Kabanata XIII

258 51 1
                                    

Ilang oras na ang nakalipas mula ng mangyari ang eksena dahil sa pagpunta ni Zane, rather Prinsipe Damian.

Tuluyan nang lumuwas ito pabalik sa palasyo kasama ang dalawang kawal na pinagkakatiwalaan niya. Nagpaalam na siya kanina at ipinangakong ligtas siyang makakabalik sa palasyo.

Kinakabahan ako. Sana'y hindi malaman ng Reyna ang pagpunta niya rito para bisitahin ako. Kung siya man ay mahuli, siguradong hindi na namin magagawa pa ang mga plano namin.

Ako ay puno ng takot na baka siya'y hatulan ng kamatayan at maiwan sa libro habang buhay. Kung ito ay mangyari, siya's hindi na muling masisilayan sa aming mundo.

Napailing ako at kinumbinse ang aking sarili na okay lang siya... Na magiging okay ang lahat.

Matapos ang limang oras, tapos na si Wyatt sa kanyang tungkulin at sa pagdalo sa pagpupulong kasama ang kanyang mga kawani rito sa kaharian.

Base mula sa aking narinig, napatunayan na hindi siya isang corrupt na Marquess dito sa Pyropolis.

Dahil dito, patuloy pa rin ang kanyang paglilingkod dito sa Eldermoor. Hindi man siya personal na dumalo sa palasyo, ngunit nagpadala ng sulat ang konseho ukol sa nasabing pagbibintang ng Reyna.

Ngunit kinukuwestiyon na naman siya dahil sa pagligtas sa akin at iyon ang bagong kakaharapin niya.

Dahil kung sakaling mabigo man siyang magpaliwanag, tuluyan na siyang masisibak bilang Marquess, habang ako, tuluyan na ring papatayin ni Reyna Ayla. Kung tama ang aming hinala, siya ang villain sa librong ito. Kung sino man ang mga kasabwat niya, iyan ang hindi pa malinaw sa amin.

Well, hindi pa rin naman kami siguradong siya nga ang tunay na kalaban, ngunit malaki ang tiyansa na siya talaga. Kung hindi, bakit to the bones ang galit niya sa akin?

Kung pagbabasehan ang tunay na kwento sa libro, hindi naman ganoong ka-harsh ang kanyang character. Although hate na talaga niya si Aurelia, pero hindi dumating sa puntong ito.

"Lady Aurelia. Kanina ka pa ba naghihintay dito sa labas?"

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malambing na boses ni Marquess Wyatt sa aking likuran.

Para bang kinikiliti ako sa tuwing marinig siya. Ibang-iba ang aking pakiramdam sa kanya.

"Hindi naman," sagot ko at napaharap sa kanya.

Sinabi niya sa akin na gusto niya akong kausapin. Siguro tungkol ulit ito sa pangyayari. Dahil sa aking presensiya, nadadamay na naman siya.

"Lady Aurelia, hindi problema ang pakay ko sa iyo. Kaya huwag kang tumitig sa akin ng ganyan ka seryoso, maliwanag ba?" ani Wyatt at humalakhak. "Ipagpaumanhin mo ang masasakit na salitang nabitawan ko sa iyo. Ang nais ko lang naman para sa iyo ay kaligtasan mo, Aurelia. Ayaw kong mawala ka....."

Napakurap ako ng ilang beses at tinanong siya, "Bakit napunta ang usapan natin sa akin, I mean, sa atin?"

Kinabahan ako bigla. All I thought was that we would talk about the current problem we are facing.

"Ang totoo.....gusto ko lang pag-usapan natin ang tungkol sa atin. Huwag na muna ang mga problema," aniya.

Hinawakan niya ang aking kamay. Tila mayroong enerhiyang dumaloy mula sa aking kamay papunta sa katawan.

This feeling is somewhat strange, yet familiar. No... this can't be love. It should never be.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ako.

"Paumanhin, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na mahalin ka, Lady Aurelia. Iyan ang totoo," pag-amin niya, sabay tingin sa aking mata.

Hindi siya mukhang nagsisinungaling. Alam ko na genuine ang kanyang pag-amin, pero ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

The Twilight Heiress (Resurrection Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon