Kabanata XV

187 36 1
                                    

"Dahil sa mga nagawang kasalanan ni Lady Aurelia, at paglabag sa batas ng kaharian ng Pyropolis, hinahatulan siya ng parusang kamatayan...."

Malakas ang naging anunsyo ng tagapagsalita habang binabasa ang mga nagawa kong kasalanan kahit hindi naman totoo ang mga iyon.

Sa pagkakaalam ko, ang tanging ginawa ko lang ay tumakas dito sa palasyo. Kung paparusahan man ako, hindi angkop ang ganoong kabigat na parusa. Ang parusang kamatayan ay dahil lamang sa galit ni Reyna Ayla sa akin. Hindi ito makatarungan!

Dinala ako ng mga kawal sa harapan ng maraming tao - mga mamamayan ng Pyropolis. Lahat sila ay naging witness sa anunsyong isinagawa. Habang nakaupo sa kanilang trono ang hari at reyna. Inilibot ko ang aking paningin at hindi namataan si Prinsesa Amethyst. Hindi ko rin nakita si Damian. Saan kaya siya ikinubli ni Reyna Ayla? Usapan namin na magiging ligtas si Damian kung isusuko ko ang aking sarili ngunit hanggang ngayon, kahit anino nito ay hindi ko pa nasisilayan.

Inilibot kong muli ang aking mga mata at nakita ko si Martha na nakatingin sa akin. Bakit tila may ngiti sa kanyang mga mata? Akala ko ba kakampi ko siya? Bakit tila masaya pa siyang nakikita akong paparusahan? Napailing nalang ako at binalewala iyon.

Nanginginig na ang aking tuhod habang nakatitig sa isang mesa at isang mahabang espada.

OMG! Hindi naman siguro 'yan ang gagamitin para patayin ako? Or iyan nga?

"Walang sinuman ang pinahihintulang tumutol sa nasabing desisyon. Tanging ang hari lang ang may karapatang baguhin ito," dugtong ng taga-pagsalita. "Ang sinumang hindi kayang masaksihan ang nasabing parusa ay maaring umalis na rito. Hindi ito para sa may mahihinang puso."

"Mali ang naging hatol ninyo. Hindi ko deserve ang mamatay!" I tried my best to explain myself but they would not allow me.

Gustuhin ko man ang makawala sa pagkakahawak ng mga kawal sa aking kamay, ngunit hindi ko magawa. Masyado silang malakas.

Ibinaling ko ang tingin kay Haring Theo. Siya ay napatayo na mula sa kanyang trono at napaharap sa akin, at sa mga tao.

"Maawa ka sa akin, Haring Theo." Sinubukan kong gamitin ang paawa effect, baka sakaling maawa siya. After all ay anak naman niya si Aurelian, hindi ba?

"Ikaw ay aking ama at kinikilala kita bilang hari ng Pyropolis. Kailan man ay hindi ko sinuway ang utos mo. Sinunod ko lahat. Hindi ka ba masasaktan kung gagawin mo iyan sa mismong anak mo? Anak mo rin ako. Kailangan kita ngayon, sana naman ay maging ama ka kahit papano."

I tried my best upang magpaawa effect sa kanya. Ganda lang din naman ang ambag ko sa aklat ni ito. Kaya sinubukan kong gamiting ang maamong mukha ni Aurelia at baka sakaling maantig ang puso ng hari.

"Please ... Maawa ka sa anak mo, sa akin. Gusto kong mabuhay nang tahimik. Lalayo ako rito sa kaharian. Kahit hindi mo na ako kilalaning anak kahit kailan, basta kailangan kong mabuhay."

Dapat lang na mabuhay ako. Baka tuluyan na akong hindi makalabas sa librong ito.

Inisip ko ang pakiramdam na itinakwil ng magulang, kaya unti-unti rin akong nalungkot at kinalaunan ay napaiyak. Fake tears lang pero deep inside, nasasaktan din ako para kay Lady Aurelia.

"Huwag kang makinig sa babaeng 'yan!" sigaw ni Reyna Ayla sa likod.

At dahil sa takot ko na manipulate ng Reyna si Theo, lumuhod ako at mas ginalingan pa ang pag-iyak. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman ni Lady Aurelia ngayon.

"Kung itutuloy mo man ang paghatol sa akin ng kamatayan, wala na akong magagawa pa. Kung kaya mong makitang mamatay ang iyong sariling anak sa harapan mo mismo, ay ituloy mo na. Gawin na natin ito." I tried reverse psychology.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon