Kabanata XIX

189 22 1
                                    

Isa lang ang umiikot sa isipan ko ngayon - ang patayin si Martha. Ngunit wala kaming matibay na ebidensyang siya nga ang tunay na salarin sa lahat ng nangyayaring ito.

Ilang uli na naming pinag-usapan ang pagpaslang kay Martha ngunit maging sila ay nagdadalawang isip tungkol dito.

Laging paalala ni Zane, "Hindi tayo kriminal, Gabbie. Tandaan mo iyan."

Hinihintay pa namin kung ano ang magiging hatol sa pagpatay namin sa reyna. Wala kaming ideya kung anong parusa ang ipapataw sa amin ng hari. Maaaring kami ay ipapatay niya.

Malalim na ang gabi at napagpasiyahan kong matulog na. Sina Asteria, Zane, at Wyatt ay tila malalim pa ang iniisip at wala pang balak magpahinga.

Kahit papano naman ay panatag ang loob ko dahil may iniwan naman kaming bantay kay Martha sa underground room.

Nang ako ay makapasok sa silid, humiga ako at ipinikit ang aking mga mata. Wala pang ilang minuto ang nakalipas ay agad akong nahimbing sa pagkakatulog.

Ako ay naglakbay mula sa kasalukuyan patungo sa isang panaginip - isang panaginip tungkol sa bahay ampunan. Masaya ako kasama ang mga kababata ko doon na naging kaibigan ko na. Sina Elvira, Cleobelle, Lavender... Ngunit may isa pang malabo ang mukha. Hindi ko mawari kung sino siya. Bukod kasi kina Elvira ay may iba pa akong mga naging kaibigan sa bahay ampunan. Unti-unting lumilinaw ang kaniyang mukha nang may bumulong mula sa aking likuran.

"Someone will betray you. The friends you once considered will be your number one enemy."

Nang lumingon ako sa aking likuran, isa-isang nawala ang aking mga kaibigan.

"Elvira... Cleobelle... Lavender, nasaan kayo?"

Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari at ano ang ibig sabihin ng mga katagang ibinulong sa akin.

Kung ang ipinapahiwatig sa mga senyales na iyon na mayroong magtataksil sa akin mula sa aking mga kaibigan galing sa bahay ampunan, sino naman iyon? Ibig bang sabihin ay kasama ko silang napunta as aklat na ito?

Ilang sandali pa ay agad akong nagising. Akala ko ay parte ng aking panaginip ang makaramdam ng haplos ng kamay, ngunit totoo pala sapagkat mayroong hindi ko maaninag na lalaki ang nakatayo sa gilid ng aking kama.

"Sino ka't—"

Sisigaw na sana ako, ngunit bigla niyang tinakpan ang aking bibig gamit ang isang panyo. Unti-unti akong nanghina at nagdilim ang paningin.

.....

"Nasaan ako?" Iyan ang una kong tanong sa aking sarili nang ako ay magkaroon ng malay.

Inilibot ko ang tingin. Akala ko ay nagbalik na ako sa totoong mundo ngunit kakaiba ang aking paligid ngayon.

Napaupo ako sa gilid ng malambot na kama. Ang disenyo sa paligid nitong silid na kinaroroonan ko ay ibang-iba sa kwarto ko sa Eldermoor.

Wait, wait. Hindi ba't mayroong lalaki ang nagtakip sa aking bibig na naging dahilan kung bakit ako nawalan ng malay? Siya ang nagdala sa akin dito at kung hindi ako nagkakamali, ito ay isang silid sa palasyo. Ibig sabihin maaaring ang hari ang nagpadakip sa akin.

Upang malaman ang totoo, agad akong napatakbo sa pintuan at binuksan ito. Hindi lock ang pinto kaya nakahinga ako ng maluwag. Nang tuluyan na akong lumabas, nakumpirma ko na nasa palasyo nga ako. Nakakapagtaka lang na sa isang silid ako dinala at hindi sa isang piitan.

"Gising ka na pala."

Napatigil ako nang marinig ang isang tinig. Ibinaling ko ang tingin sa paligid at napansin na si Haring Theo pala iyon.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon