Kabanata XXI

203 20 0
                                    

"Noong nakaraang gabi ay nakita ko siya. Kausap niya ang isang kawal. Tila ba mayroon siyang inuutos dito. Napansin kong nagkaroon sila ng pagtatalo. Sa aking palagay ay hindi pumayag ang kawal sa kung anumang inuutos nito. Ngunit sa isang iglap, tila naging isang robot ang kawal. Tila ba may kapangyarihan si Wyatt na kontrolin ang mga kilos nito," inilahad niya sa akin ang kaniyang nasaksihan. "Mag-iingat ka sa kanya at habang maaga pa ay gumawa na tayo ng plano upang hindi matuloy ang kung anumang masamang plano niya."

Tumayo na si Asteria mula sa kanyang pagkakaupo. Naglakad siya papunta sa pintuan at bago pa man siya tuluyang lumabas, napabaling siya sa akin.

"Pag-isipan mong mabuti. Kahit ano ang maging plano at desisyon mo, Aurelia, tandaan mo na nandito ako. At isa pa. Ang lihim na ito ay sa pagitan nating dalawa lamang," dugtong niya sabay ngiti.

"Makakaasa ka, Asteria. Salamat," sagot ko.

Tuluyan na siyang lumabas at naiwan na ulit akong mag-isa sa kwarto.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Asteria, ngunit tila kaduda-duda ang kaniyang mga winika. Upang malaman kung totoo ang kaniyang mga sinabi, kailangan kong magmasid sa mga kilos ni Wyatt.

Napailing na lamang ako. Dumagdag pa ang sinabi ni Asteria sa pagsakit ng aking ulo. Madami pa akong asikasuhin bilang bagong reyna. Ang hirap, lalo't wala naman akong experience sa ganito. Mabuti na lang ang mahilig akong manood ng mga ganoong pelikula, iyong mga ukol sa mga kaharian at kapangyarihan.

Bumuntonghininga ako at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata para magpahinga. Gusto ko na lang matulog at nagbabakasakaling sa aking pag-gising, nakabalik na ako sa totoong mundo - sa mundo kung saan ako nararapat.

.....

Tatlong araw na ang lumipas. Sinabi ko kay Zane ang mga sinabi ni Asteria, ngunit sinabi na pala ni Asteria iyon sa kanya. Kung siya lang naman ang tatanungin, naniniwala siya kay Asteria. But then again, wala siyang balak na pumatay. Baka mali na naman kami. At isa pa, hindi ko gustong gawin niya iyon.

Kakatapos ko lang makipagpulong sa ibang miyembro ng konseho. Nanatili akong nakaupo, habang si Zane ay nakaupo sa katapat na upuan.

"Gabbie," pagtawag ni Zane sa aking atensyon.

"Hmm?" Napataas ako ng kilay habang napatingin sa kanya. "Bakit?"

"Hindi ba't hindi kita masyadong nakilala noong una kitang nakita?" tanong niya.

"Oo. Mukha ni Aurelia ang mukha ko ngayon, habang sa iyo, at sa ibang nakapasok sa libro, mukha ninyo ang gamit ninyo," paliwanag ko. "Naalala ko ang unang nakapasok ako sa libro, diretso sa scene kung saan nahimatay si Aurelia. I think only my soul traveled to this world at nasa katawan ngayon ni Aurelia. Gets mo?"

"Oo na hindi." agad niyang sagot. "Naguguluhan ako."

"Maaaring hindi lang ako ang nakapasok sa katawan ni Aurelia. Ang aking hinuha ay may ibang taong nakapasok din sa katawan niya. Marahil ay namatay na iyon at noong ako ay mahulog sa dagat, yung kaluluwa ko naman ang pumasok kay Lady Aurelia," paliwanag ko sa kanya. Sa totoo lang, maging ako ay naguguluhan. Ngunit nabanggit sa akin noon ng mayordoma na ilang buwan ang nakalipas ng biglang magbago si Aurelia, at noong ako ay dumating, tila ibang tao na naman daw ang kaharap nila. Based sa mga naikwento nila sa akin, doon ko napagtagpi tagpi na maaari ngayong ganoon ang nangyari. Or baka naman ito ay kagagawan ng villain. Baka sinadya niyang kaluluwa ko lang ang makapasok dito.

Napatango lamang si Zane. Pero alam ko deep within him, naguguluhan siya.

"Okay, pero about kay Amethyst, ngayon ko lang napagtanto na maaaring pareho kayo ng kapalaran," bigla niyang sambit. "Maaaring siya ang galing din sa mundo natin, at maaaring siya ay kakilala natin."

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon