Kabanata 17

10 2 0
                                    

"Pasok kayo"

Inaasahan namin ang isang malaking party at madaming bisita dito sa birthday party ni Miles pero hindi namin akalain na kami kami lang magkakaibigan ang nandirito.

"Saan ang ibang guest?" tanong ko.

"No, tayo tayo lang" sagot nito "I begged my mother not to throw me a big party"

Tumango ako at lumapit kay Lia, nandito na kase siya kasama si Athena at Nash na nakaupo sa harap counter top.

"Hi!" bati ko sa mga ito "Kanina pa kayo?"

Umiling si Lia "Mga nitong 4:30 pm lang"

"Balita ko magswiswimming daw tayong mamayang gabi diyan sa rooftop" saad naman ni Athena.

Nagulat pa ako "Huh?! Wala akong dalang extra damit"

Ngumisi naman sa akin si Lia bago tumingin kay Athena at ibinalik ang tingin sa akin "Always ready ako, babe" sabi pa niya.

Nagtataka ako nung una pero kita ko na madami siyang dalang damit at pinakita pa niya sa akin ang isang bikini.

"Hoy!" suway ko dito bago tumingin sa likod ko para tignan kung nakita ni Jy, buti nalang ay nakikipagkwentuhan ito kina Kiro "Baliw ka talaga!"

"What?!" tumatawa pa siya "My cousin will be drooling after you"

Kumunot ang noo ko "Are you drunk or something?"

"May sira lang sa ulo" sagot ni Athena.

Hindi nagtagal ay nakompleto na kami at kumakain na. Syempre ay hindi mawawala ang laro sa mga ganitong pangyayare at inuman.

"I dare you, Ryne!" sabi pa ni Lia "To have 7 minutes in heaven with Jyryll in the closet"

"Elliana!" suway ko.

Nakakahiya!

"Come on! Don't be so KJ!" sabi nito sa akin, mukhang lasing na nga.

Hinila nila kami ni Jyryll at inilagay sa maliit na closet ni Miles dito sa hotel room niya. Oh my gosh! I am trying to look away as far as I can kahit sobrang siksik namin dito.

Amoy na amoy ko ang alak sa aming dalawa, sobra na rin ata ako ng nainom pero wala pa rin akong tama. Pansin ko rin namumula si Jy, baka sa alak.

"Hoy! 5 more minutes!" sigaw nila sa labas "Ang tahimik nyo naman!"

I hissed "Mamaya ka sa akin, Lia-"

Gulat na lang ako nang halikan ako ni Jyryll, I couldn't process anything. He is kissing me right now!

After some time, I couldn't help but to kiss him back. It was too halusinating for me, para akong natutunaw sa bawat galaw ng labi niya. I wrapped my hands around his neck as he held my waist.

"5... 4... 3... 2... 1!" dinig namin sa labas.

Bago pa man buksan ang pinto ay humiwalay na ito ng halik sa akin at umayos ng tayo. Nang mabuksan naman ang pinto ay parang disappointed sila dahil wala silang nadatnan.

Hindi kami nag usap ni Jy ng ilang oras noon. Hindi ko rin alam kung paano siya kakausapin matapos 'yong nangyare.

Dumating na 'yong oras na nag-aya si Miles pumunta ng rooftop para mag swimming, 11 pm na rin kase ng gabi. Nagpaiwan kami ng mga babae para mag-ayos.

"Dali na, i-suot mo ito!" utos sa akin ni Lia.

Tinulak nila ako ni Athena sa banyo para makapag bihis ako. Napansin kong one piece bikini rin ito kaya hindi na masama, kaso nakakakaba pa rin dahil hindi ako sanay mag suot ng ganito.

You're Losing MeWhere stories live. Discover now