Kabanata VI

399 98 1
                                    

Sa pagsilay ng liwanag ng umaga, isang bagong pag-asa na naman ang sumilay. Ssasaglit pa lamang ako rito sa Empire of Lumina, ngunit ako'y pagod na pagod na. Maaga pa lamang ay nag-umpisa na akong maglakbay pabalik sa palasyo. Ngunit kapag sinuswerte nga naman, isang karwahe na puno ng mga gamit ang nagdaan, patungo rin sa parehong destinasyon ko. Sa likurang bahagi nito'y nakisakay ako, at hiniling ko sa kutsero na ihinto ito sa aking paroroonan-ang kulungan sa tagong bahagi ng palasyo.

Pagbukas ng pintuan ng karwahe, isang matandang lalaki na may bitbit na basket ang lumapit sa akin. "Magandang umaga, Lady Aurelia. Isang karangalan na ikaw ay makadaupang palad ngayon," bati niya nang may paggalang. "Ano ang iyong lakad ngayon?"

"Patungo ako sa kulungan," malumanay kong tugon, sabay turo sa matibay na pintuan ng kulungan kung saan nakatindig ang isang kawal.

"Ah, bibisitahin mo ba ang matandang iyong pinagkakatiwalaan?" usisa niya, na may bahagyang kislap ng kuryosidad sa kanyang mga mata.

Isang pilyang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, ngunit piniling manatiling tikom ang aking mga bibig upang hindi mabunyag ang aking layunin, lalo na sa mata ng Reyna Alya. Bago pa man ang aking pagdating, nakapag-usap na kami ni Zane, ang aking tapat na kaibigan, na nangako sa akin na gagawin niya ang lahat upang pigilan ang sinumang magtangkang umaligid sa kulungan, upang magbigay-daan sa aking nais na makadaupang-palad ang matanda.

Sa aking pagtayo sa harap ng kawal na nagbabantay, humihingal at may bakas ng pagod, napako ang kanyang tingin sa akin. Sa kanyang mga mata'y mababakas ang pagtataka-bakit narito ang isang tulad ko? Tinangka kong itago ang aking pagkabalisa sa pamamagitan ng isang mahinahon na ngiti, at sa gayon ay nagpatuloy ako sa aking di-inaasahang pagbisita.

Sa kanyang postura ng otoridad, ang kawal ay nagbigay-tanong na may bahid ng pagtataka. "Anong sadya mo rito, alipin? Walang anumang paunang abiso na ihinatid sa akin na ikaw ay darating," ang kanyang tono ay hindi nagpapahintulot, habang siya'y matatag na nakaharang sa daanan. "Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinumang aliping dito lalo na ang taong siyang nagbigay ng utos sa matanda. Maari ka nang bumalik at isagawa ang iyong mga tungkulin."

Ako'y bahagyang umiling, sa pagsapit ng maagang oras na ito, at magalang na nagpaliwanag, "Wala po akong natanggap na utos, ngunit napakahalaga lamang talaga ng aking pakay na makausap siya. Dagdag pa, wala akong dalang anumang sandata na magiging panganib sa kanya, o sa iyo man. Ipagpaumanhin mo."

"Mahigpit ang patakaran. Matigas ang iyong paninindigan, alipin!" ang kanyang boses ay lumakas sa pagtanggi.

Sa aking pag-asam na mabago ang kanyang isip, nag-alok ako ng isang kakaibang suhol: "Nais mo bang mapanood akong sumayaw, upang mapatunayan ang aking hangarin na walang-halong kasamaan? Tignan mo ito." At sa gayon, nag-umpisa akong magpakita ng ilang hakbang sa pagsasayaw, ngunit lalo lamang itong nagpalala sa kanyang pagkadismaya. "Hindi mo ba nagustuhan? Sige, ititigil ko na, ngunit nawa'y payagan mo akong makapasok, pakiusap?"

Sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtutol, walang sawa ko ring hinikayat ang kawal.

"Bahala na! Napakalakas ng iyong tinig," ang kawal ay bumigay sa wakas, ngunit bago niya ako pinayagang makapasok, nagtanong siya bilang paglilinaw, "Ikaw nga ba talaga ang nag-utos sa kanya?" Ang kanyang mga mata'y nanuot sa akin, naghahanap ng katotohanan. "Kaya inaamin mo bang ikaw ang nagbigay ng utos?"

Hindi ko napigilan ang bahagyang pagkairita. "Sinabi ko nang hindi! Ang tigas din ng iyong ulo..." Muli kong inulit ang paliwanag, na ang aking pangalan ay nadawit lamang dahil sa mga gawain ng matanda.

Dahil sa aking kakulitan, sa wakas ay binigyan ako ng pahintulot ng kawal na magpatuloy, tanging sampung minuto lamang ang kanyang ipinagkaloob sa akin.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon