*JAKE'S POV*
Nang magising na ako ay napansin kong dalawa kaming nakahiga sa kama kaya tiningnan ko yung isa.
“L-lucas?“ bigla kong sabi.
Nag evolve rin pala siya, dahil dun ay agad akong natuwa.
Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit walang ni'isang bampira.
“Saan na kaya sila?“ pagmuni-muni ko pa at bumangon.
Titingnan ko sana ng malapitan ang mukha ni lucas pero bigla kong narinig na sumisigaw yung mga kasamahan ko sa labas.
Dahil dun ay agad akong lumabas at sa paglabas ko ay dito ko nakita ang isang malaking digmaan ang nagaganap sa pagitan ng dalawang hanay. Mandurugong bampira laban sa mga lobo, at killer blood laban sa mga lycan.
Ngunit nag iisa lang ang killer blood, napakadami ng mga lycan.
Tumingin ako sa kanan at dito ko nakita ang mga lycan na walang awang pinag pupugot ang mga ulo ng mga bampira.
Dahil dun ay agad akong nagalit, kailan pa ba ito nagsimula?
Tumingin ako sa mga lupa at napakarami na ng mga bampirang namatay, kaya agad akong nainis at aakmang tutulungan ko sana ang mga baguhang bampira pero nakita ko si alona na pupugutan na ng ulo nung lycan, kaya agad akong gumamit ng above normal speed tsaka ako lumapit sa lycan.
Nang makalapit na ako sa kanya ay gumamit ako ng above normal strength at sinalo ko ang mga kuku niya tsaka ko sinipa para makalayo.
“Pasensya na kung nahuli ako ha?“ Sabi ko.
Bigla naman siyang napangiti.
“Gising kana pala killer blood.“ Sabi niya.
Ngumiti rin ako pabalik.
“Magpahinga ka muna jan, (sabay tingin sa lycan) ako na muna ang bahala sa lobong to.“ sabi ko at gumamit ako ng above normal speed papunta sa lycan at nagtagisan kami ng lakas.
*BEATRIX'S POV*
Ang akala ko ay mamamatay na si alona, buti nalang at nagising na si jake at sinangga niya ang mga kuku nung lycan.
“Bea, paano na'to? Hindi natin siya matamaan!“ Ika pa ni alona.
“Wag kang titigil sa kakaatake!“ Tanging yan lang ang masasagot ko, kasi pag titigil kami sa kakaatake ay magkakaroon ng pagkakataong makaatake ang lycan. Pag nangyari yun ay malamang isa sa amin ang mapupugutan ng ulo.
Umatake lang kami ng umatake hanggang sa lumipas ang mga minuto at malapit nang mabilang sa kamay ang natitirang mga bampira, tsaka unti-unti nang naghina ang lycan na kaharap namin ni alona.
Dito ko na ako nakaisip ng paraan, makakaramdam pala sila ng pagod dahil buhay pa naman ang katawan nila. Kung patuloy kaming ganito ay malamang magiging pabor samin ang labanan.
Palagi lang akong umaatake sa likod, hindi pwedeng parehas kaming nasa harap ni alona. Sa statregy naming ito ay mahihirapan lang yung lycan mag depensa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi talaga namin matamaan ang lycan kahit nanghihina na, kaya aakmang kakagatin ko nalang sana sa kamay pero biglang tumilapon si deamon papunta sakin at parehas kaming tumilapon palayo.
Dahil dun ay naiwang mag isa si alona.
Sa puntong ito ay bigla na akong kinabahan, isang bampira nalang ang umaatake. Ibig sabihin magkakaroon ng pagkakataong umatake ang lycan, kaya dali dali akong tumayo at aakmang gagamit ng above normal speed pero pag tingin ko kay alona ay kinalmot na siya nung lycan sa leeg.
“Alonaaa!!“ Sigaw ko at dali daling lumapit.
Agad naman akong sinalubong nung isang lycan na kalaban ni deamon, sa sobrang bilis niya ay hindi ko napansin na lumapit na pala siya sakin. At dito nga ay aakmang pupugutan na sana ako ng ulo pero sinangga iyon ni deamon.
Dahil dun ay hinayaan ko nalang si deamon na harapin ang isang lycan at dali dali akong lumapit kay alona na nakaluhod sa harap nung lycan habang hawak-hawak ang leeg niya.
Nang makalapit na ako ay agad kong inatake ang lycan at nakaiwas nanaman siya.
“Alona! Okay ka lang!?“ Kaba kong sabi.
Tumingin lang siya sakin at hindi makasagot, di ko alam pero hindi siya gumagalaw tsaka ko lang napansin si jake na nakalapit na samin.
“Alona! Anong nagyari!“ Sigaw niya.
Agad rin namang umatake ang lycan na kaaway namin ni alona at pinagtutulungan namin yun ni jake.
Dahil nga nanghihina na yung lycan ay palagi itong napapaatras sa tuwing sinusuntok ni jake habang nakadepensa yung lycan.
“Guluhin mo lang bea! Hahanap ako ng pagkakataon para matamaan ko siya sa tyan!“ Sigaw ni jake.
Dahil dun ay umatake lang ako ng umatake hanggang sa nakakuha nga ng pagkakataon si jake tsaka niya sinuntok sa mukha ang lycan dahilan para mapaatras at mawalan ng depensa, at dito na niya sinaksak ang tyan nung lycan gamit ang mga kuku niya.
Sa wakas ay napatay rin namin, dali dali kong nilapitan si alona at nakaluhod lang siya habang nakahawak sa leeg. Kaya tinawag ko si lucinda para humingi ng tulong.
Nang makalapit na si lucinda ay agad niyang tiningnan ang leeg ni alona.
“Okay lang yan, meron tayong Accelerated Healing. Isang itong kakayahan na ginagamit ng mga Vampires at Hybrid Werewolfs para gumaling at makabawi mula sa mga pinsala tulad ng mga putok ng baril, mga bali ng buto, paso, kagat, napinsalang sa mata, o kahit ano. As long as hindi ito mahihiwalay sa ating katawan.“ Sabi ni lucinda.
Nang marinig ko iyon ay agad akong nabuhayan, buti nalang at hindi nahiwalay sa katawan ang ulo ni alona. Kaya pala pinag pupugot ng mga lycan ang mga ulo namin kanina pa, sa paraang yun lang pala kami mamamatay.
“Itago ko muna si alona sa apartment gamit ang bilis ko, nabuhay ako ng 450 years dahil sa above normal speed kong kakayahan, buwan buwan ay mag improve ang ating abilities kung palaging ginagamit.“ Sabi niya ay binuhat si alona na nakahawak lang sa kanyang leeg.
“Sge, babantayan ko kayo hanggang sa makapasok sa loo—”
Naputol ang pag sasalita ko nang bigla siyang nawala na parang hangin.
Dahil dun ay agad akong nabigla, ikaw ba naman ang tumakbo araw-araw sa loob ng 450 years.
“Bea! Sa likod mo! “ Biglaang sabi ni jake.
Dahil dun ay bigla akong nagulat at dali daling lumingon, pero pag lingon ko ay dito ko na nakita ang isang lobo na nakatayo at kinalmot niya ako sa leeg.
To be continue…
Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!
BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire 2: The Revenge
VampireSi lucinda ay isa sa mga nakaligtas habang inuubos ng mga lobo ang kanilang lahi, dahil dun ay bumuo siya ng panibagong henerasyon ng mga bampira kung saan maipaghiganti niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa kamay ng mga lobo. - Please read the fir...