Kabanta XI

306 63 1
                                    

"Taos-puso kong pinasasalamatan ang iyong kagitingan, Lady—patawarin mo ako, ngunit ano nga ba ang pangalang ikinararangal mo?" marahan kong tanong sa babaeng nag-alay ng kaligtasan sa akin.

Ang pinunong kawal at ang kanyang mga kasama'y naglaho sa aming paningin, subalit hindi bago mag-iwan ng banta ng kamatayan na bumabalot sa akin, kay Marquess Wyatt, at sa lahat ng nagkamay-ari ng loob na tumulong sa akin. Ang hari, ayon sa kanilang salita, ay hindi magdadalawang-isip na ipataw ang pinakamatinding kaparusahan.

"Napansin ko rin na ito ang unang beses na nasilayan ka ng aking mga mata dito," ang boses ni Wyatt, kahit pinahihina ng kanyang sugat, ay puno pa rin ng pagtataka at paghanga. Nakasandal siya, pinipilit ang kanyang katawan na magpahinga sa gitna ng kaguluhan. "At higit pa roon, ang iyong kapangyarihan ay tila higit sa sinuman sa amin, maging sa pinunong kawal. Maaari bang ipaalam mo sa amin kung ikaw ba'y anak ng Pyropolis?"

Ang kanyang labi ay gumuhit ng isang mahiwagang ngiti. "Sa katunayan, ako'y isang anak ng gubat na nakapalibot sa Pyropolis—kaya't hindi ako madalas masilayan," panimula niya. "Ako si Asteria, isang kaalyado, at nangako akong magiging tanggulan ni Prinsesa Aurelia."

"Asteria..." marahan kong inulit, hinayaan ang pangalan niyang mag-echo sa sulok ng aking isipan. Sa di inaasahang sandali, ang aking mga mata ay nagsalubong sa kanya, at ang isang pakiramdam ng pamilyaridad ay naglaro sa aking diwa—tila isang aninong nakaraan ang kanyang anyo, isang mukha mula sa aking mundo. Ngunit ang alaala ay parang usok na hindi ko mahuli at maipaloob.

"Oo, tama ang iyong narinig," patuloy ni Asteria, ang kanyang ngiti ay nagsilbing ilaw sa gitna ng kadiliman ng sitwasyon. "Nais kong magsilbi sa iyong tabi. Ang iyong ina at ang aking ina ay may magandang samahan noong kanilang panahon. Ang iyong ina, ang dating Reyna, ay labis na nagpakita ng kabutihan sa aming pamilya. Nang malaman namin ang iyong kalagayan, bago pa man lumisan ang aking ina sa mundo, isinumpa ko sa kanyang alaala na ikaw ay aking tutulungan."

Napatango ako at naalalang ito'y nag-e-exist sa libro. Maraming natulungan ang ina ni Lady Aurelia, kaya madami din ang tutulong sa kanya para makabalik sa palasyo bilang isang prinsesa. Siya ang tunay na tagapagmana sa trono, hindi ang mga bruha sa palasyo ngayon.

"Hindi maaari!" malakas na tutol ni Wyatt, tila'y may alam siya tungkol sa buhay ni Asteria.

Kumunot ang aking noo. Nagtatalo ako sa kanyang naging reaksiyon. "At bakit hindi, Marquess Wyatt?"

Napatayo si Wyatt at napatayo sa gilid. "Hindi natin alam ang tunay niyang pagkatao. Baka siya ay isang kalaban at—"

"Marquess Wyatt, ang tunay na kalaban ay si Reyna Ayla. Siya ang pumatay sa magulang ko at sigurado ka bang ako'y kakampi nila?" tanong ni Asteria at napa-cross arms lang siya. "Huwag kang mag-alala. Ang aking ginagawa ay para kay Aurelia, hindi para sa iyo. Nasa iyo na rin iyang kung paniniwalaan mo ako o hindi. Basta't ang mahala ay matulungan ko siya't magtagumpay."

Sa mga mata ni Asteria, isang sinseridad ang nasilayan ko—hindi ko siya kailanman nakita sa palasyo, ni sa mga hangganan nito, ni saanman. Siya ay isang kakampi, at may kumpiyansa akong naiintindihan niya ang aking mga damdamin, sapagkat siya, tulad ko, ay nagmula sa mundong batbat ng katotohanan.

Ipinangako ko kay Marquess Wyatt na siya'y kakampi at hindi kalaban. Dahil pinagkakatiwalaan niya ako, wala na siyang nagawa kung hindi ang bigyan ng permiso si Asteria na manatili dito kasama ko.

"Aalis na sana ako, Lady Aurelia ngunit nanganganib na ang buhay mo. Kaya mananatili muna ako. Pangako, ipagtatanggol kita, aming prinsesa," sabi niya't napangiti sa akin.

Habang sa tabi, nandilim ang paningin ni Wyatt kay Asteria. Ano bang problema niya?

Dumating ang gabi. Kakatapos lang namin kumain at nasa labas ako kasama si Asteria, nagpapahangin at mayroon na rin akong sasabihin tungkol sa librong Shadows of Lumina.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon