Kabanata 4

6 2 0
                                    

It is already 1:00 in the morning when they decided na magpahinga na. Jyryll and I stayed outside to talk, just casual.

"Thank you sa pa-surprise niyo, Ryne. I really appreciate it" sambit nito.

"You're welcome, Jy" sabi ko "And please, birthday mo, huwag ka na makipag-away kay Wyatt"

"Siya naman ang nag-uumpisa ah" sagot naman niya.

Kumunot ang noo ko "Kahit na, hayaan mo nalang siya. You're more mature"

"College na siya, hindi pa ba siya mature niyan?" tanong pa niya.

"Jy... hindi kami ganoon ka okay ni Wyatt. Baka worried lang siya bilang kaibigan" saad ko pa.

He scoffed "Yeah right"

Next time ko nalang kakausapin si Wyatt tungkol dito. Habang nakatingin sa langit ay nakakita ako ng meteor.

"Nakita mo 'yon?" tanong niya "Wish ka"

"You believe in those?" I asked.

"No, but I know you do. So make a wish" sagot niya.

I wish... I wish for a better life for us after this boyfriend-girlfriend thingy.

"Bakit mo pa ako pinapag-wish kung hindi ka rin naman naniniwala?" tanong ko.

He smiled "It makes me feel better seeing you like that"

Those words... parang si Wyatt lang noong una. Hindi dapat ako mahulog, hindi ba?

Pumasok na kami sa tent at natulog nalang. Hindi naman naging awkward makasama siya sa iisang higaan.

Nagising nalang ako kinabukasan nang may naririnig akong tawanan.

"Huwag kang maingay"

"Ang cute"

"Ang sweet naman"

Iminulat ko ng onti ang mata ko at nakita sina Lia na nakatingin sa amin. Napagtanto ko na lamang kung bakit sila tumatawa nang mara naramdaman ko ang haplos sa akin ni Jy.

"Ang ingay nyo" antok na bulong ko dito.

Ramdam ko ang paggalaw ni Jyryll at alam kong nagising na siya.

"Stop looking guys, and iingay nyo" suway niya sa mga ito at itinago ang mukha niya sa braso ko.

Nang-iwan nila kami ay humiwalay ito ng yakap "Sorry, kaya ayaw ko matulog kasama ka kase I hug everything"

"It's okay, tara na" sabi ko at umalis.

Naghilamos ako sa hotel nun at nagpalit ng damit. Nakita kong gising na rin sila mama at Rhena, nakabihis na.

"Anong oras na ba kayo natulog at kagigising nyo lang?" tanong ni mama.

"Sorry ma, nag-ikot ikot pa kase kami ni Jyryll kagabi sa beach" sagot ko.

"Oh siya, mag-ayos kana. Birthday ngayon ng boyfriend mo, at makababa na tayo" saad nito.

Nang makabalik kami sa beach ay nakita naming may handa na sa may baywalk at kompleto na sila.

"Okay nandito na sila" sabi ng mommy ni Jy "Let's start"

We sang him again a happy birthday with his new cake. We ate, we laugh... everything was so perfect.

"Bitawan mo'ko" dinig kong bulong ni Jen.

Umalis ito at sinundan naman siya ni Wyatt. Napag-isipan kong sumunod sa kanila at nadatnan ko silang nagtatalo.

"Huwag mo naman sirain 'yong party, Jen" sabi ni Wyatt.

"Ako pa? Ako pa talaga? Ikaw nga itong nakikipagtalo kay Jyryll! At bakit? Dahil kay Ryne?!" sumbat pa nung isa.

"Hindi!"

"Eh ano?!" sigaw ni Jen.

Wyatt sigh "Ryne is just a friend"

"Kaibigan lang?" hindi mukhang tanong ang sinambit ni Jen, mukhang pagdududa.

"Oo"

Pinunasan ni Jen ang kaniyang luha "Nakalimutan mo na bang kaya naging tayo ay-"

"Tapos na yan Jen, ano ba?!" sigaw dito ni Wyatt.

Kita ko ang pagkagulat sa mata ni Jen ngunit hindi siya nagpatinag "See? It is not you anymore"

Umalis na ako bago pa nila ako makita. Nang makita naman ako ni Jyryll ay agad itong tumakbo papalapit sa akin.

"Saan ka ba galing?" tanong nito.

"Nag-ikot ikot lang" maikling sagot ko.

"Kung saan saan ka pumupunta" saad nito "Tara na dito"

Habang nagsasalo salo kami ay may inabot ang mommy ni Jyryll dito. It's a big box, with happy birthday on it.

"Mom... no" nakangiting sabi ni Jyryll.

"Yes, anak. You know na siguro iyan" sagot ng mommy nya.

He opened it and his eyes lit up. It's a purple guitar with his name craved on it. Tuwang tuwa siya at tumatawa pa habang niyayakap ang gitara.

"Oh my god! I love it!" sabi nito "Thank you, mom"

Habang nagkakatuwaan ang iba ay nasa baywalk kami, sa ilalim ng isang tela. He started singing a song...

"Ikaw na ang may sabi" he started "Na ako'y mahal mo rin"

I smiled and just vibed with it.

"At sinabi mo" pagpapatuloy niya "Ang pag-ibig mo'y 'di magbabago"

"Ngunit bakit" sabay naming sambit "Sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo"

He chuckled "Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba"

Dinig ko naman ang mga impit na sigawan ng mga kaibigan ko sa likuran namin. Hindi ko sila nilingon at patuloy na lamang sa pagdama sa kanta at nakatingin sa dagat.

"Umasa ka" kanta parin nito "Maghihintay ako kahit kailan"

"Kahit na" pagkanta ko rin "Umabot man ako'y nasa langit na"

Nang natapos namin ang kanta ay dinig ko ang palakpakan sa likuran namin. Nang lumingon naman ako ay kita kong nakatingin silang lahat sa amin, grabe ang ngitian ng mommy't daddy ni Jyryll habang magkayakap.

"Ang sweet naman ng mga 'yan"

"Ama namin, nasa'n ang akin"

"Ganito ka pala sa iba lord, ang daya ha"

Samot saring sigawan ang naririnig ko sa kanila. Tingin ko ay nakumbisi namin sila ng gano'n kabilis. Paniwalang paniwala sila na may kami.

Umuwi kami bago lumubog ang araw nung araw na iyon at gabi na nakauwi sa bahay. Hinatid kami ni Jyryll sa bahay at unang pumasok sila mama.

"Thank you" sabi ko.

"Wala 'yon. Thank you for agreeing to help me" sagot naman niya.

"You think we convinced them well?" tanong ko.

Natawa siya "Nakita ba namang yakap kita sa umaga, tingin mo?"

"Shut up" natawa na lang din ako "Sige na, baka hanap ka na nila tita"

"Goodbye, love" pang-aasar niya.

"Goodbye" I rolled my eyes.

Nakangiti akong pumasok ng bahay n'on. Tingin ko ay onti onti ko nang nakakalimutan si Wyatt ngunit ang problema, onti onti na rin akong nahuhulog kay Jyryll.

You're Losing MeWhere stories live. Discover now