Kabanata XII

266 58 1
                                    

"Pakinggan mo mabuti ang sasabihin ko, Gabbie. Sikreto akong pumasok sa kwarto ni Reyna Ayla. Pagkatapos ay may nakita akong wallet. Mukhang hindi kanya kaya sinilip ko ito. Pagmamay-ari ito ng matandang nanggulo sa party, si Mang Connor," paliwanag ni Zane. Mahina niya itong sinambit na tila'y takot na may kung sinuman ang makarinig. "Ang laman ay pera sa ating mundo, ID, at mga bills ng kuryente. Para bang itinago niya para hindi natin makita at mananatiling lihim na alam din niya ang mga pangyayari."

Idinetalye ni Zane ang lahat nasaksihan. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan sa gulat. Tama ang hinala ko na siya'y galing sa totoong mundo. Alam ni Reyna Ayla ang lahat ng mga nangyayari.

"So it means...." Hindi ko maituloy ang nais kong sasabihin nang maalala ko ang bilin ni Mang Connor bago pa man siya namatay. Dapat kong patayin si Ayla dahil siya ang kalaban. So posible na siya talaga ang kalaban at siyang sanhi kung bakit ako naandito. "Mayroon ka na bang ibang clues o evidences to point her as the villain?"

Umiling si Zane, bumuntonghininga, at sumagot, "Sadly, wala. That's what I can only confirm for now. Mahirap na. Baka malaman pa ng reyna na galing din ako sa ibang mundo at ako'y kaniyang ipapatay."

Inilagay ko ang kamay sa bewang at napaharap sa likuran, napaisip dahil sa mga nakalap niyang impormasyon. Hindi pa naman ito sure, pero malapit na naming makamit ang inaasam namin, ang makalabas na rito sa libro.

Dahil kakaunti pa lang ang ang impormasyon hawak namin ngayon, hindi pa talaga kami pwedeng magconclude this early. Tinanong ko si Zane kung nadala ba niya ang pitakang kaniyang sinasabi ngunit sa takot niya na siya ay mahuli ng reyna, hindi niya ito nakuha.

"We can't confirm it yet. May naisip ka bang ibang plano para tayo ay makaligtas kung sakali mang sila'y lulusob upang patayin ako?" Malalim ang aking iniisip. Kinakabahan ako sa aking maaaring sapitin sa mundong ito.

"Wala. Gulong-gulo pa ang isipan ko. Kung wala man talagang portal palabas, edi sundin natin ang sinabi ng matanda," sagot niya. "Na patayin ang sinumang kalaban natin dito."

Narinig ko ang kanyang mga yapak papunta sa akin hanggang sa napatayo siya sa aking gilid.

"That's the only way to prove na tama ang matanda—tama ang ating hinala. Hihintayin na ba mo na lang bang patayin tayo ni Reyna Ayla at mabulok habang-buhay sa aklat na ito?" muli niyang tanong.

Umiling ako habang napatingin sa kanyang wari, tanaw ang seryoso niyang mga titig.

Mapapansin naman ang determinasyon niya upang tulungan ako, ngunit hindi ko lang maiwasan ang matakot. Baka ginamit lang siya ni Reyna Ayla upang kunin ang loob ko at dahil sa palasyo. Hindi ko na alam kung sino ba rito ang dapat kong pagkatiwalaan dito. Pero nais ng puso kong pagkatiwalaan ang aming pag-iibigan ni Zane.

Kinakailangan kong maging alerto bago pa man maging huli ang lahat. Malayo pa ang epilogue sa librong pinasukan namin. Hindi pa naman happy ending ang huli kaya dapat mapatay na namin ang dapat na mawalang karakter.

"Fighting, Gabbie. We can do this," he said. Tinapik niya ang aking balikat. "Kailangan mong manalo at mapatay ang ating kalaban, Gabbie. Kailangan mong manalo, kahit anong mangyari...."

Kahit na hindi pa man iyon nangyayari, nangangamba na ako. Paano na lang kung ako ang mamatay? Hindi na ba talaga ako makakabalik sa totoong mundo? Ang mga kasama kong napadpad din dito kagaya ni Zane, mamamatay din kaya sila o tuluyang mabubulok na lamang dito sa loob ng ibang katauhan?

"Natatakot ako, Zane. Hindi ako handa....hindi ako handang mamatay," nailabas ko ang takot ko. This time, I felt that I needed to express myself. Zane has always been my comfort zone, and this time, I was hoping na siya rin ang makapagbigay ng pansamantalang katahimikan sa aking mga agam agam.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon