagulat ka ba? Ayaw kasi naming pumatay ng tao para lang sa dugo.“ Sabi ni lucinda.

“Well, mabuti naman kung ganon. Ako nga once a month lang makakainom ng dugo.“ Sagot niya.

Dahil dun ay nagulat kaming lahat maliban kay lucinda tsaka ako nagtanong.

“Pwede ba yun?“ Tanong ko.

Tumango naman si lucinda at nagpaliwanag si tibang.

“Yup pwede yun, buong araw kasi akong natutulog. Babangon lang ako pag isang buwan na ang nakalipas, kasi hindi pwedeng nakamulat ako dahil magnanasa ako ng dugo at mababaliw sa uhaw.“ Sagot niya.

Di ko alam kung paano niya yun nakayanan at paano niya nalalaman kung lumipas na ang isang buwan, napaka-astig talaga ng mga bampira.

Habang nag uusap sila ay naghapunan muna kami dahil dinalhan kami ng buhay na manok ni jake, hanggang sa sinabi ni lucinda na magpaparami na daw kami dahil sapat na ang limang buwang pananahimik.

Nagulat naman si tibang, dahil it takes 50 years daw bago maging killer blood pero nagawa yun ni deamon sa loob lang ng limang buwan.

“Well, as expected sa founder namin.“ Sabi ko.

Mas lalong nagtaka si tibang at sumagot.

“H-ha? May grupo ba kayo?“ Tanong niya.

Ngumuti lang kaming lahat at dito nga ay nagsalita si deamon.

“Yup. I am deamon, the founder of the gang. And the one on your side is lucas, he is the commander, at tinatawag namin ang gurpo naming Gangsta Vampire.“ Sagot ni deamon.

Dahil dun ay biglang napangiti si tibang tsaka siya sumali sa gang namin, pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay kaming anim na lumabas at naghanap ng mga pwedeng gawing bampira.

Nagtungo kami sa bakanteng lote na pinangalanan naming “DEATH PLACE” kung saan doon magpapatayan ang dalawang grupo ng gangster pag malaki ang galit sa pagitan ng dalawang grupo.

At jan din namin unang nakilala si lucinda, pero sa kasamaang palad ay inambush kami ng ibang gangster kaya no choice kami kundi ang makiki-usap kay lucinda na gawin kaming bampira para makaganti.

Ilang minutong pagtatakbo ay nakarating na kami sa bakanteng lote at doon nga ay may dalawang grupo ang nagtatalo.

Sa kanan ay nandoon ang napakaraming membro ng gang at base sa nakikita namin ay may hawak silang bihag, samantalang sa kaliwa naman ay maliit lang sila at ang founder ng gang nila ay may dalang itim na bag. Lalagyan umano iyon ng pera, parang nandito lang ang dalawang grupo dahil sa kasunduan.

“Lets go?“ Tanong ni tibang.

Pinigilan lang sila ni lazarus tsaka nagsalita.

“Wait lang, parang binubully ng kanan ang kaliwang grupo. Hayaan muna natin silang mag away-away at doon na tayo papasok.“ Sabi ni lazarus.

May punto naman siya, kaya pinanood na muna namin sila.

“Akin na ang pera kapalit ng walang kwenta nyong kasamahan!“ Sabi nung founder na may dalang bihag.

Sumagot naman ang nasa kaliwa.

“Ito na, (sabay tapon ng pera sa lupa) ibigay nyo samin ang kasama namin ng mapayapa dahil binigay namin ang gusto ninyong pera.“ Sabi nung founder sa kaliwa.

Kinuha naman nung commander sa kanan ang pera at chi-neck.

“Okay boss! Deal closed!“ Sabi niya.

Agad namang natawa yung founder sa kanan tsaka niya pinakawalan yung bihag.

Labis na tuwa ang nakaukit sa mukha nung mga taong nasa kaliwa at nakangiti silang sinalubong ang kasamahan na tumatakbo papalapit sa kanila.

Pero tila ba'y hindi umayon ang lahat sa plano, dahil biglang tinaas ng founder sa kanan ang kamay niya at may dala itong baril.

Tinutok niya iyon sa pinakawalang bihag tsaka siya nagsalita.

“Dahil nakuha na natin ang pera, oras na para linisin ang kalat.“ Sabi niya at pinutok ang baril.

Dahil dun ay natamaan sa ulo ang pinakawalang bihag at nahiga ito sa lupa.

Agad na nagtaka ang mga membro tsaka kitang kita sa mukha ng founder sa kaliwa ang galit na parang nawawalan na ito ng kontrol sa katawan.

“Mga bwesit!! Sinunod namin kayo!!“ Sigaw niya at parang sasabog na ang ulo sa galit.

“Sugoood!!“ Dagdag pa nung galit na founder at nag rambulan ang dalawang grupo sa bakanteng lote.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta Vampire 2: The Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon